Megan's POV
Ouch! Ang sakit ng ulo ko dahil sa hang over! Hawak hawak ko yung sintido ko dahil masakit talaga yung ulo ko. Dumiretso agad ako sa cr para maghilamos ng mukha. Nauuhaw na ako kaya kumuha ako ng maiinom sa ref, pero napansin kong may note sa ref ko.
Inumin mo yung gatas na binili ko baka sakaling mawala yung sakit ng ulo mo - Tonette the Great :)
Sus ano na naman to may panote note pa tong nalalaman korni nya hah, tingin ba nya mawawala yung hang over ko sa gatas hmp. Pero salamat na din sa kanya kasi inalala pa rin nya ako. Ewan ko ba dito kay Tonette inaalagaan pa din nya ako kahit na ang pasaway ko at lagi ko syang sinusungitan.
Matapos kong inumin yung gatas na bigay nya ay naligo na ako dahil nagugutom na ako. Alas dos pasado na pala pero hindi pa ko naglalunch. Si Tonette kaya naglunch na? Teka nga bakit ba sya yung inaalala ko? Malamang kumain na yun kasama mga kaibigan nya.
Hindi ko alam kung ano na namang gagawin ko ngayong araw naiinip ako. Alam ko na itetext ko nalang si Tonette na samahan nya akong magmall.
Tinext ko na sya pero ayaw na akong samahan kasi gagawin ko lang daw syang tagabitbit ng papamilihin ko. Minsan hindi ko alam kung advance ba syang magisip ko oa lang sya talaga tagabitbit agad hindi ba pwedeng magwwindow shopping lang.
Nakahiga ako sa kama ko at naiimagine ng mga bagay bagay. Pero naiinip na talaga ako nang biglang may kumatok sa pinto ko. Sino na naman kaya itong bisita ko, wala naman akong natatandaan na may pupuntang bisita dito sa apartment. Hindi naman kasi nagtext mga kaibigan ko.
Pagbukas ko ng pinto si Tonette pala at nakagayak sya.
" Saan punta mo bakit bihis na bihis ka? " taka kong tanong sa kanya. Kumunot naman yung noo nya.
" Akala ko ba magmamall tayo? Magbihis ka na ayoko ng pinagiintay ako " sabi nya.
Kaya naman dali dali akong nagbihis ng damit at hinila ko na sya palabas dahil parang uusok na yung ilong nya sa inis kakaintay sa akin. Paano ba naman kasi nagmake up pa ko. Inis na inis sya kasi daw kung ano anong kaartehan sa mukha yung pinaglalalagay ko. Hay nako napaka daming reklamo hindi naman ako masyadong maarte sa mukha ko oa lang talaga sya.
Tapos bakit daw ang ikli ng suot kong shorts, malamang shorts nga eh may shorts kayang mahaba. Palitan ko daw yun kung hindi, hindi na daw nya ako sasamahan kaya no choice ako nagpantalon na lang ako. Napaka daming alam nito eh akala mo naman marerape ako kapag nagshorts ako.
Andito na kami sa mall at naglalakad lakad, pareho na kaming nagugutom at nagtatalo kami kung saan kami kakain. Ako na daw pumili kung saan ko gusto sabi ko kahit saan sabi naman nya meron bang kainan na kahit saan. Para tuloy kaming aso't pusa na nagtatalo sa daan.
" Hoy! Yang mata mo tutusukin ko yan kapag nakita pa kitang tumitingin sa mga babae " sabi ko sa kanya at sinamaan ko sya ng tingin.
" Hindi naman ako tumitingin sa kanila eh " sagot nya.
" Hindi daw pero yang leeg mo mababali na kakatingin mo sa legs nila, wow hindi mo ko pinagshorts para kunwari gentlewoman ka tapos yan namang leeg mo bali na kakahabol ng tingin sa mga legs ng mga babae dyan " inis kong sabi sa kanya.
" Eh bakit ba galit na galit ka, hindi naman ako tumitingin sa legs nila. Kasalanan ko bang nasa harap natin sila o kaya sa gilid ko dumaan hindi naman di ba? " sagot nya sa akin at inirapan ko lang sya.
" At tsaka ayaw kitang nakashorts kasi hindi mo alam iniisip ng mga lalaki kapag ganun, mamaya minamanyak ka na nila sa isip nila tas ikaw naman wala pang pake. Kung kayong mga babae nakikita nyo kami na tumitingin sa mga ibang babae kami rin nakikita namin kung sino yung mga lalaking manyakis na tumutingin sa inyo at pinagnanasaan kayo sa isip nila, kaya umayos ka " mahaba nyang sabi
" Oo na ang dami mo pang sinasabi kumain na nga lang tayo sa Greenwhich " sabi ko sa kanya. Sus kunwari pang concern sa akin. Lihim naman akong napangiti.
At ayun napangiti sya, sa isip nya siguro makakakain na din kami sa wakas. Matapos naming kumain ay pumunta kami sa department store para tumingin ng damit. Pero wala naman akong magustuhan kaya hindi na ako nagshopping.
" Tara watch tayo ng movie " aya ko sa kanya.
" Heh tumigil ka nga, hindi worth it sayang lang pera natin " sabi nya sa akin.
" Sus hindi daw worth it ang sabihin mo kuripot ka lang, sa arcade na lang tayo " sabay hila sa kanya.
Sya ang pumila at bumili ng tokens namin.
" Magbasketball tayo! " sabi ko sa kanya, tumango lang sya sa akin.
" Sus para namang matatalo mo ako " pagmamayabang nya sa akin.
" We'll see, kapag ako ang nanalo libre mo ang lunch ko buong week " sabi ko kay Tonette.
" Game! " masaya nyang sabi.
Sabay kaming nagsshoot pataasan kami ng score pero sa kalagitnaan ng pagsshoot namin tawa ako ng tawa kasi ang laki na ng lamang kong score sa kanya. Binatukan nya lang ako.
" Hoy ang saya mo, hindi pa tayo tapos may round two pa dito tayo sa racing " sabi ni Tonette
Tapos pumunta kami dun sa racing at naghulog ulit kami ng dalawang tokens at nagstart na yung race namin. Ako yung first at pangsecond sya. Namumula na sya sa pang aasar ko haha.
" Teka dito pa tayo sa barilan, eto promise hindi mo na talaga ko matatalo dito " confident nyang sabi sa akin.
At oo nga natalo nya ako sa barilan, pero all in all ako pa din yung panalo. Inaasar ko lang sya habang nakaupo kami dito sa videoke asar na asar naman sya. Ang pikon hahah.
Kantahan ko na lang daw sya para naman daw matuwa sya sa akin kahit konti. So ayun kumanta ako nang kumanta. Pero itong si Tonette napakadaya hindi man lang kumanta. Hindi daw sya magaling kumanta next time na lang daw.
Pauwi na kami ng may tumawag sa akin na pamilyar yung boses.
" Megan?! Megan ikaw ba yan?! " tawag nya sa akin.
Yung boses na yun hindi ako nagkakamali sya nga yun, wala ng iba.
Thanks for reading :)
BINABASA MO ANG
Ang Suplada kong Classmate (gxg)
RomansSuplada ka man sa akin magiging akin ka rin.