Chapter 10

3.5K 91 3
                                    

Megan's POV

Pagka-alis ni Tonette ay hindi naman ako mapakali dito sa aking higaan, parang kasing argh! Bakit ba nadala ako sa mga halik nya sa akin. Basta ang alam ko na lang ay tumutugon ako sa mga halik nyang tila mapupusok. Sa totoo lang gusto ko sanang sabihin kay Tonette na kung pwede pa ba naming magawa ulit yun, pero narealize ko na argh! Parang hindi naman ata tama yun tapos ako pa talaga yung mag-aaya. Erase! Erase! Erase! Kausap ko naman sa aking sarili.

*ring!!!*

Tunog naman ng cellphone ko na agad ko namang sinagot. "Ah eh hello bakit?" medyo taranta kong sagot sa telepono, pero nang marinig ko ang boses ay si Mikaela lang pala na bestfriend ko. Agad naman din nyang binaba ang tawag, ang weird nya ata ngayon, hindi kaya may problema sya. Si Mikaela na bestfriend ko tapos si Angel naman ang isa pa naming kaibigan, sa kasamaang palad nahiwalay ako sa kanila dahil sa kagagahan ko. Pero hindi naman na siguro iyon mahalaga sa ngayon.

Naupo naman ako sa kama at iniintay ang mga kaibigan ko na pupunta dito sa apartment, susunduin daw nila ako dahil magpaparty kami mamaya. For sure gusto na naman nilang mag-inuman. Bali tatlo sila si Leah, si Kim, at si Cherry. Hindi ko naman sila masyadong close hindi katulad nila Mikaela at ni Angel.

Naligo na ako dahil dito kami mag-iinuman, sila na raw ang bahala sa iinumin naming alak. Nagligpit muna ako ng gamit bago maligo. Medyo traffic daw kaya naman hindi ko minamadali ang sarili ko na maligo, ayoko pa naman sa lahat yung minamadali ako kasi mas lalo ko lang tatagalan kung ano man yung ginagawa ko.

Matapos kong maligo ay nag-ayos na ako ng aking sarili, sigurado akong ilang sandali ay nandito na sila. Hindi naman ako nagkamali dahil ilang sandali lang ay may kumatok na sa pintuan ng aking apartment. Agad ko naman iyong binuksan, tama ang hinala ko andito na sila. "Hi girls" bati ko sa kanila, magbeso-beso muna kami bago sila tuluyang pumasok sa unit ko.

"Hay traffic!" maarteng sabi ni Kim na ngayon ay makaupo sa couch, tumabi naman sa kanya si Cherry, habang si Leah naman ay inilipag sa mesa ang dala nilang alak at pulutan. Sa totoo lang ay maraming naiinis sa akin sa dati kong school dahil malandi daw ako what-so-ever. Hindi naman porket party girl malandi na at pafuck, happy go lucky lang naman ako sa buhay.

Akala kasi nila na kung sino-sino na ang nakama ko, pero ang totoo wala pa dahil hindi ko pa sinusuko ang bataan, muntik lang kay Tonette. Naiinis naman ako kapag naaalala ko yun. Ewan ko ba bakit iba yung dating nya sa akin. Natetempt kasi ako na ewan, di ko mapigilan ang sarili ko.

Nagsimula naman na ang inuman namin, ako ang huling tagay sa aming apat. Nagkukwentuhan lang naman sila tungkol sa mga experiences nila sa lalaki. "Girls, sa totoo lang nung una natatakot talaga ako, pero nung naranasan ko na. Kahit araw-araw kami ng boyfriend ko okay lang sa akin" sabi ni Leah sa amin. Open kami sa ganitong klase ng usapan, matanda naman na kami at nasa tamang edad na. Si Leah at ang boyfriend naman nya ay magpofour years na.

"Girls kami ni Bryan six years na wala pa ring nangyayari sa amin" kwento ni Kim sa amin, halos lahat naman kami ay hindi makapaniwala sa sinabi nya, ang buong akala kasi namin may ganap na sa kanila. Hello sino bang hindi mag-iisip nun eh six years na sila. "Weh totoo?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Leah kay Kim. "Oo nga, gusto ko na ngang isuko yung bataan ko kaya lang ayaw nya pa ata" sabi pa ni Kim.

Habang sumashot kami ay tuloy lang ang kwentuhan namin, nakikinig lang naman ako sa kanila. "Oo nga girls, nung minsan nga ako na ang nag-approach hinawakan ko na yung ano nya pero wala lang" Medyo dismayang sabi ni Kim, tawa naman kami ng tawa dahil dun. "Kaya yun, simula nun hindi na ko nag-approach sa kanya" dagdag pang kwento ni Kim sa amin.

Kumakain naman ako ngayon ng dala nilang pizza, medyo mabilis ang ikot ng shot namin. Sabi ko naman sa kanila na kakain muna ako, ayoko kasi nang mabilis na tagay dahil nalalasing ako agad.

Ang Suplada kong Classmate (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon