Chapter 5

3.5K 98 0
                                    

A/N: sorry guys natagalan bago ako mag-update ulit hahah enjoy! :)


Megan's POV


Isang linggo na ang nakakalipas simula nung nagkalagnat ako at hanggang ngayon hindi ko pa din napapasalamatan si Tonette. Pero buti na lang at naisipan nya akong dalawin nung mga araw na hindi ako pumasok kasi kung nagkataon hindi ko alam ang gagawin ko. 


Oo nga pala hindi nyo nga pala alam kung anong reason kung bakit ako lumipat ng school. Well kasi yung ex kong gago niloko ako. Nakipagsex sya sa isang babaeng nameet nya sa bar. Siguro hindi na kinaya ng konsensya nya at ayun inamin nya sa akin yung totoo. Oo sobrang sakit nun para sakin dahil ilang taon kami tapos sa isang iglap lang nawala na lahat ng  pinagsamahan namin.


Tama kayo ng iniisip si Kenneth yung ex ko, yung kausap ni Tonette kung matatandaan nyo. Hindi ko alam kung anong namamagitan sa kanila, pero wala na akong pake dun.


Dahil naiinip na ako dito sa apartment tinext ko yung mga dati kong kaibigan para lumabas kami. I know mahilig din naman silang gumala. Inaya ko silang magbar, hindi naman ako party girl pero natuto akong magbar at magliwaliw simula nung naghiwalay kami ni Kenneth.


Tonette's POV


Andito ako sa room nila John at Nel nagkukwentuhan kami. One of the boys ako oo, pero alam nilang nagkagirlfriend na ako. Inamin ko sa kanila at tanggap naman nila ako. Kung dati lagi nilang sinasabi sa akin na " Hoy wag kang makinig sa usapan namin, boys talk to. " I was like okay? Ano naman sa akin hindi naman kawalan yun. Pero seriously natatawa na lang ako kasi kasama na ako sa boys talk nila. Well matured na daw kami para maging open minded sa ganung bagay if you know what I mean.


Tinext namin si Jasper na pumunta dito sa apartment at dito tumambay, ganito lang kami magmomovie marathon kapag nainip na kami at magdodota na kami.


Andito na si Jasper at kumpleto na ang barkda, pero guess what hawak lang namin yung mga cellphone namin at nagccoc o kaya nagffacebook. 


" Hoy Jasper! Akala mo hindi ko nabasa yung text nyo ng gf mo hah? Ano yun hah? Gumaganyan ka na ngayon " pangaasar ni John kay Jasper habang tawa sya nang tawa.


Napangiti naman si Jasper kay John, nagegets ko na kung anong pinaguusapan nila pero nakatahimik lang kami ni Nel.


" Gago! sa susunod hindi ko na ipapahiram sayo yung cellphone ko  " sabi naman ni Jasper habang natatawa. 

" Ulul! magdelete ka kasi ng messages gago SOP pa! " sabi ni John na tawa ng tawa, pati tuloy kami ni Nel tawa ng tawa si Jasper naman hindi alam kung ano magiging reaksyon pero natawa na din sya.

(A/N: kung hindi nyo alam ibig sabihin ng sop. sex on phone po ibig sabihin nyan)

" Wala hokage ka pala hah " pandagdag asar ko pa.

"Gago! sya naman nagaaya hindi ako pinagbibigyan ko lang " giit ni Jasper.


Tawa naman kami ng tawang tatlo sa kanya, alam naman kasi namin wala pang nangyayari sa kanila. Hanggang text lang muna hahaha. Pero seryoso ayaw nya daw kasi natatakot daw sya. Ayaw daw nyang makabuntis sabi namin gumamit sya ng condom meron namang nabibili. Pero ayaw nya pa din hindi naman daw kasi 100% safe yun haha.


Tapos ayun alam nyo na ang sumunod na nangyari boys talk syempre. Kapag ganun ano pa bang paguusapan syempre puro girls. 


-------


Lumabas akong apartment dahil nagugutom ako, mga 2am na pero dahil hindi ako makatulog bibili ako ng gatas kasi eto yung pampatulog ko sa gabi. 


Pagkalabas ko ng apartment nakita ko si Megan na bumaba sa taxi, hay nagbar na naman tong baliw na to. Halata naman sa kanya kasi kung lumakad pagewang gewang na. Hindi ko alam kung ganito ba talaga itong babae na ito o sadyang may problema lang sa buhay. Kasi kung titingnan mo naman para syang dalagang filipina.


Hindi ko sya pinansin at dumiretso na ako sa ministop kung saan ako bibili ng gatas ko. Tapos nung pagkabalik ko andun sya sa labas nakaupo na parang nalugi sa sugal. 


Papasok na sana ako sa loob nang hilahin nya yung kamay ko, nahihilo daw sya. So dahil mabait naman akong nilalang eto inaalalayan ko sya papunta sa room nya. Hay nakakainis! Kaya ayoko sa taong umiinom kasi ang baho ng alak. Tapos kapag nalasing naman sayo magpapaalaga parang baliw lang.


Pero syempre hindi ko naman papabayaan si Megan na ganito, malamang aalagaan ko pa din sya kahit napaka pasaway nya. Hindi ata sya aware na naiistorbo na nya ako, kasi sa tuwing malalasing sya iniistorbo nya ako.


Flashback


Phone ringing....


Hindi ko sinasagot si Megan sa tawag na kasi naman madaling araw na nambubulabog pa ng tao. Pero dahil nakakainis na at ayaw nyang tumigil sinagot ko na din.


" Oh?! Ano na namang problema mong babae ka?!" sabi ko sa kanya


" Andito ako sa labas ng apartment sunduin mo ako nahihilo ako " sabi nya sa akin.


Lagi ganun hanggang sa nasanay akong sinusundo ko na sya kapag nalalasing sya.


End of flashback


Hiniga ko na sya sa higaan nya para makapagpahinga na sya. Sinampal sampal pa nya ako at sinabing " Kunwari ka pa kanina na hindi mo ko papansinin, hindi mo naman ako matiis " tapos ayun bagsak na sya tulog na yung baliw. 


Iniwan ko na sya sa room nya at bumalik na sa room ko pero inilagay ko sa ref nya yung gatas na binili ko at nagiwan ng note na inumin nya yun pagkagising nya. 


Thanks for reading :)


Ang Suplada kong Classmate (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon