Ilang weeks na din ang nakalipas.
Mas naging hardcore fan girls kami ni ate. Ang dami nga naming sinalihan na Kpop fan clubs. Friendly nga yung mga tao dun eh. Syempre, mas lalo akong na in love kay Suho nang marinig ko yung song nila na "Into Your World" Ang ganda kasi ng voice nya! Suho. Suho. Suho.
-----------
It's my birthday today! Napaka swerte ko nga naman talaga. Gift sakin ni mommy ay ticket entrance sa M! Countdown. Magpeperform pa naman dun yung EXO!
Okay, eto na ba? Makikita ko na sila! Kaso, ako lang yung may ticket, wala si ate Bea. Ang mahal kasi ng ticket. Pero hindi sya nagtampo, natuwa nga sya sakin. Besides, may boyfriend na kasi yun! Yung totoong bf ha, yung hindi imagination. Totoo talaga.
Nilagay ko yung ticket sa loob ng diary ko.
five days pa bago mag M! Countdown. Naglibot-libot ako, picture-picture tapos tatambay sa isang lugar tapos magsusulat sa diary. Bumili pa nga ko ng damit na susuotin ko para sa M! Countdown, syempre kailangan maganda ko pag nakita nila ko. Ang mahal kaya! Pero maganda! Hahaha. Malay mo, ma in love sila sakin diba? Hahaha.
(Yung picture sa multimedia, ganyan yung binili ni Louise na damit. Bongga!)
-----------
M! Countdown!!
Ngayon na!! Syempre ako, nag-ayos na.
Hapon ako pumila sa isang napakahabang line ng mga fans.
Siksikan nga eh. Tilian pa sila nang tilian na akala mo wala nang bukas.
Ang layo ko pa pala sa entrance. Kinuha ko na yung diary ko sa bag ko para kuhanin yung ticket kaso...KASO...KASO! WALA YUNG TICKET!
Saan ko nilagay yun?! Tiningnan ko yung loob ng bag ko, WALA! halos maghingalo na ko. Umalis na tuloy ako sa pila. Hinanap ko yung ticket kaso wala talaga!
I'm so stupid! Siguro nalaglag yun sa diary ko, pag nagsusulat ako. Bakit ko ba kasi dun nilagay! Bad trip! Opportunity na yun eh! Umupo ako sa bench dun sa may park. Hindi ko napigilan sarili ko umiyak. Bakit pa kasi ako yung nawalan? Pwede naman yung ibang echoserang fans kanina na tili nang tili. Bakit ako pa?!
Tinawagan ko si ate Bea.
Bea: Louise! How was it?
Louise: *crying* Ate...
Bea: Umiiyak ka ba?
Louise: *crying* nawala ko yung ticket..
Bea: Huh?! San mo nilagay?
Louise: Ewanko.. *crying*
Bea: Sayang naman, uhmm.. umuwi ka na lang kaya ngayon.
Louise: *crying* mamaya na siguro, maglilibot na lang muna ko.. depressed ako eh.
So ayun, lakad-lakad lang ako sa park. Naiinis ako sa sarili ko! bakit ba kasi ako pa?! Bad trip! Isang opportunity ang nawala sakin. Pinaghandaan ko pa naman toh. Sayang lang yung damit ko.
Umiiyak pa din ako.. Nagdinner na lang akong mag-isa dun sa restaurant at kumain ng Ramen.
Pagtapos ko, naisip ko na bumalik ako sa building, kahit mapicturan ko man lang yung logo ng M! Countdown, pwede ko na din ipost yun sa facebook ko.
So bumalik ako, nakita ko nagsisilabasan na yung mga tao. Tapos na siguro.
Naririnig ko yung mga ibang fan girls, kung ano-ano pinagsasabi, ang saya daw, ang galing daw. blahblahblah.. syempre ako nainggit. Umiyak na naman ako, pero hindi naman malakas, yung tipong ako lang yung nakakarinig. Picture lang ako nang picture hanggang namalayan ko na wala na palang mga tao, Uuwi na ko. Eto na naman ako, naisip ko ulit yung nangyari kanina, umiyak na naman tuloy ulit ako, yung iyak na walang tunog pero ang daming luha yung lumalabas sa eyes ko. Nilagay ko na yung polaroid camera ko sa bag ko, sayang, hindi ko man lang sila napicturan or nakapagpa-autograph sa diary ko. Habang sinasara ko yung bag ko, bigla ba namang may bumunggo sakin!
----------
Louise: Ouch!
napaupo ako sa floor, buti na lang napasok ko kagad yung camera sa bag ko, kundi ko nalagay yun, sira na siguro yun. Hindi ako masyadong makakita kasi teary eyes pa din ako, parang napuno na ng luha yung mata ko kaya medyo blur yung nakikita ko. Biglang may humawak sa arms ko, tinulungan nya ko tumayo.
"Are you okay?" Narinig ko, nag korean language. Pinunasan ko yung mata ko na halos mamaga na sa kakaiyak ko. Nung pinunasan ko, syempre luminaw na tingin ko.
May guy na naka black jacket with hood.
Pinagpag ko yung dumi sa bag ko.
Pagkatingin ko sa face ng guy, napatitig ako..... OH MY GOSH...
SUHO?
BINABASA MO ANG
Impossible love life of a fan girl
FanfictionA hardcore fan girl who is in love with someone that doesn't even know she exist. She did everything just to see him. When she's finally losing her hope, she met him unexpectedly. After that, a chains of events happened and she realized, her idol is...