Tonette's POV
Isang linggo na ang nakalipas pero hindi ko alam kung bakit cold treatment ang natatanggap ko kay Megan. Kundi sya masungit ay napapansin ko naman na parang iniiwasan nya ako nitong mga nakaraang araw.
Hindi ko tuloy alam kung may nagawa ba ako na mali sa kanya. Wala rin naman akong maisip na dahilan kung bakit ganoon ang pakikitungo nya sa akin. Wala naman siguro akong ginawa kay Megan nang nag-inumam kami. Oo, wala akong ginawang hindi kanais nais sa kanya. Pagkumbinsi ko na lang sa aking sarili pero sa totoo lang ay wala akong maalala kung ano bang nangyari noong araw na yun.
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayokong umiinom ng alak, bukod sa wala kang maalala ay sasakit pa ang ulo mo dahil sa hangover. Napabuntong hininga na lang ako sa gitna ng aking pag-iisip.
Nagulat na lang ako ng may tumapik sa likod ko.
" Di na kita mareach teh " sabi ni Alisson sa akin. Napansin siguro nyang malalim ang iniisip ko at malayo ang takbo ng utak ko.
Nginitian ko lang sya ng alanganin bilang sagot. Hindi na nya ako kinulit dahil alam nyang hindi ko rin naman ito sasabihin.
Natapos ang buong araw na pala isipan pa rin sa akin kung bakit iwas sa akin si Megan. Kaya hindi na ako nakatiis at eto dinala ako nang aking mga paa sa kwarto ni Megan.
Palakad lakad naman ako sa labas ng pintuan nya di ko alam kung kakatok ba ako o uuwi na lang dahil baka sungitan naman nya ako kapag kinulit ko sya.
Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at lumabas ang taong hindi ko inaasan.
" Kenneth?! " " Tonette?! " sabay pa naming tawag sa isa't isa. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na makikita ko si Kenneth dito. At dito pa mismo kila Megan.
Naguguluhan man ako sa nangyari bigla naman may tumikhim sa likod ni Kenneth.
" Ehem " sabi ng isang babaeng sadya ko talaga dito, walang iba kundi si Megan.
" Ah, eh paano Meg at Tonette mauna na ako " nagmamadali namang umalis si Kenneth.
Pagtingin ko kay Megan ay nakatingin lang sya sa akin na di mo mawari kung ano ang nais ipahiwatig sa mga titig nya.
Napakamot na lamang ako sa aking batok. " Pwedeng pumasok sa loob? " tanong ko sa kanya. Nag-aalangan man ay pinapasok na nya ako sa loob ng kanyamg kwarto.
Naupo naman ito at nagdikwarto pa. " Anong kailangan mo? " sabi nito sa akin at nakataas pa yung kilay nya.
" Uhmm, pwedeng makiinom ng tubig nauuhaw na kasi ako " sa sobrang kaba ko iyon na lang ang nasabi ko.
Humalagapak naman ito ng tawa habang hawak pa nya ang tyan nya. Naguguluhan naman ako sa kanya. Kung kanina ay ang sungit ng bungad nya sa akin, ngayon naman ay tawa sya nang tawa na akala mo wala ng bukas.
Pinusan pa nya yung kaunting luhang namuo sa gilid ng mata nya habang tawa pa din sya nang tawa.
" A moment of silence para sa babaeng baliw na tawa nang tawa " sabi ko na lang ng walang kaemo-emosyon.
At dahil naman doon ay napahinto na sya sa kakatawa nya. " Uminom ka na hahaha, para ka kasing tanga na ewan dyan " sambit naman nito.
" Yoko na inaaway mo ako " sabi ko naman at niyakap ko sya bigla. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa yun. Ramdam kong nagulat sya sa ginawa ko pero yinakap nya rin naman ako at tanapik yung likod ko dahilan para kalasin ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
" Bati na tayo? Sorry na " sambit ko. Ngumiti to at tumango ito sa akin bilang sa sagot sa sobrang tuwa ko naman ay nahalikan ko ito sa gilid ng labi nya.
Ilang segundo din ang lumipas at nakatitig lang kami sa isa't isa. Napansin ko naman na parang mamumula yung mukha nya. Pero dahil naawkward na ako ay dali dali akong umalis pauwi sa amin. " Sa amin na lang ako iinom ng tubig b..bye " pahabol kong sabi.
***
Kinabukasan pagpasok ko sa school ay naupo agad ako sa aking upuan at dumukdok sa desk ko. Antok na antok pa ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos dahil naaalala ko yung nangayari samin ni Megan kahapon.
Sana naman hindi sya ma-awkward sa akin. Sabi ko sa isip ko at napabuntong-hininga na lamang ako. Dumating naman na ang Prof namin pero eto ako hindi nakikinig ng maayos dahil kakaisip ko kay Megan.
"Hazel ikaw may boyfriend ka na ba?" tanong ng prof ko sa isa kong kaklase. Ngumiti naman ito at tumango bilang sagot. "Ah, ilang months na kayo?" usisa pa ng prof ko. "Five months po Sir" sabi naman ni Hazel kay Sir.
"Ah five months na pala sila class" sabi naman ni Sir at nakangiti pa.
"Class alam nyo sa first month ng relasyon nyo uso yung hhww, alam nyo ba yun? Yung holding hands while walking" Sabi ni Sir sa klase. "Tapos sa second month ng relasyon nyo aba, manghihingi na yang mga jowa nyo ng kiss sa cheeks" dagdag na si sir habang ina-action pa. Natatawa naman ang buong klase sa kanya."Tapos class sa third month kiss pa din pero this time sa lips na" Natatawang kwento si Sir, napapailing na lang ako sa kalokohan ni Sir. "Tapos class sa fourth month kiss pa rin sa lips syempre, pero may tongue ng kasama" Napuno naman ng tawanan sa klase namin at biglang natahimik ulit na para bang nag-aantay sa sasabihin ni Sir. "Class sila Hazel five months na sila ng boyfriend nya, kayo ng bahalang mag-isip kung hanggang saan ang narating nila haha" Sabi ni Sir sabay tawa rin.
Tawa naman kami ng tawa dahil kay Sir. Napansin nya sigurong nabobored o inaantok kami kaya nagpatawa sya. Effective naman dahil nagising ang mga diwa namin ng dahil sa kanya haha.
Matapos magpatawa ay bumalik na ulit si Sir sa kanyang matuturo. Lahat naman ay nakikinig sa kanya, kilala sya bilang terror sa na prof sa school namin pero para sa akin ay mabait naman sya.
Siguro ay ayaw nya lang sa tamad na estudyante kaya sya nambabagsak, pero kapag nakita naman nyang mag-eeffort ka para makapasa ka sa subject nya ay bibigyan ka nya ng consideration.
Natapos ang klase namin kay Sir at sa kabutihang palad ay hindi ako nainip sa klase nya. Pero itong susunod kong subject ay parang nakakatamad pasukan.
Iniisip ko pa kung papasok ako o hindi kasi tamad na tamad talaga ako. Pero sa huli ay pumasok pa rin ako. Nakaupo lang ako at kunwaring nakikinig kay Ma'am, pero ang totoo ay lumilipad ang utak ko.
Kakausapin ko kaya ulit si Megan? Paano kung ma-awkawrd sya. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko bakit naman kasi kusang na lang gumalaw ang katawan ko. Napakamot na lang ako sa aking batok sa gitna ng aking pag-iisip.
Bzzt! Bzzzt!
Vibrate ang aking cellphone na nasa loob ng aking bulsa. Agad ko naman itong kinuha at binasa ng patago para hindi ako mapansin ni Ma'am.
From: Unknown Number
"Kita tayo Ton, same place and same time." Sabi nang nagtxt sa akin. Kahit di ko alam kung sa kanya ba itong number na gamit nya o hindi, kilala ko pa rin kung sino itong magtext sa akin dahil sya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganoon.
***
A/N: Thank you for reading. Don't forget to leave a like or comment your thoughts about this update. :)
BINABASA MO ANG
Ang Suplada kong Classmate (gxg)
Любовные романыSuplada ka man sa akin magiging akin ka rin.
