(Lauren's POV)
"Aww aww aww!" feeling ko magiging kasing nipis na ako ng bond paper sa higpit ng pagkakayakap sakin ni Tan. "Naiipit kaya ako. Grabe ka naman makaakap. Mawawala na ba ako?"
"Sorry," bumitaw sya sa pagkakayakap sakin.
"Halos gawin mokong piyaya sa higpit ng yakap mo, ah."
"Grabe ka naman, namiss lang kita."
"Asus, pinapakilig mo na naman ako." somehow, I feel like I don't wanna sleep anymore. I just wanna stay up late and talk to him all night.
Umupo sya sa gilid ng bed ko.
"So, gusto mo bang pag-usapan yung pagkikita nyo ng Lola mo?" I looked at him with excitement. Pagtagpuin ko kaya sila? Tutal pareho naman nilang gustong makita ang isa't isa.
"So mag-uusap tayo ng nakabath robe ako? Ganun?!" natatawa kong sabi.
"Oo naman. Bakit hindi?" hinampas ko sya ng unan.
"Ang manyak mo! Labas! Magbibihis lang ako. Dun na tayo sa living room mag-usap. Baka kung ano pang maisipan mong gawin sakin." natatawa kong sabi habang tinutulak ko sya palabas ng room ko.
"Ayaw mo ba?! Teka lang...sandali..."
"Hindi pwede! Ayoko! Labas na!"
"Ang lupit mo talaga sakin. Kawawa naman ako kung ganun. Hindi ba pwede kahit kiss nalang."
"Hindi. Labas na. Wag nang makulit!"
"Babe...sige na! Paisa lang..." tuluyan ko na syang tinulak palabas ng kwarto ko. Napasandal ako sa likod ng pintuan. Hooo! Grabe, sarap tuktukan ng lalaking 'to. Kabago-bago lang namin, sumusobra naman sa request. Masyado yata akong nagiging linient. Hihihi :) Ano ba yan!?! Nakakaramdam ako ng kakaibang daloy sa mga ugat ko. Para akong kinukuryente. When was the last time I felt this way? Parang wala akong maalala.
Mahal ko na ba talaga si Tan? Teka, tanga ba ako? Sinagot ko pero hindi ako sigurado kung mahal ko? Pero gusto ko syang nakikita lagi. Gusto ko syang kasama lagi. Gusto ko syang kausap lagi. Gusto ko yung yakap nya, yung halik nya, yung paghawak nya sa kamay ko. Lahat yun gusto ko. Lahat ng tungkol sa kanya, gusto ko. Nabubulabog ang sistema ko tuwing lumalapit sya sakin. Isn't that counted? Does that mean I love him?
And what's my guarantee that he loves me? All I know is that he cares for me, he helped me a lot to make me cling onto him.
Nagitla ako ng marinig kong tumunog yung phone ko. I'm not expecting any phone call at this hour. So I took it from my bag.
Billy
calling....
I didn't answer the call. Instead, I put it on silent mode. Lechugas sya, pahalik-halik sya bigla. Di man lang sya nagtanong sakin kung may boyfriend na ba ako. Anong akala nya sakin, bagay na naiwan nya sa lost and found at kapag binalikan nya, eh, readily available parin para sa kanya? Ay naku, gwapo sya...sa hanay ng mga animal sa mundo!
Hmmp...sisirain nya pa ang moment namin ni 'Babe'. Kaya nagmadali akong nagbihis into my pj at lumabas ng kwarto. Nakita kong nakaupo si Tan sa sofa at kumakain ng Lays. Tumalon ako sa sofa at inagaw ko yung Lays sa kanya.
"Babe, careful. Eh pano kung nahulog ka?" he scolded me as I carelessly jumped beside him from the sofa's back.
"Ano yang pinapanood mo?"
"Fault in our star..."
"Wow! Gusto ko yan, napanood ko na yan pero papanoorin ko ulit..."
(Tan's POV)
Buong akala ko may kasama pa akong nanonood, hanggang sa maramdaman ko yung pagbagsak ng ulo ni Lauren sa balikat ko. Tulog na pala sya. I watched her sleep and she looke so peaceful.
1am na pala. Tulog na tulog sya, napagod siguro sya sa buong maghapon. I'm so happy to know na nagkaayos na sila ng Lola nya. Hindi ko na pala kailangang mag-effort to make them reconcile.
