Chapter Eight (Past is past)
(Lauren's POV)
Manang lead me to a nice guest room. Ang alam ko, most of the guest rooms, unisex ang decorations. This one is different.
"Hindi naman po kayo mahilig sa pink, ano po?" Natatawang tanong ko kay Manang Lita. Tinutukoy ko yung curtains, bedsheets and everything on the bed.
"Ah yang mga yan ba? Ito kasi yung ginamit na kwarto noon ni Carie noong halos tatlong buwan din silang namalagi dito ni Tan." Sagot niya habang patuloy sa pag-aayos ng cabinet. "Heto, hija, isuot mu ito. Yung underwear, bago yan. Ako ang bumili nyan noong nakaraang linggo sa mall." Inabot nya sa akin ang isang white shirt na may teddy bear print sa harap, at shorts. Inabot nya rin sa akin ang pares ng underwear na nakalagay pa sa paper bag.
"Salamat po." Nakangiting inabot ko ito. At dahil curious ako sa Carie na yan, di ko na napigilang magtanong. "Sino po si Carie?" Aba susuotin ko yung mga damit nya. Kailangan makilala ko sya. Malay ko ba baka patay na sya. Ayoko namang magsuot ng damit ng patay na.
"Si Carie?" Naupo si Manang sa gilid ng kama na tila handa nang magkwento. "Sya yung dating kasintahan ni Tan. Nasa kolehiyo sila noon nung magsimula yung relasyon nila. Napakasaya noon ni Tan, di masukat yung kaligayahan nya." Umupo ako sa leather armchair na nasa tabi ng kama para mas komportable akong makichismis. "Kumukuha noon ng pangalawang kurso si Tan sa kolehiyo nang makilala nya si Carie. Tanggap ng pamilya ni Tan ang relasyon nila ni Carie dahil galing naman ito sa magandang pamilya. Pero yung ama ni Carie, sya ang naging problema noon. Ayaw nyang makipagrelasyon ang kanyang anak. Kaya naman nagpakalayo sila at tatlong buwang nagsama rito sa bahay na ito. Ngunit nung matagpuan ng ama ni Carie itong lugar na ito, pwersahang kinuha si Carie at dinala sa ibang bansa. Sobrang nasaktan noon si Tan. Halos ikamatay nya ang pagkawala ni Carie. Hindi sya kumakain, inom sya ng inom ng alak. Tulog sya ng tulog at hindi lumalabas ng kwarto."
"Nakakalungkot naman po pala yung nangyari kay Tan," teary eyed kong saad. Naawa ako kay Tan, hindi ko akalain na ganun kalungkot ang past nya.
"Ang mahalaga, nakakangiti na sya ngayon. At ikaw ang nakakapagpangiti sa kanya." Nanlaki ang mata ko O.O --> Ganito oh. Sabay turo ko sa sarili.
"A-ako po? Naku nagkakamali po kayo. Wala po kaming..."
"Hindi nyo kailangang magkaroon ng relasyon para mapangiti ang isa't-isa, hija. Maaaring may nakikita syang iba sa iyo kaya sya napapangiti." Tumayo na ito at hindi inantay ang reaksyon ko. Nakakabother yung sinabi nya. "O sya, magshower ka na. Maghahanda muna ako ng makakain ninyo, baka napagod kayo sa pagtatawanan nyo, este, sa byahe nyo." Nanunuksong sabi nya.
"Manang naman, eh." Nang tuluyan nang makalabas si Manang, napahawak ako sa labi ko. Haay! Bakit ba nakangiti parin ako? Eee! Kinilig ako doon. I like the thought na ako ang nagpapangiti kay Tan.
So I took off my clothes para magshower. In-adjust ko yung heater ng shower. After kong maligo, I took the bath towel at pinulupot sa katawan ko. Tinitigan ko yung shirt na may teddy bear print. Why do I feel like I've seen this shirt before? Hay, never mind. Sinuot ko yung shirt and shorts, then konting seremonya sa mukha. Good thing I always have my night cream inside my bag.
After ng...hmm...1 hour na pag-aayos, bumaba na ako at medyo nakaramdam na rin ako ng gutom. Pagbaba ko, nangapa pa ako kung saan yung kusina. Nakita ko si Manang Lita na nag-aarrange ng mesa.
"Nasaan po si Tan?" Tanong ko nang mapansing wala si Tan doon. Ang nakita ko lang ay si Manang Lita at isang babaeng kasama nito na hindi ko pa kilala.
"Nasa labas, baka nagpapahangin lang." Agad akong lumabas para hanapin si Tan. Nakita ko syang nakaupo sa malaking bato na nasa tabing dagat. "Tan!" Lumingon sya sakin. At ang weird ng tingin nya. He's glaring at my shirt. "Ah, eto ba? Ito yung pinasuot sakin ni Manang, eh." I just thought it was a big deal for him kaya ako nag-explain.
"Okay." He said as he look away. Naupo ako sa tabi nya. I just feel comfortable whenever he's around.
"Ang sarap talaga lumanghap ng sariwang hangin!" Sabi ko habang nilalasap ang sariwang hangin. "Malayo sa Manila, malayo sa stress, walang ibang iniisip, nakakagaan sa pakiramdam. I love this place."
"Ako din." I caught him smiling.
"Ah! Ngumiti ka! Haha, nakita kita ngumiti ka!" Sabi ko habang nakaturo sa mukha nya.
"Ako? Ngumiti?! Ha! Imposible yan." Pailing-iling nyang sagot.
"Weh? Napapangiti ba kita?" Lakas loob kong tanong sa kanya.
"Ha? Komedyante ka ba?"
"Tss...bahala ka nga dyan!" Tumayo na ako at nag-umpisang maglakad papasok ng bahay.
"Uy! Di ka na mabiro, eh." Pinigilan nya ako sa paglakad ng mabilis sa pamamagitan ng paghawak sa balikat ko. "Ang bilis mu naman maglakad. Bagalan mu ng konti."
"Ewan ko sa'yo. Dyan ka na!" Tumakbo na ako papasok ng tuluyan sa bahay.
"Uy! Sandali!"
"Para kayong batang naghahabulan dyan. Kumain na kayo rito." Natatawang saad ni Manang Lita.
And so we had dinner in that round table. Ang dami naming napagkwentuhan. Nagkwento si Manang tungkol sa kabataan ni Tan. Kung paano tuksuhin si Tan ng mga kalaro nya, kung gaano sya katalino noong bata pa sya. She even showed me some baby photos of Tan. Syempre pa, hiyang-hiya ang loko. Ayaw ipakita sa akin yung mga pictures nya.
Sa mga narinig ko, pakiramdam ko, kilalang-kilala ko na sya. Pakiramdam ko, kasama ako sa nakaraan nya.

BINABASA MO ANG
The Heir and The Heiress
RomansaWho would have thought na magtatagpo at magkakasundo ang dalawang tagapagmana ng malalaking kompanya na may magkaibang insight sa buhay?! Would he continue to protect her kahit na nasa komplikadong sitwasyon na sila?