Today is the birthday of ate Bea! Woohoo!
Pupunta bukas yung boyfriend nya dito sa Korea para icelebrate nila, nang makausap na din nila si mommy about sa marriage. Tssss.
So, dahil birthday ni ate, manlilibre sya sa Music Bank!
Magpeperform ulit ang EXO! Grabe, about-kamay ko na sila. Parang dati lang, desperada akong makita sila, pero ngayon halos araw-araw. Hindi naman, twice a month siguro? haha!
Bea: Louise! Dalian mo!
Louise: Wait lang.
Bea: Dali! kailangan ko nang makita yung Shinee!
Edi ayun, pumila na kami ni ate. As usual, ang daming tao. nagtitilian.
Chineck ni ate kung dala nya yung tickets tyaka yung Shinee album niya. Ako naman, ayun, dala yung panyo ni Suho. Lucky charm ko yun eh! Haaay, makikita ko sya ulit ngayon!
Eto na! Nagstart na! Ayun, marami ang nagperform... EXO na.. tumitibok heart ko nang mabilis. Dub! Dub! Dub! Hahaha.
Nasa Third row kami ng mga upuan. Hindi kami mayaman para mag VIP seat noh!
Edi ayun na, lumabas na ang EXO! Syempre ako hinanap muna si Suho. Wah! Bakit ba ang handsome nya?! Syempre ako tiningnan ko din yung ibang members, kinilig naman ako! Pogi silang lahat eh! Haha.
Tapos nun, nagperform ang Shinee, todo tili naman etong si ate Bea.
Tapos nun, boring na. hindi ko na kilala yung mga nagperform.
Maya-maya, kinalabit ako ni ate Bea. Binigyan nya ako nang tingin na parang may something. Nakooo, may binabalak ata ito ah.
Bea: Huy, punta tayo sa backstage.
Louise: Ha?! May backstage pass ka?!
Bea: Aanhin pa ang backstage pass kung pwede namang tumakas?
Louise: Ha?! Nababaliw ka na ba?!
Bigla ba naman nya akong hinatak?! Wala na nga akong nagawa. Pero in fairness, hindi kami nakita ng guard. So ayun, nandun na kami. Ang daming mga echoserong papparazzi. May mga doors tapos nakasulat sa door yung name ng Kpop group na nasa room na yun. Wow ah.
Bea: Dito ka lang ha?! Pupunta ako sa Shinee. Wag kang aalis!
Louise: Hala?! Isama mo na ako!
Bea: Bawal! Dyan ka lang!
Iniwan ba naman ako?! Wow ha?! Nakalimutan nya ata na kapatid nya ko.
So ayun naghintay ako, kaso may mga guards eh! So nagtago ako tapos naglibot na din.
Nadaanan ko yung room ng EXO! Kaso syempre, bawal pumasok.
Nung dadaan na ako, may lalaki sa vending machine.. Wait lang.. SI SUHO YUN AH?!
Binuksan nya yung coke-in-can tapos natapon yung konti sa pants nya, naghahanap nga sya ng pamunas eh. Kinuha ko kagad yung panyo nya sa bag ko.
Unti-unti akong lumapit, syempre hindi nya ko nakita, nakatalikod sya eh!
(MULTIMEDIA: lalapit ba ko? Overrr, kinikilig ako :D)
Eto naa.. Kinalabit ko sya.
Napatingin tuloy sya sakin, confused nga sya eh. Natandaan nya ba ko?
Inabot ko yung panyo.
Louise: H-here's your handkerchief. Punasan mo yung nasa pants mo.
Nagulat nga sya eh, tapos parang tinitigan nya muna yung panyo bago kunin?! Wow ha. Walang germs yun ha!
Suho: Oh, you're the girl who has my handkerchief.
Louise: Y-y-yes.
Kinuha nya sakin yung panyo. tapos nakatitig lang ako sa kanya. Confused pa din itsura nya? bakit kaya?
Suho: Miss, bawal dito ang fan na walang backstage pass. So how did you get here?
Ah, kaya pala sya confused kasi nakapunta ako dito. Haha.
Louise: Uh, long story.. Uhm, I need to go. Bye
Suho: Wait, yung panyo mo.
Louise: No! Sayo naman yan eh.
Suho: Oh, yeah right. Thanks by the way.
Umalis na ko, syempre pasulyap-sulyap ako sa kanya, tinitingnan ko kung titingin sya ulit sakin kaso.. Hindi eh. Pinunasan lang nya yung natapon sa pants nya tapos pumasok na sya sa room nila. He didn't look back. Tsss..It means wala syang gusto sakin. Haha! Wagas ako mangarap ah.
Lucky charm nga yung panyo nya! Kaso wala na sakin eh, nasakanya na yung panyo.. Pero okay lang yan.. Kinilig naman ako eh. Haha.
---------------------------------------------------------------------------
Author's note:
Annyeonghaseyo! So, I hope you like my story. This is my first author's note, am I right? Lol. So anyway, I hope you like it. This is for all the fan girls especially EXO fan girls out there! I already wrote the next chapters on my notebook para hindi na ako malito. Haha. I hope you'll add this story in your reading list. Please vote!
BINABASA MO ANG
Impossible love life of a fan girl
FanfictionA hardcore fan girl who is in love with someone that doesn't even know she exist. She did everything just to see him. When she's finally losing her hope, she met him unexpectedly. After that, a chains of events happened and she realized, her idol is...