Chapter Ten (Housemate)
(Tan's POV)
Napabalikwas ako ng bangon. "Ahhh! Ang hirap makatulog!"
Tumayo ako mula sa kama at nag-isip ng gagawin. I called Jake to inform him na nakabalik na ako sa Manila. Why can't I sleep? I can't help thinking about Lauren. Kailangan kong makahanap ng apartment or condo unit na malilipatan nya. Pero kailangan nasa malapit lang para madali ko syang mapupuntahan. I feel so attached to this girl.
"Hello, Sally?" I called my friend, nakatira sya sa malapit lang. Baka may alam sya.
"Yes, Mr. Tristan Rodriguez. It's been awhile."
"Sorry, sobrang busy lang. Ah...itatanong ko lang sana kung may bakanteng unit sa condo nyo na for rent?"
"Ha? Bakit? Lilipat ka? Aba, nasa Crowns ka na, lilipat ka pa?" Crowns Condominium kasi ang pinakamagandang condo dito sa lugar na 'to.
"No, a friend of mine."
"Oh, okay. Well, sorry Tan. As far as I know, all units are occupied na. You should ask Jake."
Nilagyan ko na ng ekis sa listahan ko yung lugar nila Sally. Then I dialed Jake's number again.
"Pre, napatawag ka ulit?"
"Jake, I'm wondering if you know a place where my friend can move into?"
"Sorry, pre. Wala, eh."
Aw, pano ba 'to?! Si Gracey! Dinial ko agad-agad yung number ng isa ko pang kaibigan.
"Hello, Grace?"
"Hey, what's up?"
"Magtatanong lang sana ako kung may alam kang apartment nearby na for rent?"
"Why? Okay ka naman na dyan sa Crowns, ah."
"Hindi ako, yung friend ko."
"Ow, sorry, Tan. Wala akong alam. Anyway, nag-aalburoto na si Macy. You haven't called her yet daw mula nang dumating sya."
"I'll deal with her some other time. Thanks, anyway."
Nakatulugan ko na lang din yung pag-iisip kung saan ako makakahanap ng apartment. But why do I feel na mas okay kapag wala akong nahanap sa lilipatan nya? Shouldn't I be worried? Hay, ang gulo ko!
5:30AM
Medyo nalate ako ng gising. I hope Jake would understand. I immediately took a quick shower at nagbihis. Gising na kaya si Lauren? Dumaan ako sa unit nya at nag doorbell. Nakadalawang pindot ako pero walang response. I checked my wrist watch, 6:30AM. Tulog pa siguro yun. And so I left for work.
"Pare! Na-miss kita." Sinalubong ako ni Jake ng yakap. Tinulak ko sya, ang awkward kaya. Haha, ano 'to, bromance?!
"Geez, dude. Are you gay?" He gave me a teasing look.
"Can't I be?"
"Tumigil ka nga dyan." Dumiretso na ako sa office ko. Sumunod naman si Jake sa akin.
"So, nakanap ka ng apartment para sa quote, friend, unquote mo?" Umupo sya sa table ko.
"Get off my table." Binaba ko yung bag ko sa table then took out some documents. "Hindi pa nga, eh. I'm worried."
"Talagang dapat kang magworry sa kanya pag nalaman ni Macy yan. Aba, hindi matatahimik si Macy. You know what happened to Karen." Tinutukoy nya yung ex-girlfriend ko before Macy. Hindi nya ito tinantanan. Pinahiya nya ito sa mga friends nito. She even made Karen begged to not see me anymore. Kung pano nya nagawa, hindi ko rin alam.
BINABASA MO ANG
The Heir and The Heiress
RomansaWho would have thought na magtatagpo at magkakasundo ang dalawang tagapagmana ng malalaking kompanya na may magkaibang insight sa buhay?! Would he continue to protect her kahit na nasa komplikadong sitwasyon na sila?