Chapter Seventy-seven

1.4K 30 18
                                    

"Louise!"

Napalingon ako at nakita ko si mommy naghihintay sakin kasama si Tita Raquel.

Pagtapos lahat ng nadama kong sakit, nasubukan ko pang ngumiti. "Ma!"

Dalian akong tumakbo at hinatak yung maleta hanggang mapalapit ako.

Niyakap namin ang isa't-isa. Namiss ko si mommy. Sobra.

"How's your flight?"

"Okay naman po. Medyo sumakit nga lang po ulo ko." Sinabi ko at binigyan ng ngiti si Tita Raquel.

Gusto ni mommy na kumain pa kami sa labas pero tinanggihan ko dahil medyo masakit ang buong katawan ko...including my heart. Wala siyang alam sa ginawa ko kay Suho...ang alam lang niya ay uuwi lang muna ko. I want to tell it to her pero hindi ko pa alam kung pano at kelan. Ang hirap kasi sabihin lalo na pag alam kong iiyak ako sa harapan niya.

Isang oras ang biyahe namin at nang pagkalabas ko sa kotse, narealize ko na nag-iba na pala ang pintura ng house namin. Maraming nagbago at inaamin ko na namiss ko lahat toh. Medyo nasanay na kasi ako sa pamumuhay ko sa Korea kaya nung pagkadating ko dito sa Pilipinas, medyo nagulat pa ko.

Hindi pa alam ni ate Bea na nasa Pilipinas na ko pero sinabi ko kay mommy na wag muna niyang sabihin. Mas maganda kung isosorpresa ko na lang sya.

When I went inside, that same atmosphere embraced me with so much comfort. Ganun pa rin yung pakiramdam. Albeit na maraming pagbabago ang naganap, ganun pa rin yung feeling. Eto pa rin yung nararamdaman ko sa bahay mula nung bata pa ko.

Narealize ko na kumuha na pala si mommy ng katulong at ipinakilala niya sakin ito. Ate Mitchie yung name nya and she's kind of friendly. Kilala na daw niya ko kasi palagi daw akong kinekwento sa kanya ni mommy.

Pagtapos ng aming mga kwentuhan, pinili kong umakyat na sa aking kwarto at pabayaan na lang muna magbonding sina mommy at tita Raquel.

Pagkapasok ko, nakadama ako ng tuwa kasi sobrang namiss ko din tong kwarto ko. Dalian kong ipinasok ang aking maleta at isinantabi muna. I plopped myself on my bed at dun ko mas naramdaman ang pananakit ng katawan ko. Nakakapagod din kasi bumyahe kung tutuusin.

Pagtapos ng ilang minuto, umupo ako sa aking kama at dun ko lang nanotice yung itsura ng kwarto ko. Tiningnan ko yung paligid ko.

He was everywhere.

Ang daming mga posters na nakadikit sa wall ng kwarto ko at naalala ko pa tuloy na dati, ganto lang ang pamumuhay ko bilang fan girl. Hanggang tingin lang sa poster ng bias mo but as I looked back kung anong mga nangyari sa Korea, parang tuloy napaka-imposible na nangyari pala sa akin yun.

Kinuha ko yung laptop bag ko at daliang binuksan ang laptop. Hindi ko pa kasi napapanood yung comeback nila.

Binuksan ko na lahat ng mga accounts ko at inaamin ko, puro EXO updates ang bumulaga sa akin.

Pinanood ko yung performance nila nung comeback stage at hindi ko inalis ang tingin ko kay Suho.

He was amazing of course, ang catchy ng new song nila and what made me happy was the fact that he's smiling.

Pagtapos nun, napatingin lang ako dun dahil bigla kong narealize, nabasa na kaya niya yung letter ko? Anong nararamdaman nya today?

I was afraid...dahil alam kong nasaktan ko sya.

I was scared...dahil hindi ko alam kung papatawarin niya pa ko.

--

Kinabukasan ko nakita si ate Bea. Gulat na gulat nga sya nung nakita niya ako sa bahay nung bumisita sila. Actually, hindi lang sya ang nagulat. Pati din ako. Kasi...ang 'nanay' na nya tingnan. Okay, I don't know if that even makes sense pero kasi nung nagkita kami, yung tummy nya, malaki na. Halos hirap tuloy akong yakapin sya kasi parang feeling ko mapipisa yun na para bang itlog. Nakakaexcite din kasi magkakaroon na din ako ng pamangkin sa wakas.

Impossible love life of a fan girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon