Hindi ako inenroll ni mommy sa school.
Mas pinili ko kasi mag home study. Para mas makapag-focus ako.. Tyaka hindi pa ko ready magkaron ng mga Korean friends/classmates noh.
Pero medyo malungkot din kasi wala man lang akong friend.
Matutuloy na nga ata yung kasal ni ate. Nag-usap na sila ni mommy eh.
Haaaayy nako. Kawawa naman ako siguro pag wala na sya.
May nakita akong malapit na coffee shop dun sa may JYP Ent.
So pumunta ko, titingnan ko kung masarap yung coffee nila.
Nakapila ako na ko sa counter, pangalawa ako. May babae sa harap ko.
Kaso parang ang tagal naman nya ata magorder. Tapos napansin ko, nawawala pala yung wallet nya. Hindi tuloy sya makapagbayad. Tumingin sakin yung girl, ang ganda ha. Sabi nya, magorder na daw ako, hinahanap pa nya kasi yung wallet nya.
Edi ako naman nagorder na ko. Kaso nung tiningnan ko yung girl, halos mangiyak na sya.
Nakita ko yung sarili ko sa kanya nung nawala yung ticket ko sa M! Countdown.
Tiningnan ko yung laman ng wallet ko, may pera pa naman ako.
Louise: Uh, miss, ako na lang po magbabayad nung inorder nya.
Sabi ko sa girl sa may counter.
Napatingin tuloy sakin yung magandang babae.
Nagsmile lang ako sa kanya.
So pumunta na ko sa table. Maya-maya, nakitable sakin yung magandang korean girl na nawalan ng wallet. Napatingin tuloy ako sa kanya. Ang ganda nya ha, brown hair na may bangs.
(MULTIMEDIA: IU and Suzy gif: Tumabi sya sakin.)
Sabi nya, "Uh, hi, ako nga pala si Suzy." Inabot nya sakin yung kamay nya, wow ha, pati name nya ang ganda. Sya na!
Louise: Ako si Louise.
Ngumiti ako tapos inabot ko din yung kamay ko, nagshake hands kami.
Suzy: Thank you nga pala kanina.
Louise: Okay lang.
Suzy: Hayaan mo, babayaran kita.
Louise: No! wag na.
Suzy: Are you sure?
Louise: Yup.
So ayun, hanggang nag-usap na kami.
Sinabi ko yung about sakin.
Nag-usap kami ng matagal.
Suzy: Uh, sorry, kailangan ko nang umalis.
Louise: sayang naman, osige, ingat ka.
Suzy: Haha, ikaw din. I'm happy because i already met a new friend.
Tapos umalis na sya, wow, friends na kami! Haha!
Ang ganda pa nya. Sana magkita ulit kami.
BINABASA MO ANG
Impossible love life of a fan girl
FanfictionA hardcore fan girl who is in love with someone that doesn't even know she exist. She did everything just to see him. When she's finally losing her hope, she met him unexpectedly. After that, a chains of events happened and she realized, her idol is...