Chapter Seventeen

147 4 0
                                    

A/N: Hey, Guys! Thank you so much for reading my story. At sa mga nagvote, keep voting, please! Sobrang overwhelming. Knowing na binabasa nyo yung story na gawa ko. Maraming salamat! Hope you also leave a comment, may it be good or a constructive criticism, any comments are welcome. Thanks, Guys! Keep reading!

(Lauren's POV)

Matapos ang mahabang traffic, finally, nakarating din kami sa mansyon. Ang totoo nyan, masaya ako at makikilala na ni Mamita ang taong nagpapasaya sakin. Alam kong masaya din sya, hindi man nya aminin. Eh kanina pa kasi sya ngiti ng ngiti ng walang dahilan, mukha pa ba syang hindi masaya nyan?!

Sinalubong kami ni Mamita, Carissa at ni Manang Pearl sa front door. I kissed Mamita on her cheek, ganun din si Carissa. Tapos, formally, I introduced Tan as my boyfriend. "Mamita, Couz, I'd like you to meet my boyfriend, Tristan Rodriguez." kinilig ako sa thought na boyfriend ko sya...hihihi :)

"How are you, hijo?" pero nagulat ako sa sinabi ni Mamita. Kilala nya si Tan? Wala man lang 'nice to meet you'? How are you kaagad?!

"I'm fine, Mrs Chairman. Thanks for inviting us here." we started walking as Manang Pearl lead us to the kitchen. Ako, takang-taka parin habang nakikinig...

"No worries, hijo. I was even surprised nang makita kita dito. Knowing that you just had your engagement cancelled last week." nagulat ako sa narinig ko kay Mamita. Habang si Tan, kalmadong naglalakad lang. He cancelled his engagement? Sabagay, para lang kaming tanga sa ginagawa namin kung engaged parin sya. Ang lagay, eh, ako pala ang sabit. Halos nakalimutan ko na ngang engaged nga pala sya. "Si Lauren ba ang dahilan ng pagcancel mo ng engagement mo with Macy?"

Ah, Macy pala ang pangalan nya. Well, no reason to be jealous. Ang pagkakaalam ko naman eh, hindi nya gusto yung babae.

"Well, partly yes. But the main reason was...I didn't agree to that engagement even before."

"Hijo, I know your father eversince he started his business. And I know he's a good man. kaya panatag akong ikaw ang umaalalay dito sa apo ko."

Ibig sabihin, boto si Mamita kay Tan?!! Woah! Bago 'to! Nung kami ni Billy, grabe ang pagtanggi nya. Lalo naman nung kami ni Marcus, bad boy daw kasi kaya ayaw nya. Tss...tapos ngayon, ganun ganun lang, eh, tanggap agad!

Tapos na kaming kumain, pero not even once, na nakita kong nagsalita si Carissa. Is she still not feeling well? Sabagay, kahapon lang naman kasi nang maaksidente sya. Baka na-shock talaga sya.

After dinner, hinayaan ko muna si Tan at Mamita sa lanai. Nilapitan ko si Carissa na tulala naman sa pool side. I think...she needs a friend more than a cousin.

"Hey," tumingin sakin si Carissa.

"Hi," matipid nyang sagot sa matipid kong bati. At kagaya nya, nilublob ko narin yung paa ko habang nakaupo sa pool side.

"Masakit pa ba yung paa mo?" i broke the awkward silence.

"Ah, hindi na masyado. Salamat sa pagpunta mo sa hospital."

"Ano ka ba, wala yun noh. Para saan pa't naging magpinsan at magbestfriend tayo kung sa ganong emergency, eh, hindi kita mapupuntahan." she smiled and looked away. Awkward silence na naman.

This time, she broke the ice. "You seem so happy with him." I noticed she was staring at Tan. Magkasama parin si Mamita at Tan, nagkikwentuhan sila at nagtatawanan.

"Oo. Masaya ako." I caught myself staring at him while smiling. Ano ba 'to. Lagi ko naman kasama si Tan sa bahay, pero ganito ako kung kiligin tuwing mapapatitig sa kanya. Dapat nga sawa na ako sa pagmumukhang yan, eh. "You just don't know how happy I am with that guy, couz."

The Heir and The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon