Chapter Five
(Lauren's POV parin)
That was such an exhausting morning. Ang daming revelations. I was hurt, I treated them as my friend. Pero mabuti na rin sigurong nangyari yun, at least hindi ako nagmumukhang tanga.
I opened my last cup of instant noodles. Shoot! Paano na ako nito?! Wala na akong credit card 😞 Saan ba talaga ako dadalhin ng 5000 pesos ko?!
Humingi na kaya ako ng tulong kay Mamita. Hmmp...hindi pwede. Kailangan ko syang tiisin. Kailangan kong patunayan sa kanya na kaya kong mabuhay nang hindi pumapasok sa kompanya nya.
But how?! Do I need to work? Eh kaya nga ako umalis ng mansyon, eh, dahil ayoko magtrabaho. Business? San ako kukuha ng puhunan?! Why oh why?!!
Napahinto ako sa paghigop ng sabaw ng cup noodles ko nang tumunog yung phone ko. Si Sheila pala...she's my friend. Classmate ko sya nung high school. She didn't come from a well off family. But how did she get into a very prestigious and expensive school? She's brainy, kaya scholar sya sa school.
"Hey, Sheila. What's up?" Sabi ko habang nginunguya ang noodles na kinakain ko.
"Hi, Lauren! May bago akong items, baka gusto mong ikaw muna tumingin bago ko ipost sa internet." Nagbebenta sya ng mga clothes sa internet. At okay naman ang pagbebenta nya, in fairness, lumago! At ngayon nagmamanufacture na rin sya ng mga damit.
"Really?!" Excited kong sagot. Pero nawala ang excitement ko nang maalala kong wala pala akong pera 😞 Kailangan kong magtipid. "Ganun ba? Shei, pass muna ako."
"Ha? Bago 'to, ah. Ngayon ka lang tumanggi."
"May pinagdadaanan lang..."
"So totoo yung narinig ko kay Marty?" Kalat na pala ang nangyari. "Sa ibang tao ko pa malalaman? Kala ko ba magkaibigan tayo?" Ramdam ko sa boses nya ang pagtatampo.
"S-sorry..."
"Pag kailangan mu ng tulong, tawagan mu lang ako. Okay?"
"Okay." Binaba na ni Sheila yung phone. Patuloy ako sa pagsubo ng noodles ko pero di ko na ito malasahan. Maya-maya, naramdaman kong tumulo yung luha ko.
Hanggang ngayon hindi parin ako tinatawagan ni Mamita. Hindi nya parin sinasabing bumalik na ako sa mansyon. I miss her so much.
DING DONG DING DONG
Ay peklat! Naistorbo tuloy ang pag-emote ko. Sisingilin na ba ako ni Tan sa kinain ko kanina? (Napailing ako.) Hindi naman siguro.
"Hi Ma'am." Bumungad sakin ang isang uniformed staff ng condo na may hawak na clipboard.
"Hi. What can I do for you?" Curious kong tanong sa kanya.
"Maniningil lang po ng monthly due." Napataas ako ng kilay. May pinagkakautangan ako?!
"M-monthly due? Ano yun?"
"Yun po yung parking fee, wifi, sa maintenance at fee po sa guard natin." Ah now I understand. Mura lang naman siguro.
"Magkano ba?" Tanong ko habang nagbubukas ng wallet.
"2,500 po." Napanganga ako at halos malaglag ang panga ko. "May problema po ba?" Tanong nya habang nagsusulat sa resibo.
Problema? Wala namang problema...bukod sa wala akong pera. Pag binigay ko tong 2,500, eh di 2,500 nalang matitira sa budget ko 😞 Pero ayoko namang ma-penalize!
"Ah, w-wala naman. Ito oh." Inabot ko na yung 2,500 peso bill. Kahit masama loob ko. Sabay abot nya naman sakin ng resibo. Grabeng monthly due to. Mas mahal pa sa Meralco at Maynilad bill. Sabagay, ano pang aasahan ko eh mga elite ang nakatira dito, eh.
Bumalik na ako sa pagmumukmok ko. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Mamita. Pero hindi nya sinasagot. So, si Carissa na lang ang tinawagan ko.
"Carissa, what happened to my cards?!" Bungad ko sa kanya.
"Pina-cut ni Mamita, eh." I knew it!
"What?! Why?! Isn't it enough for her na pinalayas nya ako?!" I can't believe ilulubog ako ng ganito ni Mamita. I felt so pissed, hurt, whatever.
"Pasensya na, pero yan ang utos ni Madam President. Siguro sya nalang ang kausapin mu. Sige na, Lauren. Busy kasi ako, eh. Bye." Binaba nya yung phone nang hindi nag-aantay sa response ko.
Paano na ako nito?! Nakakainis naman! Bakit ba kasi kailangang mangyari sakin 'to?!
(Carissa's POV)
"Was that Lauren?" Nagulat ako dahil biglang may nagsalita sa likuran ko kaya napaikot ako.
"Kayo po pala, Madam President." Nag-bow ako tanda ng paggalang. Nasa pool side ako noon at kabababa ko lang ng phone after namin mag-usap ni Lauren. "Tama po kayo, si Lauren nga po ang kausap ko kanina."
Naramdaman kong bumuntong hininga ang President. She's a very sophisticated woman at the age of 60. Wala syang ibang inisip kundi ang kaisa-isang apo nya at ang kompanya.
"I miss my grandaughter." Dama ko yung lungkot sa boses nya, at naiinis ako sa nararamdaman nya. "I cut all her cards hindi para pahirapan sya. Kundi para matuto syang paghirapan ang bawat sentimong gagastusin nya."
"You did the right thing, Madam President." I said.
"Ano ka ba, apo na rin kita. You should call me Mamita pag nasa bahay lang tayo." She smiled at me. At this very moment, I wish ako lang ang apo nya.
Mula pagkabata ko, walang ibang bukang bibig si Daddy kundi ang kompanya. Na kasama ang Papa nya sa pagpapalago nito, na dapat makuha namin ang shares ng kaisa-isang anak ni Mamita. Sa totoo lang, hindi ako agree sa mga balak ni Daddy against Mamita and Lauren. He want them out of the company...totally.
Sa totoo lang, naririndi ako kay Dad. Everytime na magkikita kami, he never even ask me how I am, or how my day was. Lagi nalang 'kumusta sa kompanya', 'you should work hard to get the CEO position'. Blah...blah...blah. Ganyan sya mula pa high school ako. It's like he molded me to become like him.
Especially when I was in college. I had to work very hard. Pinagbawalan nya akong lumabas with my friends. Bawal makipagrelasyon. That's why my first and only relationship with a guy was a failure. That guy was the only one who showed me how fun it is to live, he brought out the best in me. Pero nung malaman ni Dad, he drew him out of my way. He sent me to US for a year, para daw magcool down. I hated him, but I hated myself more for letting him do it to me.

BINABASA MO ANG
The Heir and The Heiress
RomanceWho would have thought na magtatagpo at magkakasundo ang dalawang tagapagmana ng malalaking kompanya na may magkaibang insight sa buhay?! Would he continue to protect her kahit na nasa komplikadong sitwasyon na sila?