Megan's POV
Tingnan mo nga naman talaga ang buhay oo sadyang mapaglaro, si Tonette na dati ay laging nangungulit sa akin ngayon ay wala ng ginawa kundi ang umiwas sa akin, matapos ang lahat ng nangyari iiwasan na lang nya ako ng ganun na lang. Naiinis ako sa kanya oo, dahil sya itong may lakas pa ng loob na umiwas. Kung tutuusin nga dapat ako ang umiwas sa kanya dahil muntik na nyang makuha ang virginity ko, samantalang ako naman na willing ng ibigay sa kanya, ayaw nya pa. Can you imagine that?! Payag na akong maging sex buddy nya tapos ayaw nya pa. Ibinaba ko na nga ang sarili ko para sa kanya tapos ganun pa.
"Argh! Damn you Tonette!" hindi ko mainiwasan na mainis kapag naiisip ko yung mga nangyari.
Nakahiga ako ngayon sa aking kama habang iniisip ang babaeng nagpapagulo sa aking isipan. Namimiss ko na si Tonette na makulit, na laging nang-aasar, na laging andyan para sa akin. Napahawak naman ako sa aking labi at napangiti. Namimiss ko na rin ang mga halik nya, yung malambot nyang labi. Yung paghawak nya sa aking katawan.
"Argh!" Naiinis kong hiyaw habang sinusuntok ang aking unan. Nagpagulong-gulong pa ako sa aking higaan habang nakabaon ang aking mukha sa unan na yakap ko.
May mali ba sa akin kaya hindi sya pumayag. Maliit ba yung boobs ko o kaya baka naman hindi perfect ang proportion ng katawan ko para sa kanya. Ano bang gusto nya?!
Humanda ka Tonette kung ayaw mong makuha sa santong dasalan dadaanin kita sa santong paspasan. At tatawagin ko itong Oplan: Akitin si Tonette gamit ang aking alindog.
Bumangon na ako sa aking kama at tinawagan ang aking mga kaibigan. "Girls, we're gonna go shopping!" sabi ko sa kanila tapos ay inend ko na ang tawag.
Naligo na ako tapos ay nag-ayos ng aking sarili. Nang matapos ko lahat ng aking kailangang gawin ay pumunta na ako sa mall.
Nag-iintay naman na roon sa mall ang aking mga kaibigan kaya nagmamadali na akong umalis.
Ilang minuto ang lumipas bago ako makarating sa mall. Agad naman akong sinalubong ng aking mga kaibigan. "So tagal mo naman girl" maarteng sabi sa akin ni Kim tapos ay nakipagbeso-beso sa akin, ganun din naman ang ginawa nila Cherry sa akin.
"Girls sa salon muna tayo bago tayo magshopping" aya ko sa kanila kaya naman wala ng nagawa ang mga kaibigan ko kundi ang sumama at sumunod sa akin.
Balak kong magpatrim ngayon at pakulayan ng ash blonde ang aking buhok. Tapos ay balak ko ring magpamanicure at pedicure.
Nang makarating na kami sa salon ay naupo na ako sa upuan kung asan ako gugupitan ng buhok. Sila Kim naman ay nagpapamanicure, katabi ko naman si Cherry na nagpapatrim din ng kanyang buhok. "Girl anong naisipan mo at gusto mong magpabeauty ngayon?" usisa sa akin ni Cherry.
Ngumiti lang ako sa kanya "Wala naman girl bakit masama bang magpaganda?" tanong ko naman sa kanya. "Hindi naman girl, pero hindi ka naman siguro broken-hearted o in love ano?" dagdag na tanong pa sa akin ni Cherry. Ngumiti lang naman ako sa kanya bilang sagot.
"Ay girl iba ka na" tanong sa akin ni Cherry "I know right girl, magaganda kasi kayo at ako ang nag-iisang dyosa haha" sabi ko naman sa kanya, natawa naman Cherry pati yung baklang naggugupit sa kanya. "Saan mo na naman nakuha yan girl?" dagdag na tanong na naman sa akin ni Cherry. "Uhm nabasa ko lang sa facebook" sabi ko sa kanya, naiiling na lang tuloy si Cherry dahil sa akin.
Matapos naming pagpaganda sa salon ay kumain muna kami dahil nagugutom na rin kami.
Habang kumakain kami ay panay ang tingin samin ng mga lalaki sa kabilang table. "Girls bilisan nyo ang creepy nila oh" sabi ni Kim sa amin, siguro ay napansin din nya na panay ang tingin sa amin ng mga lalaking yun. "Okay lang yan girls, gwapo naman si Kuya" sabat ni Cherry habang nagpapacute kay Kuya.
BINABASA MO ANG
Ang Suplada kong Classmate (gxg)
RomanceSuplada ka man sa akin magiging akin ka rin.