Chapter Fourteen

152 2 0
                                    

(Lauren's POV)


I've decided to spend more time with Mamita trying to catch up with our lost times.

"What have you learned being away from me?" she asked.

"Marami. Maraming nagbago, like yung spending habits ko na naging maayos. At eto pa, Mamita, finally, I learned how to cook!" bakas sa mukha ni Mamita ang tuwa. Akalain nya ba namang matututunan ko ang mga bagay na parang halos imposible na sakin?!

"At sino naman ang tumulong sa'yo na maachieve yang mga yan?" may halong panunukso ang tono ni Mamita.

"Secret. You'll meet him soon." i took a sip of my mango shake made by Manang Perla.

"So, kelan mo gustong umuwi dito? Walang gumalaw ng kwarto mo mula nang umalis ka dito."

I let out a sigh..."I don't know. Nag-eenjoy pa ako sa outside world, Mamita."

"It's good that you enjoy being independent. But please, hija, pag-isipan mo ang alok ko sayo. Walang ibang maghahandle ng business bukod sayo. I know Carissa is the most eligible for the position, pero ikaw ang tunay kong apo. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko, Lauren?" this time, wala yung Mamita na sinusubukan akong diktahan. Mapanuyong Mamita ang nasa harapan ko ngayon. Baka nga totoo panahon lang ang magsasaayos ng mga bagay na nasira.

"I will." I checked my wrist watch, at mukhang napatagal nga ang kwentuhan namin ni Mamita. "I have to go. Someone's waiting for me. I'll call you more often, Mamita." bumeso ako sa kanya. Hinatid nya ako hanggang sa makasakay ako ng kotse ko.

Wow. Pakiramdam ko ngayon, buo na ulit ako. I just realized how lucky I am. I have my Mamita who loves me unconditionally. I have Tan, who cares for me. Biglang overflowing naman ata ang blessings sa akin ni Lord ngayon. Pakiramdam ko wala na akong karapatang humiling in the future dahil binigay nya nang lumpsum ang blessings ko.

"Ay anak ng tinola!" next time, wag maglalagay ng phone sa bulsa ng nakavibrate mode. I took my phone from my pocket and checked the screen. Oh shoot! Nakalimutan kong tumawag kay Tan. Masyado akong naoverwhelm sa blessings! I answered the call...

"Hello?" i turned my hands free kit on.

"Hi, Tan! Sorry, I forgot to call you!"

"Okay lang, where have you been?"

"Galing ako sa Mansion. Nagkita kami ni Mamita, nagkausap na kami."

"Really?!!" napalakas ang boses nya. At parang mas naexcite pa sya kesa sakin. "Totoo ba yan? Okay na kayo?"

"Opo opo. Calm down. will you?!" natatawa kong sabi sa kanya dahil nagsisisigaw parin sya sa phone.

"Okay sorry sorry. So when can I formally meet her?"

"Soon. Why do you need to meet her?"

"Of course, sya lang ang pamilya mo. Dapat lang na makilala ko ang pamilya ng babaeng mahal ko." ahhhhh! I shrieked in silence. Kung kaya mong imagine-in kung paano ko naitawid ang kilig ko sa tahimik na paraan, go!

"Ah...eh...okay."

"So nasan ka na ngayon, Babe?" babe...babe...babe, parang musika sa pandinig ko. Gusto kong magwala sa loob ng kotse ko sa sobrang kilig.

"B-babe!?"

"Babe, as in babe, term of endearment natin. Bakit? Ayaw mo?" he asked.

"No no no. Ang...cute nga eh..." oh shet! Feeling high school ako ngayon! "I'll be there in 15 minutes."

In fact, 10 minutes palang nasa condo na ako. And I was surprised nang makita ko si Tan na nasa parking lot, naghihintay.

"Hi, Babe." he grabbed me from my waist and kissed me. "I missed you."

The Heir and The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon