The Heir and The Heiress - Chapter Twelve

256 6 0
                                    

(Tan's POV)

Sinalubong ako ni Daddy as soon as makapasok ako ng function hall.

"Are you nervous, Tan?" Sinabayan nya ako sa paglalakad papunta sa table namin.

"Not at all, Dad." Sinalubong kami ng isang babaeng nasa mid-60s ang edad. I was shocked when I saw the girl who's with that woman. "Carrie?" I murmured.

"Nice party, Mr. Rodriguez." Sabi ng matanda kay Dad. Lumapit sa akin si Carrie.

"H-hey." Mula nung iniwan nya ako, hindi na kami nakita ulit. I must admit, she look gorgeous.

"Congratulations." She smiled blankly. Nabigla ako nang hinila nya ako sa kamay. Dinala nya ako sa sulok ng function hall.

"Bakit mo ko dinala dito?" I was thinking na pipigilan nya ako sa engagement namin ni Macy. But I was wrong.

"Bakit kasama mo si Lauren?" Nabigla ako sa tanong nya. Base sa expression ng mukha nya, hindi sya natutuwa. At saka bakit nga kilala si Lauren? At alam nyang nasa condo ko nags-stay si Lauren?

"P-paano mo nalaman? At bakit mo sya kilala?" Tanong ko.

"She's my cousin. And that old woman," tinuro nya yung matandang kausap ni Daddy, "that's her grandmother. Pinalayas nya si Lauren dahil sa katigasan ng ulo nya. Now tell me, why are you with her? Anong meron sa inyong dalawa?"

Una, ayoko ng ine-interrogate ako. Pangalawa, ayokong pinakikialaman ang personal kong buhay. "Bakit ba gusto mong malaman kung anong meron sa amin ng pinsan mo? Are you jealous?"

"Of course not!" Defensive nyang sagot. "She's my cousin, so concern ako sa kanya."

"Ladies and gentlemen..." Nag-umpisa nang magsalita yung MC.

"I have to go. The program is about to start." Since we've talked about Lauren, I realized what will happen to her if this engagement party pushed through? Hindi pa sya nakakahanap ng lilipatan. Rather, I never let her look for some place else. Pero bakit ko ginawa yun? Bakit?

Tumakbo ako pabalik sa hotel room ko. Naabutan ko doon si Jake na nag-aayos ng tux nya. "Tan? Ano nangyayari sayo?"

Napansin nya siguro yung pagkabalisa ko. Yung paglalakad ko ng walang direksyon. "I need to think...in need to...ah...I was so selfish. Yung babaeng naghihintay sa akin sa bahay ko..."

"Yung si...Lauren?"

"Oo, sya..." Patuloy parin ako sa paglalakad ng pabalik-balik, hanggang sa mapaisip ako...naupo ako sa gilid ng kama. "Bakit hindi ko naramdaman agad yun? Bakit ba kasi ako nagbulag-bulagan?! Hindi na sana umabot sa ganito."

"Dude, you know what, you're weird. May sakit ka ba?" Pinatong nya yung kamay nya sa noo ko.

"Tumigil ka nga." Napangiti ako. "Mahal ko si Lauren."

"Ha? Hala ka! May sakit ka yata, eh. Sabi mo hindi ka na magmamahal ulit." Hindi ko pinansin yung sinabi ni Jake.

"I need to break off this engagement." Tumakbo ako palabas ng hotel room papunta sa function hall. Nakita ko si Daddy na may kausap na mga foreign investors. "Dad, can I talk to you for a minute?" Bulong ko sa kanya.

"Sure, hijo." He faced the investors and introduced me to them. "By the way, this is my second son, Tristan Rodriguez. He owns the Tan's Cafe. Son, this is Mr. Rod Smith, and Mr. Henry Cheng."

"Nice to meet you." Nakipagkamay ako sa dalawang foreign investors.

"Nice to meet you too." Sabay na sagot ng mga foreigner.

"Dad, sandali lang please." Tumayo si Daddy. Dinala ko sya sa corner ng function hall. Busy pa ang lahat habang nakikinig sa orchestra.

"What is it, son?" Takang tanong ni Daddy.

The Heir and The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon