Chapter Seventy-eight

950 25 3
                                    

"Louise, sigurado ka na ba sa plano mo?" Tinanong ni mama habang inaayos ko ang mga gamit ko sa kwarto.

Isang taon na ang nakalipas. Marami na rin ang nagbago. Si ate Bea, ganun pa rin sila ni Kuya Zeke pero this time, may baby na sila. Kaya naging ninang na ako.

twenty two na rin ako pero inaamin kong minsan pakiramdam ko bata pa rin ako.

Pero sa totoo lang, kahit marami ang nagbago sa loob ng isang taon, aaminin ko na ang puso ko, ganun pa rin.

Sinubukan kong makalimot pero hindi eh. Mahirap lumimot lalo na kung yung taong iyon ay may mahalagang parte sa buhay mo.

Akala ko babalik sa normal ang lahat pero nung gumawa ng announcement si ate Bea na permanente na silang lilipat sa Korea, nagulat ako.

Si mama naman, pumayag sya at inamin nya na gusto din bumalik ni mama dun. Halos dun kasi sya mula dalaga sya at kinailangan lang nyang bumalik sa Pinas nang sinilang na nya kami. Hindi kasi naging madali sa kanya na palakihin kami kaya sabi ng Lola namin na bumalik na lang daw si mama sa Pinas para matulungan sya ni Lola.

Ngayon, wala na si Lola at malaki na din kami ni ate kaya wala na masyadong pinoproblema si mama.

Nung una, ayaw kong sumama sa kanila sa pagbalik nila sa Korea kasi masyadong maraming memories at alam ko na once na tumungtong ako dun, babalik at babalik ako sa lahat ng nangyari.

Last month yun nung sinabi ko kay ate Bea na wala akong balak sumama kaso nagawa nya akong kumbinsihin.

ate Bea: Bakit ba ayaw mo sumama?

Louise: Basta masyadong kumplikado

ate Bea: Ano ka ba, si mama gustong gustong sumama. pano ka? ikaw lang mag-isa? duhh.

Louise: bahala na basta hindi ako sasama

ate Bea: Louise, umamin ka nga. Si Suho ba ang dahilan?

Louise: *silence...*

ate Bea: Sorry sa nabanggit ko pero kasi, diba sabi mo tapos naman na yun?

Louise: Pero ate, mahirap eh.

ate Bea: kaya nga kailangan mong labanan yan. pero you know what, naniniwala kasi ako sa  kasabihan na kung kayo talaga ang para sa isa't-isa, magkaroon at magkaroon pa rin ng paraan para magsama kayo.

Louise: Haha. so what are you trying to say? na magbalikan kami? Gumising ka nga ate.

ate Bea: Malay mo diba. Osya sige, papaliguan ko lang si baby Jasper ha.

Louise: *nods*

Matagal kong pinag-isipan ang pinagusapan namin ni ate Bea kaya makalipas ang ilang araw

pumayag na ko na sumama sa Korea.

"Opo ma, sigurado na ko." Sabi ko sa kanya habang unti-unti ko nang nilalagay ang mga damit ko sa maleta.

Isang araw na lang ang natitira sa amin para mag-ayos.

ibebenta na din kasi ni mama ang bahay namin kaya yun, wala talaga kaming iiwan sa pinas.

New life kumbaga.

--

Anim na buwan na ang nagdaan simula nung lumipat kami dito sa Seoul.

Inaamin ko, hindi naging madali. Yung feeling na pag nakakita ka ng isang bagay na konektado sa past, ang daming memories ang papasok sa utak mo. Masaya sya pero may halo ding sakit.

Namuhay ako bilang isang normal na tao.

Hindi ko ginawang magpakita sa kanya dahil alam ko na hindi ko na mababalik ang dati at tyaka mas mabuti naman na iyon. Malalayo sya sa kapahamakan pati na din ako.

Impossible love life of a fan girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon