Chapter 21

1.8K 65 10
                                    

Raquel's POV

Nagising ako nang may paulit-ulit na nagdo-doorbell sa labas. Hindi naman ako late gumising kaya lang sabado kasi ngayon at araw nang pahinga so expected ko makakatulog ako ng mahaba pero hindi pala.

Nag-ayos ako ng sarili tapos ay pumunta sa gate para tingnan kung sinong tao sa labas.

Pagbukas ko nang gate ay bumungad sa akin ang nakabusangot na si Megan? Kasama ang pinsan nya. Ano namang kayang kailangan nila sa akin.

"Hoy ikaw babae--- susugurin sana ako ni Megan pero pinigilan sya ng pinsan nya. Ano bang problema nang babaeng 'to ang aga-aga.

"Pasensya ka na Raquel, may topak kasi yung pinsan ko ngayon. Pwede ba kaming tumuloy sa loob?" mahinahong sabi sa akin ni Terrence.

Kahit nag-aalangan ako dahil para akong kakainin ng buhay ni Megan sa mga tingin nya sa akin ay pinatuloy ko rin sila. Nang nakapasok sila sa loob ay kumuha ako ng juice sa ref para sa kanila.

Agad namang napainom si Terrence na naubos ang isang baso.

"Pasensya ka na Raquel sa inasal ng pinsan ko. Kasi naman-- hindi pa tapos magsalita si Terrence ay sumabat na agad si Megan.

"Kasi naman kung hindi dahil sayong babae ka, sana kami na ni Tonette ngayon. Nang dahil sayo may trust issue na sya at ayaw na nyang maggirlfriend." sunod-sunod na sabi sa akin ni Megan habang pairap-irap pa.

"Wooh, wooh, wooh, pinsan pwede ba huminahon ka wala namang kasalanan si Raquel kung bakit mas pinili ni Tonette ang pagkakaibigan nyo." sabi naman ni Terrence sa kanya. Mabuti naman at huminahon din si Megan, ininom din nya yung baso ng juice na nakalagay sa lamesa.

Akala ko naman kung anong problema ng babaeng ito at ang aga-agang sumusugod dito sa bahay. Bahagya tuloy akong napatawa dahil sa kanya.

"Oh bakit ka tumatawa dyan?" medyo inis na sabi sa akin ni Megan. Bago pa ako makasagot ay nagsalita na agad ang pinsan nya.

"Pinsan pwede ba manahimik ka muna sandali. Tayo yung may kailangan sa tao di ba? Bakit hindi ka makipag-usap ng maayos sa kanya at hindi yang init ng ulo mo ang inuuna mo." naiinis na ring sabi ni Terrence kay Megan. Medyo kumalma naman si Megan dahil doon.

"Ano bang nangyari?" tanong ko kay Terrence na ibinaling ang tingin kay Megan kaya napatingin ako sa kanya. Bumuntong-hininga ito bago sya nagsalita.

"Kasi-- hindi pa man tapos yung unang salita ni Megan ay sumabat na si Terrence. Ang gulo rin nang dalawang 'to.

"Kasi itong si Megan, nagpanggap na lasing para mapaamin nya si Tonette." panimula ni Terrence sa kwento. Napatingin naman ako kay Megan na hindi maipinta ang mukha.

"Tapos?" nako-curious ko namang tanong.

"Tapos sinabi ni Tonette na mahal nya si Megan, pero nireject sya ni Tonette kasi mas gusto daw nyang magkaibigan sila." ani ni Terrence habang nag-aalangan sa mga sinabi nya sa akin.

Napatingin ulit ako kay Megan na naiinis na ewan kaya bahagya akong napatawa.

"What's so funny, bitch?!" inis na tanong sa akin ni Megan, tumayo ito at bumaling paharap kay Terrence.

"I knew this was a bad idea. Hindi na sana ako pumayag sa sumama sayo at magtanong sa babaeng yan." inis na turan na naman sa akin ni Megan.

Hindi naman ako yung tipo na war freak o papatol sa init nang ulo ng iba. Naiintindihan ko naman sya kasi alam kong masakit din yung mareject. Especially alam naman nyang mahal sya ni Tonette.

Tumayo na sya pero si Terrence nakaupo pa rin at tila walang balak umalis.

"Anong pang iniintay mo Terrence, tara na. Wala naman pala tayong mapapala sa babaeng yan." dagdag na sabi ni Megan habang hinihila si Terrence.

Ang Suplada kong Classmate (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon