Chapter 19

2K 61 6
                                    

Tonette's POV

Napabalikwas ako sa aking higaan dahil sa panaginip ko. Napahilamos pa ako sa aking mukha, anong klaseng panaginip ba yun, hindi maganda.

"Hmm.." may umungol sa tabi ko kaya naman napalingon ako rito. Si Megan? Anong ginagawa nya rito?

Hinimas ko yung buhok nya, tulog na tulog pa sya. Tumayo ako para buhatin sya at ihiga sa kama. Mahimbing pa rin syang natutulog. Bakit kaya sya nandito? Nasaan si Raquel? Alam ko sya yung kasama ko kagabi. Hindi kaya? Hindi naman siguro mamamatay tao si Megan para ipa-savage si Raquel hindi ba?

Kinuha ko yung cellphone ko at tiningnan ko kung may nagtext sa akin. Meron naman, kaso TM lang. Hay. Bakit kaya hindi man lang nagtext sa akin si Raquel? Tawagan ko kaya sya? Kaso wala naman akong load.

Nagugutom na ako, kaya naman umorder na lang ako ng pagkain namin ni Megan. Medyo masakit pa yung ulo ko kaya hindi ko pa kayang lumabas ng unit para bumili nang pagkain.

Mahimbing na natutulog si Megan habang ako naman ay nakatitig lang sa maamo nyang mukha na natutulog. Bahagya tuloy akong napatawa. Maamo ang mukha nya kapag natutulog pero kapag gising, ewan ko na.

"Bakit ka tumatawa dyan?" boses ni Megan na nagsasalita habang tulog? Teka bakit nya alam na tumatawa ako? Baka naman nagtutulug-tulugan lang sya.

"Gising na ako." ani nito pero nakapikit pa rin sya.

"Talaga? Bakit ayaw mong bumangon? Nag-aantay ka ba ng halik, mahal na prinsesa." asar ko kay Megan, kaya naman agad syang nakapabalikwas ng bangon sa higaan.

"Aray!" sabay pa naming sabi nang tumama yung noo nya sa noo ko. Napahimas tuloy ako sa noo ko, sumakit na naman tuloy yung ulo ko.

Sandaling katahimikan naman ang bumalot sa buong kwarto ng oras na iyon. Gusto ko sana syang tanungin tungkol kay Raquel pero wag na lang, baka mamaya sungitan nya lang ako.

"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na." walang gana nitong sabi sa akin. Patay! Wala pa naman akong sinasabi o tinatanong parang badtrip na si Megan.

"Ah eh ano kasi... Ikaw magbayad ng inorder kong pagkain. Naubos ko kasi yung pera ko." palusot ko kay Megan, sana makalusot.

"Walang pera? At bakit saan mo naman ginastos yung pera mo at naubos?" para syang nanay ko kung maka-usisa.

Kaya lang naman naubos yung pera ko kasi binilan ko sya ng bulaklak at cake pero hindi ko naman naibigay sa kanya dahil nakita ko na dinalaw sya nung manliligaw nya ata yun. Hay ewan ko ba.

"Tonette"

Kasi naman umuulan pa nung binili ko syang bulaklak at cake tas gabi pa noong naisipan kong bumili. Ayan lagnat tuloy yung inabot ko.

"Hoy Tonette!"

Pero sayang naman kung hindi ko ibibigay sa kanya, nandito na sya mismo sa harapan ko. Wala ng istorbo, kaming dalawa lang dito.

"Aray!" napahimas ako sa aking braso dahil bigla nya akong kinagat.

"Ano bang problema mo Megan?" medyo inis kong sabi sa kanya kasi ang sakit ng kinagat nya sa braso ko. Napahimas tuloy ako sa kinagat nya.

"Matapos kitang alagaan, ako pagbabayarin mo ng inorder mong pagkin. Bahala ka di ako magbabayad, wala akong dalang pera." Masungit na sabi nya sa akin pero hindi ko na pinansin yung ibang sinabi nya. Niyakap ko sya agad dahil ewan ko ba, namiss ko ata sya. Oo namiss ko nga sya sobra.

Ramdam kong nabigla sya dahil sa pagkayakap ko sa kanya. Pero okay lang kesa naman yung dada sya ng dada umagang-umaga.

"Megan ikaw ng magbayad ng pagkain natin, wala talaga akong pera." lambing ko sa kanya habang nakayakap pa rin ako sa kanya. Sana naman pumayag na sya.

Ang Suplada kong Classmate (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon