Paggising ko, wala na si Tan sa kwarto nya. Maaga yatang umalis. Sabi nya kagabi, kailangan daw nyang gawin yung inventory na hindi nila natuloy gawin kahapon. So then I just had breakfast on my own.
Bumalik ako sa kwarto ko para kunin yung phone ko, and it was ringing. So lumapit pa ako lalo at sinilip ko yung screen. Ano ba 'to? Nakakadisappoint naman. Akala ko pa naman si Tan. Number lang? Sino naman kaya 'to? I swiped my phone's screen to the right side to answer the call.
"Hello."
"Hello," pakiramdam ko nag-ice bucket challenge ako sa pagkabigla. Pamilyar ang boses ng lalakeng nagsalita. "Lauren? Ikaw ba yan?"
"S-sino 'to?" Alam ko kung sino sya. Pero gusto ko lang i-confirm.
"Ako 'to. Si Billy. Can we meet?" Sya nga! Ano ba 'to?! Biglang nagpanic ang nerves ko! Hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Lauren, I called Mamita and she said you don't stay there anymore. San ba kita pwedeng puntahan? I need to see you, please!"
"Ah...Billy," parang gusto kong sugurin sya para pukpukin sa ulo. Grabe kaya yung ginawa nya sakin noon! Well, sabagay, hindi naman masamang makipagkita sa dating kakilala. "Magkita tayo somewhere."
Ako ang namili ng lugar at oras kung saan kami magkikita. Bago ako umalis ng bahay, tumawag si Tan para magpaalam na malelate sya ng uwi. Busy daw sya sa shop :( Pero sabi nya kahapon hindi sya papasok.
Okay lang, pumayag naman syang makipagkita ako sa 'old friend' ko.
Time checked 4:05PM. I said 4:00PM dapat nandito sa sya sa Cafe Amadeo! Tss...walang pinagbago. That's the first thing I hate about Billy Villaraza, he's always late. Oh, there he is! Tss...nagpapacute pa habang naglalakad, kala nya nakakatuwa sya. Tusukin ko mata nya, eh.
"Hi, Lauren. Sorry, I'm late. Traffic kasi sa Edsa, eh." umupo sya sa bakanteng upuan na nasa harap ko.
"Nakuha mo ba yang linyang yan sa movie na 'English Only Please'?" I sarcastically asked.
"Huh?"
"Gasgas na yang traffic sa Edsa. Sinisi mo pa si Epifanio Delos Santos sa pagkalate mo. Parang namang may nabago." yamot na sabi ko.
"No, natraffic lang talaga ako. Sorry." I frowned and glared at him. "Galit ka ba?"
"Ako? Galit? No. Sige na, let's get to the point. Anong gusto mong sabihin sakin at kung maka-please ka kanina sa phone, eh, parang end of the world na?"
"Grabe naman 'to. Sandali lang, oorder muna ako." he took off his cap and called the waiter. As soon as makuha nya yung coffee na inorder nya, he just took a sip and let out a sigh. "Lauren...Megan and I broke up."
"Yeah, alam ng buong Pilipinas yan."
"You know too?""Ah, hello?!! Wala ba akong access sa television para di ko malaman? Laman ka ng showbiz news, ng dyaryo sa entertainment section, kulang na nga lang, pati obituary i-occupy mo. Ganun katindi ang impact ng balitang dala mo. At ang reason ng break up, ang ex mo na apo ng business tycoon na si Romina Dionisio. Now, care to explain what's going on? Ako nalang yata ang hindi nakakaalam."
"Nagsisisi na ako...hindi kita dapat iniwan. Hindi kita dapat sinaktan. Sorry, Lauren." I crossed my arms and frowned. Ano bang sinasabi ng taong 'to? At bakit kahit gaano ko sya kamahal noon, hindi na ako apektado ngayon? Eto na ba yung sinasabi nilang move on? Nakamove on na nga ba talaga ako ng tuluyan?
Matagal din akong umiyak dahil kay Billy. Pano ko ba sya makakalimutan kung lagi syang laman ng balita, kahit saang mall ako magpunta, nandun yun mukha nya. Buti nalang, naumay na ako. Natapos yung kahibangan ko.
"Napatawad na kita, Billy. Matagal na."
"Mahal kita, Lauren." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Wow! May anghel bang bumaba sa lupa? Bago 'to! Nung kami pa, ni hindi ko nga narinig yang salitang yan sa kanya. "Yan ang na-realize ko sa mga panahong walang tayo."
"May sapak ka ba sa utak, Billy?"
"Ha?"
"Ang sabi ko, kung may sapak ka na ba sa utak. Pinagtitripan mo ba ako?" inis kong tanong sa kanya.
"No, of course not!" I wiped my lips with a piece of table napkin and stood up. "Wait, san ka pupunta."
"Magwo-walk out, di ba obvious?" I slung my bag and started walking. Pero syempre binalikan ko yung coffee ko. Aba, binayaran ko yun noh! Wala na nga akong income, magsasayang pa ako ng mamahaling kape na 'to. He grabbed my arm to stop my walk out drama.
Til I found out that he's getting married with Macy. Then everything became a roller coaster ride. I found out that my cousin, Lauren, lives with him. How could she steal what's mine as easy as that? She must've done something to him, maybe she hypnotized him or something. But she can't live in that condo for too long. Masyado na syang masaya.
I lied to her. I told her, Mamita is away, but she's not. I want them to meet. Gusto kong pabalikin na sya ni Mamita sa Mansion para malayo na sya kay Tan.
"Careful..." inalalayan nya ako sa pagbaba ng kotse. Sinalubong kami ni Manang Perla, ang kasambahay namin na matagal nang naninilbihan sa pamilya.
"Mam Carissa!" patakbong lumapit sa amin si Manang Perla, pero napahinto sya sandali nang makita si Lauren. "Mam Lauren? kayo po ba yan?"
"Ako nga po, kumusta po Manang?"
"Mabuti naman po. Naku, mabuti po't bumalik na kayo." kinuha nya yung isang braso ko para alalayan ako sa paglalakad. "Ang lungkot po nung wala kayo."
"Ganun ba, Manang? Naku namiss ko nga po kayong lahat. Actually, hinatid ko lang si Carissa dito. Uuwi rin ako after nito."
Hinatid nila ako sa kwarto ko. She even made sure na maayos ako bago sya lumabas. Nakakainis ang kabaitan nya. Don't worry, Lauren. In just a few minutes, magrereunite na kayong mag-lola.
(Lauren's POV)
"Manang, heto po yung reseta ng doktor para kay Carissa. Siguraduhin nyo pong iinumin nya ito. Alam nyo naman yan si Carissa, matigas ang ulo nyan." bilin ko kay Manang Perla. Napakatigas talaga ng ulo nyan ni Carissa. Natatandaan ko noong may lagnat sya, lagi ko syang dinadalhan ng gamot, iniipit lang pala sa ilalim ng unan nya.
"Aalis ka na ba?" tanong nya habang dahan-dahan kaming naglalakad pababa ng hagdan.
"Opo, Manang. Habang tumatagal ako, lalo ko lang namimiss ang bahay na 'to."
"Ano ba kasing nangyari sa inyo ng Lola mo? Sana kasi pinagbigyan mo nalang. Matanda na sya. Malamang gusto nya lamang na sa mabuting kamay mapunta ang mga pinaghirapan nya."
"Hindi naman po pwedeng habang buhay ay didiktahan nya ako kung ano ang dapat kong gawin." nang makababa na kami ng hagdanan..."sige po, Manang. Aalis na po ako."
"Ay sandali...hindi ka na ba dadaan sa Lola mo? Nandun sya sa kwarto nya, kanina pa yun matamlay paggising, eh. Baka ikaw lang ang magpapasigla sa kanya."
"What?" akala ko nasa Singapore sya? "Andito si Mamita?"
"Oo, masama rin kasi ang pakiramdam nya kagabi pa pag-uwi nya galing ng party, kaya hindi sya pumasok sa opisina."
"Ganun po ba? Hindi na po siguro ako magpapakita, Baka lalong sumama ang pakiramdam nya."
"Ikaw ang bahala. Mag-iingat ka..." tumalikod na ako at naglakad palabas na sana ng main door, but I heard someone call my name.
"Lauren..." naramdaman ko agad ang pangingilid ng luha ko. Nakaramdam ako ng excitement, at parang automatic na napaikot ako paharap sa matandang tumawag sa pangalan ko. "...apo."
"Mamita..." tumakbo ako palapit sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit. Pakiramdam ko, ilang taon din kaming hindi nagkita. Lalo akong napangawa nang maramdaman ko yung pagyakap nya sakin. "I miss you so much, Mamita."
"Lauren...I missed you too."
To be continued...

BINABASA MO ANG
The Heir and The Heiress
RomanceWho would have thought na magtatagpo at magkakasundo ang dalawang tagapagmana ng malalaking kompanya na may magkaibang insight sa buhay?! Would he continue to protect her kahit na nasa komplikadong sitwasyon na sila?