And as for Carissa, I have to deal with her tomorrow. Hindi pwedeng malaman ni Lauren ang nakaraan namin ni Carissa. Ayokong mawala sya sakin. Kakausapin ko si Carissa.
Teka, hindi na pala kami nakapagkwentuhan ni Lauren. Na-excite pa naman ako sa kung paano sila nagkabati ni Chairman Romina Dionisio. Dahil nga sa mukhang masarap na ang tulog ni Lauren, hindi ko na sya ginising. Dahan-dahan ko syang binuhat at dinala sa kama nya. Ang galing, para kaming bagong kasal, yun nga lang tulog ang bride :)
Tinabihan ko muna sya at parang batang tinatapik para mas humimbing ang tulog nya. Mabuti nalang at nagkabati na talaga sila ng Lola nya. I can imagine how happy she was. Base sa kwento nya, si Chairman Romina Dionisio nalang ang natitirang pamilya nya. Her Mom died, and her Dad doesn't know that he has a daughter as beautiful as this girl beside me. Which makes me wanna take care of her, and love her more.
Hindi ko sya mahal dahil naaawa ako sa kanya. Hindi sya kawawa para kaawaan ko. In fact, maswerte sya. I love her because she makes me happy. And I love her more because I wanna take care of her and keep her away from painful memories. I don't know much about her past relationships, and I don't care.
All I know is that I want her to be mine...forever.
*******
"Aaaaahhhhh!" nagising ako sa lakas ng sigaw na umalingawngaw sa loob ng maliit na kwarto. Pakiramdam ko nabasag ang eardrum ko. Umupo ako habang hinihimas yung tenga kong mukhang dudugo yata.
"Ang ingay mo naman, ang aga aga." sabi ko habang pupungas-pungas pa.
"A-anong ginagawa mo dito? Anong ginawa mo sakin."
"Ha?" natatawa ako habang napapakamot sa ulo. "Wala akong ginawa sa'yo. Tinabihan lang kitang matulog."
"S-sigurado ka?"
"Haha oo nga. May nararamdaman ka bang kakaiba sayo?" natatawa paring tanong ko. Sa totoo lang gusto ko nang humagalpak ng tawa, pero pinipigil ko. Ayokong maoffend sya. Mahirap syang suyuin, eh.
"Wala naman."
"Eh di wala, ikaw talaga. Magtatampo na ako nyan. Masyado ka nang off limit sa boyfriend mo. Gusto mo pang ginugulat ka para mahalikan kita. Kawawa naman ako." nagmake face ako sa kanya na kunwari nalulungkot.
"Wag maarte, Babe." I then smiled at her.
"Ano ulit?" she frowned.
"Wag kang maarte, sabi ko."
"Hindi, yung tawag mo sakin...ano ulit?" I was just trying to make her say that 'Babe' again. As it sounds pleasing in my ear. Parang nagamot yung eardrum kong sumabog sa lakas ng sigwa nya.
"Babe...babe...babe." I laughed and kissed her without her permission. She looked surprised so she threw her pillow at me. "Langya ka, ang aga-aga!"
"Hahaha, tama na! Suko na ako..." huminto sya sa paghampas ng unan sakin. "Anong gusto mong breakfast? Magluluto ako."
"Gusto ko ng pancit canton."
"Naglilihi ka na agad? Wala pa ngang nangyayari sa'tin?!" I teased her. And I noticed her cheek turning red. She's so cute, kahit na gulo-gulo pa yung buhok nya dahil bagong gising.
"Loko ka talaga, sige na gusto ko pancit canton...please!"
"No, you shouldn't eat junk foods. Ipagluluto nalang kita ng champorado at tuyo." she frowned. That's becoming her habit,huh :P
"Huh? That's weird! Champorado at tuyo?"
"Oo. Wag ka munang magreklamo hangga't di mo pa natitikman."
I cooked Champorado and dried fish for her. Akala ko hindi nya magugustuhan, surprisingly, sarap na sarap sya. Tss...pancit canton? Instant noodles? Pano nalang kung wala ako, pancit canton nga kakainin nya? She makes me wanna take care of her more...
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Heir and The Heiress
Storie d'AmoreWho would have thought na magtatagpo at magkakasundo ang dalawang tagapagmana ng malalaking kompanya na may magkaibang insight sa buhay?! Would he continue to protect her kahit na nasa komplikadong sitwasyon na sila?
