Chapter 20

2K 53 6
                                    

Megan's POV

"So uhm what? Did you two kiss or what?" iritang tanong sa akin ng pinsan ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o sasagutin ko yung tanong nya dahil para syang bakla kung magsalita, kahit hindi naman.

"Uhmm.." tila nag-iisip kong sagot sa kanya.

"Bwisit kang kausap kahit kelan, Megan. Sana mabagok si Tonette para matauhan na hindi ka talaga nya gusto." sabi sa akin ng pinsan ko.

"Aba teka nga, paano mo naman nalaman na may gusto sa akin si Tonette?" takang tanong ko sa pinsan ko.

"Pinsan hindi ko alam kung manhid ka o shunga. Malamang dadalan ka ba nya ng bulaklak at cake kung kaibigan ka lang." paliwanag nito sa akin na agad ko namang kinontra. Ayaw ko naman kasing maging assumera. Tsaka hindi ko rin alam isasagot ko kay Tonette kapag nagconfess sya ng feelings sa akin. Nakwento ko na kasi sa pinsan ko yung mga nanyari sa amin ni Tonette. Pero hindi lahat kinuwento ko. Baka mamaya asarin ako nang asarin ng pinsan ko.

"Kaibigan nga lang turing sa akin ni Tonette. Walang malisya yun, pinsan." sagot ko naman sa kanya.

"Ganoon ba? Ikwento mo nga ulit sa akin kung ilang beses na kayong naghalikan. Ano ba pinsan kahit mga bata alam na mahal nyo ang isat-isa." tila naiiritang sagot nito sa akin.

"Mahal agad? Di pa pwede-- hindi pa tapos yung sinasabi ko ay sumabat na ang magaling kong pinsan.

"Bakit may magbest friend bang nagtotorrid? Pinsan nako! Tigil-tigilan mo nga ko dyan sa pag-iinarte mo. Halata namang ikaw yung may mas gusto kay Tonette." sabi pa nya sa akin kaya naman hinampas ko sya sa kanyang braso.

"Aray naman!" angal nito sa akin.

"So anong ibig mong palabasin pinsan? Na patay na patay ako sa kanya?" hindi ko makapaniwalang tanong sa pinsan ko. Ako pa talaga yung gustong-gusto si Tonette huh.

"Bakit hindi ba?" tanong nito sa akin na agad ko namang sinagot.

"Hindi."

"Oh eh kung hindi ka patay na patay sa kanya bakit puro pictures nya yung laman ng cellphone mo, hah?" halos manlaki yung mata ko sa sinabi nya. Sa pagkakaalam ko kasi may password yung cellphone ko, so paano nya mabubuksan yun kung hindi naman nya alam yung password.

"Birthday mo." napakunot noo ako sa sinabi nya di ko kasi agad na gets kaya inulit nya.

"Birthday mo yung password mo di ba?" patanong pa nyang sabi sa akin na tila naninigurado. Oo birthday ko nga, wala kasi akong maisip na magandang password bukod sa birthday ko.

"Narcissist" sabi pa nito sa akin.

"Hoy hindi ako narcissist, talagang maganda lang ako." sabi ko sa pinsan ko sabay irap sa kanya. Kahit kelan talaga panira sya ng araw ko.

"Narcissist ka, kasi gandang-ganda ka sa sarili mo pati birthday mo ginawa mo nang password." sabi pa nito sa akin.

"Hoy ano ka, hindi lang naman ako ang gumagamit ng birthday sa password ng cellphone. Marami ring iba, so narcissist din sila ganoon?" tanong ko sa pinsan ko.

"Hindi, ikaw lang."

Pagkasabi nya noon ay bigla ko syang hinampas sa braso nya. Bwisit na lalaking 'to, akala mo naman ang gwapo.

"Pinsan may tanong ako sayo." seryosong sabi nito sa akin.

"Ano?"

"Anong gayuma ba ang pinainom mo kay Tonette at nainlove sayo nang ganun."

"Gagi, walang gayuma. Sadyang maganda lang talaga ko." sabi ko sa kanya sabay irap.

"Narcissist talaga." kumento nito habang nakapoker face.

Ang Suplada kong Classmate (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon