Note: Pag kausap ni Louise family nya, nagtatagalog sila pero syempre nagkkorean language sya sa mga Koreans. Pero itranslate ko na sa tagalog. Haha! :)
---------------------------------------------------------------------
Umaga na kami nakadating sa pagkalaki-laking Incheon Airport.
Syempre naka "Cardigan" na ko na damit. Feel na feel ko naman. Ang mahal kaya nito!
(MULTIMEDIA: syempre, libot-libot, tinging dito, tingin dyan, tingin dun. Wah! Nasa Korea na ko!)
HELOOOOOOOOOOOO KOREAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!
Nandito na talaga ko! Napapaligiran kami ng mga singkit na tao. Haha!
Syempre, nag check in kagad ako sa facebook nang ipamuka sa lahat na nandito na ko!
Kumain kami sa restaurant na malapit lang sa airport, sarap pala ng Korean foods!
Sumakay kami ng taxi papunta sa house namin.
Wow ha, ang ganda pala ng bahay namin dito sa Korea? Yung mga gamit, halos hindi pa nagamit kaso maalikabok. May sarili kaming kwarto, nung tiningnan ko yung kwarto ko, puro stuffed toys. May ganto pala ako? Hahaha.
Edi syempre, nilabas ko kagad yung framed picture ni Suho at nilagay sa side-table.
Bea: Louise!!!!
Louise: Ateee!
Bea: Halika na!
Louise: Huh?
Bea: Maglibot na tayo sa Korea!
Bago kami lumabas, may binigay sakin sa mommy na nakabox.
Pagkabukas ko, POLAROID CAMERA?! WOWWW!
Louise: Akin to?! Thank you mommy!
Bea: Hala?! bakit ako wala?!
Louise: May camera ka naman na eh.
Bea: Hahaha, hindi naman ako mahilig sa Polaroid camera eh.
Buti na lang may map kami ni ate, nang hindi kami mawala. Tyaka marami na kaming alam na lugar dito kasi tinuro samin to ng korean teacher namin ni ate bea sa Philippines.
Ayun, namili kami sa mga shops. Bumili nga ko ng notebook eh.
Nabusog yung mga mata namin ni ate sa kakatingin.
Picture-picture din kami. Nung nasa taxi na kami, nakatingin kami sa bintana. Tapos may mga nakita kaming mga buildings, ang astig! tinanong namin yung driver, syempre dapat Korean language. sabi nya SM Ent. daw yun! Talaga!!!!??? tama ba yung narinig ko!? Eh dun yung EXO!
Ang lapit lang pala sa house namin, kaso kailangan pa namin sumakay ng Taxi papunta dun.
Pagkauwi namin, kinuha ko yung binili ko na notebook, gagawin ko yun na diary about sa life ko dito sa Korea. Sinulat ko yung first day ko dito at dinikit yung mga polaroid pictures ko dun.
-----
The next day, ayun nagwork na yung mom ko. Yung company na pinagtatrabahuhan nya kasi sa Philippines, may branch dito sa Korea so dito na sya nagtrabaho. Inayos lang namin ni ate yung bahay tapos nanood ng TV. Buti na lang talaga nag-aral kami ng Korean language. Hahaha.
Tapos nun, naglibot kami ni ate. Syempre pinuntahan namin yung building ng SM Ent. malay mo makasalubong namin yung EXO dun! Kaso bawal pumasok. ano ba yan! picture-picture na lang kami sa harap ng building, pwede na din tong ipost sa facebook. Nagpicture din kami sa buildings ng ibang entertainments tulad ng CUBE at JYP. Grabe, I'm living the dream!
BINABASA MO ANG
Impossible love life of a fan girl
FanfictionA hardcore fan girl who is in love with someone that doesn't even know she exist. She did everything just to see him. When she's finally losing her hope, she met him unexpectedly. After that, a chains of events happened and she realized, her idol is...