The Heir and The Heiress - Chapter Seven

254 6 0
                                        

Chapter Seven (Batangas getaway with Mr Handsome)

(Lauren's POV)

"Stop over muna tayo, nakakapagod magdrive, eh." Pinark ko yung SUV sa may convenient store sa tabi ng gasoline station. Bumaba ako ng sasakyan habang si Tan naiwan sa loob ng busy parin sa pag-iisip.

When I was a kid, everytime na nalulungkot ako, lagi akong binibilhan ni Mommy ng ice cream. Ube flavor 'to, ah! Favorite daw ni Daddy yun. Kaya pag kumain ako nito, parang kasalo ko na si Daddy. Nasaan nga ba ang Daddy ko? Well, all I know is that he's still alive. Yeah, alive and kickin'. Si Mr Miguel Santiago, the great actor, sya ang Daddy ko. At dahil nga isa syang aktor, itinago sa lahat ang katauhan ko.

Mamita never approved his relationship with Mommy. Kesyo wala daw future si Mommy sa isang artista, eventually malalaos din daw ito. Kaya nang malaman ni Mamita yung pagbubuntis ni Mommy, she forced Mom na pumunta ng New York. At doon naman ako pinanganak.

"Eto, oh." Inabot ko kay Tan yung ice cream, Ube flavor, na binili ko sa convenient store. Takang kinuha nya ang plastic bag na inabot ko.

"Ano 'to?" Sinilip nya yung loob at kinuha yung ice cream cup. "Ice Cream?"

"Yeah, Ube flavor. Yan yung comfort food namin ni Mommy whenever stressed na kami sa buhay." Binuksan ko na rin yung akin at kinain. "Mmmm...ang sarap talaga!"

"Thanks." Ngumiti sya ng bahagya habang nakatingin sa akin. And ooooh lala! Ang tingin nya, mas nakakatunaw! I feel like I'm the ice cream he's holding!

"A-ah, ha? Para saan?" I looked away. Ang awkward na, eh.

"Sa pagsama mu sakin." Inumpisahan nya nang kainin yung ice cream nya.

"Wala yun. Hindi rin naman ako busy, eh. And besides, I love to see the beach. Bago manlang sana matapos ang summer masilip ko ito."

Matapos namin kainin yung ice cream namin, nagvolunteer si Tan na sya naman daw ang magdadrive. Wow, gentleman! I dunno, I feel like I'm falling for him ❤. But it ca't be! He's getting married. Pero sabi nya, hindi nya naman daw mahal yung pakakasalan nya. Ano 'to, arranged marriage? Eh di mas komplikado yun! Involved ang pamilya, eh. Ahhh...what do I do? I can't like him 😞

"Hey, kanina ka pa tahimik. May iniisip ka?" Tanong nya habang nagdadrive parin.

"Ha? Napagod lang siguro ako." Hay, ano ba 'tong iniisip ko. Mas mabuti pa enjoy-in ko muna yung company nya. Baka naman I was just shaken or something 😜

"Don't worry malapit na tayo." Medyo nagsparkle yung eyes ko. Hehe, so excited to see the beach!

"Really?! Gano kalapit?!" Nagmenor na sya ng pagpapatakbo which tells me na he's about to park his car. "Dito na ba?!"

"Yeah." Nagpark sya sa tabi ng isang rest house.

Namangha ako sa sobrang ganda ng bahay. Probinsyang-probinsya ang dating. Kung titira ako dito, pakiramdam ko, dito ko matatagpuan ang peace of mind na hinahanap ko. At mas lalo akong namangha ng sa paglingon ko sa kanang bahagi ko, nakita ko yung beach. Wow! I love beach!!!

I admit, medyo nawala ako sa sarili. Medyo lang naman, noh! So I ran to the beach side, inhale, exhale. "Wow! Nasa beach na nga ako! Naamoy ko na ang dagat."

"Really? How does it smell?" Tumayo sya sa tabi ko and slowly kicking the sands while keeping his arms crossed.

"It smells like...wheeee!" Mabilis ako lumublob sa tubig habang sinasabuyan ko sya ng tubig dagat. "Tara! Maligo ka na before the sun sets."

"Hey! Shoot, basa na ako!" Hinaharang nya yung tubig na sinasaboy ko sa kanya. "Wait...ano ba?!" Halata namang nag-eenjoy sya.

"Come on, kunwari ka pang ayaw lumublob. Wag ka nang mahiya, show me your abs."

The Heir and The HeiressMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon