Chapter 20 - Thinking about someone else is also considered as cheating.

98 2 0
                                    

A/N: For some reason, it's not letting me publish this part.

Tan's POV

Call me asshole, jerk, stupid, douchebag, whatever. I admit. I really am. I know how much I love Lauren. Why would I choose to be with her if I don't even love her. Pero bakit ako nagkakaganito?

Nalilito ako. Anim na taon. At sa loob ng anim na taon, wala akong ibang inisip kundi si Carrie. Kung gaano ko sya kamahal, kung gaano kalaki ang galit ko sa ginawa nyang pang-iiwan sa akin noon. Nang makilala ko si Lauren, nakalimutan ko lahat ng puot na nararamdaman ko. Napalitan lahat ng masamang alaala, lahat naging masaya, kasama sya.

Pero nang makita ko si Carrie, nagbalik lahat ng sakit. Ang masayang pakiramdam ko, biglang napalitan ng inis, galit. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko dapat nararamdaman 'to. Nagagalit ako dahil abot-kamay ko lang ang taong mahal ko, pero hindi ko sya makita. Pilit akong tinatabunan ng galit na nararamdaman ko.

Pilit kong nilalabanan yung pakiramdam ko na gustong humingi ng paliwanag kay Carrie sa pang-iiwan nya sa akin. Hindi ko na dapat hinihingi sa kanya yun. At hindi na dapat ako nasasaktan ngayon. I've moved on. Shit! I feel so pissed!

"Jake, I need to take a break. Ikaw na muna ang bahala sa Cafe." I called Jake. Ayokong sabihin sa kanya ng personal. Magtatanong lang yun nang magtatanong. And I am not in the mood to be interrogated.

"Ha? Eh, san ka naman pupunta?"

"Sa Batangas. I'm counting on you, man."

"Sure...ako nang bahala dito. You go take a rest. Pero kelan ka babalik? Aba, bro, baka abutin ka ng siyam-siyam dyan. Hindi pa man kayo kasal ni Lauren, eh honeymoon agad?"

"Loko...ako lang mag-isa ang aalis."

"Ha? Nag-away ba kayo ni Lauren?"

"Hindi, pare. She's not the reason why I wanna take a break. I've been so stressed lately. It wouldn't take long. I promise."

I ended the call with him. I didn't give him a chance to ask more questions. I know Jake. Matindi pa sa pulis yan kung magtanong, and if I let it continue, he might sense that something's off about me.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit gusto kong pumunta ng Batangas? I want to clear my mind. I don't want anything to do with Carrie anymore. What's in the past should be forgotten.

It was a long drive going to Batangas. Sinalubong ako ni Manang Lita sa at pinagbuksan ng gate.

"Manang, kumusta po kayo?" bumeso ako sa matandang halos ina na ang turing ko. Akmang kukunin nya ang bagaheng bitbit ko, pero tumanggi ako. "Ok lang po, Manang. Ako na po ang bahala, medyo may kabigatan ito." ngumiti sya sa akin at sabay kaming naglakad papasok.

"Mag-isa ka lang ba? Hindi mo kasama yung masayahing bata? Si Lauren ba ika iyon?"

"Opo, nasa Maynila po sya. Kasama nya na yung Lola nya ngayon. Siguro po sa susunod na bakasyon ko dito, isasama ko sya." I took my phone out of my pocket. Nakakailang missed call na rin pala sa akin si Lauren. She also sent me few text messages. Call me coward, but at this point in time, I don't wanna read her message. Nagi-guilty ako sa hindi malamang dahilan.

"Kung ganun, nagkaayos na pala sila ng Lola niya, ano?" tumango ako. "Mabuti naman. Aba'y mabuting bata iyon si Lauren. Girlfriend mo na ba siya?"

"Opo." napapangiting sagot ko.

"Ay, nakalimutan ko palang sabihin sa iyo, hijo. Aba'y may bisita ka pala. Nauna pa nga ireng dumating sa iyo, eh. Naku, hindi ka maniniwala kung sino ang nagbalik dine."

"Po? Sino po, Manang?" Nagbalik? Could it be...her?

"Si Carrie...." why is she here? Nauna akong pumasok sa loob para hanapin si carrie. I wanna stay away from her kaya ako nagpunta dito sa Batangas.

The Heir and The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon