Chapter 16

2.7K 72 8
                                    

Tonette's POV

"Saan ba tayo pupunta kasi hah, Tonette?" angal ni Megan sa akin dahil kanina pa kami palakad-lakad dito sa mall. Sa totoo lang kasi ay hindi ko alam kung saan o ano ang gagawin namin. Eh hindi naman kasi ako nakikipagdate, ngayon lang ulit. Napakamot naman ako sa aking batok at marahang tumawa. Ah alam ko na. Habang naglalakad kami ang humilig ako ng bahagya sa pwesto ni Megan at bumulong sa tenga nya.

"Dun na lang tayo sa so clean, so good Megan" suggest ko sa kanya, bigla naman nya akong binatukan. "Aray! Bakit na naman ba?" painosente kong tanong sa kanya. "Manyakis ka talaga" sabay hirap nito sa akin. "Hindi naman ako manyak kung magpapamanyak ka" natatawa kong sabi sa kanya. "Alam mo ikaw Tonette puro kalaswaan nasa isip mo, lumayo-layo ka nga sa akin" sabi nito sa akin sabay tulak. "Aaahhhmmm" sambit ko naman na kunwari ay napapamoan. Binigyan nya lang ako ng what the fuck look tapos ay naglakad na sya.

Hinabol ko naman sya tapos ay kumapit ako sa braso nya na parang bata. Napatingin naman ito sa akin dahil sa ginawa ko. Nagsmile lang naman ako sa kanya tapos ay inirapan nya ako. "Megan may tanong ako sayo" sabi ko sa kanya, napakunot naman ang kanyang noo. "Ano?" tanong nito sa akin. "Sigurado ka ba na ayaw mo talagang pumunta doon sa--- hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil binatukan na nya ako. "Ouch naman" reklamo ko sa kanya.

"Pwede ba Tonette umayos ka, puro kabastusan ang nasa isip mo. Tsaka wag mo nga akong hawakan, akala mo naman hindi ko alam na nagtsatsansing ka lang" pagsusungit nito sa akin. Napatakip naman ako sa aking bibig. "Hala paano mo nalaman yun?" natatawa ko pang sabi sa kanya. Inirapan na naman nya ako tapos ay naglakad na sya.

Habang ako naman ay nakasunod lang kay Megan habang nakatingin sa kanya. Sa totoo lang ay wala talaga akong alam pagdating sa ganitong date. Wala akong ideya kung saan ba kami dapat na pumunta o kumain. Kung saan ba masarap kumain o kung anong dapat na gawin para hindi sya mainip o mabored na kasama ako.

"Ouch!" sabi ng babae na nabangga ko, hindi ko kasi sya napansin dahil sa pag-iisip ko sa date namin na 'to ni Megan. "Sorry miss hindi ko sinasadya" paghingi ko ng paumanhin sa kanya. "Sa susunod kasi tumingin ka sa dinaraanan mo hindi yung paharang-harang ka sa daan" medyo napataas ang boses nito dahilan upang pagtinginan kami ng mga tao. "Sorry talaga miss, hindi ko naman kasi talaga sinasadya" paghingi ko ulit ng paumanhin sa kanya para wala na lang gulo. Pero hindi ata titigil sa kakadakdak yung babae na 'to. "Tsk! Sa susunod kasi--- hindi na naituloy ng babae yung sasabihin nya dahil sumabat na si Megan.

"Nagsorry na yung tao sayo hindi ba? Ano bang gusto mo lumuhod pa sya sa harapan mo. Hindi mo naman pagmamay-ari itong mall na 'to kung makaasta ka parang sayo 'tong daanan na 'to. Tsaka ikaw ang umayos hindi puro cellphone ang inaatupag mo habang naglalakad! Tara na Tonette" sabi ni Megan sa akin sabay hila. Si ate naman na tinarayan ni Megan naiwan na parang binuhusan ng malamig na tubig.

Nang nakalayo kami ay huminto si Megan sa paglalakad at bumaling paharap sa akin. Nakataas ang kanyang kilay habang nakacross-arms. Akala ko naman ay susungitan nya ako pero mali ang akala ko. "Sa susunod kasi tumingin ka rin sa dinaraanan mo, mapapaaway pa ako dahil sayo. Pasalamat ka.." sabi naman nito na napabuntong-hininga. "Pasalamat ako, ano?" takang tanong ko sa kanya. "Pasalamat ka kasi gusto ko na ako lang ang nagsusungit sayo wala ng iba..." Tumalikod na ito sa akin tapos ay nagpatuloy na ulit sa paglalakad. "Halika na ibili mo akong ice cream, bwisit ka kasi Tonette. Nakakastress kang kasama" sabi pa nito sa akin. Napailing naman ako sa kanyang sinabi tapos ay bahagyang napangiti. Sumunod naman na ako sa kanya.

Habang nakaupo kami at kumakain ng ice cream ay nakatingin lang naman ako kay Megan. "Matunaw naman" sambit nito sa akin. Napakunot noo naman ako sa kanyang sinabi. "Matunaw yang ice cream mo" sabi nito habang natatawa. Tsk! Halata ba ako masyado?

Ang Suplada kong Classmate (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon