Megan's POV
Ilang araw na akong hindi makatulog at makakain ng maayos dahil sa iniisip ko. Siguro nga dapat ko na syang alisin sa isip ko dahil wala lang naman iyon.
At dahil ilang araw na akong lutang inaya ko si Tonette na mag-inuman kami dito sa apartment. Sabado naman bukas kaya okay lang wala naman din kaming projects na kailangang ipasa o homeworks kaya chill chill lang ngayong weekends.
Maliligo daw muna sya sandali tapos ay pupunta na lang sya sa room ko pagkatapos nyang naligo. Hindi naman ako madalas uminom pero malakas ang tolerance ko sa alak, hindi ko rin alam kung bakit. Kapag nagnanight out kami ng mga dati kong kaibigan ay hindi ako nalalasing kaagad.
Ilang sandali pa ang lumipas at may kumatok na sa pinto ng aking kwarto, siguro ay si Tonette na iyon at agad ko namang binuksan ang pintuan.
" Sup G?! " Bati naman nito sa akin. Nakasanayan ko na lang na ganyan ang bati nya sa akin katulad ng pagbati nya sa mga tropa nya.
Tinaasan ko naman sya ng kilay kunwaring nagsusungit pero ngitian ko rin sya kaagad. Binigyan nya tuloy ako ng WTF look.
" Tara bili tayo sa 7 eleven ng Empi Lights " sabi ko sa kanya sabay hila sa kamay nya. Wala na syang nagawa kundi sumunod sa akin. Para tuloy syang batang kinakaladkad ng nanay nya haha.
Pagkadating namin sa convenience store ay kumuha ako ng alak at sya naman ang kumukuha ng mga chips na gusto nyang kainin.
" Yung gusto mo talagang chips yung kinuha mo, di mo man lang naisipan tanungin kung anong gusto ko " Pagtataray ko naman sa kanya at tiningnan ng masama. Ngiti lang ang sagot nya sa akin.
Hay nako eto talagang babaeng to ang tipid na ngang magsalita puro ngiti pa yung sagot tapos kapag may topak naman ang kulit kulit. Naalala ko tuloy noong isang araw na nangungulit sya.
Flashback
May makulit na katok nang katok sa pinto ko, well alam ko na agad kung sino itong bwisit na panira ng araw ko. Paano ba naman paulit ulit akong tinatawag hindi ko na sana papansinin kaso makabukas nga pala yung ilaw sa kwarto ko na kita sa labas kaya alam na may tao sa loob. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto eto agad ang sumalubong sa akin.
" Megan! Hoy Megan! " paulit ulit nyang tawag sa akin ako naman hindi ko na sya pinapansin sa sobrang pagkainis ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya ng masama.
" Omg! Red alert is real " dagdag pa nya.
" Hoy tigilan mo ako, wala akong red alert ngayon " sabi ko naman sa kanya sabay irap.
Ngitian nya ako tas tumawa ng konti.
" Haha alam ko, gusto ko lang kulitin ka ang ganda mo kasi kapag nagsusungit ka " Tapos bigla na syang umalis, o di ba ang weird nya. Nagpunta lang sya sa room ko para mang-inis.
End of flashback
Naglalakad na kami pauwi ng apartment as usual ang tahimik nya. Minsan hindi ko maintindihan itong si Tonette minsan tahimik, minsan makulit, minsan parang bata ay ewan basta ang hirap nyang spellingin.
" Hoy! From Megan to Earth " bahagya pa akong nagulat nung tinapik nya ako sa balikat.
" Yes? " sabi ko naman ng nakangiti, kanina pa pala sya nagsasalita hindi ko napansin kakaisip. Sana hindi nya napansin na hindi ako nakikinig sa kanya haha.
Naningkit naman yung mata nya na parang inoobserbahan ako.
" Sabi ko ang swerte nya " sabi ni Tonette na parang walang kabuhay buhay.
BINABASA MO ANG
Ang Suplada kong Classmate (gxg)
RomansaSuplada ka man sa akin magiging akin ka rin.