Tonette's POV
" ui Allison may joke ako " sabi ko kay Allison. Naiinip na kasi ako wala rin naman akong maiintindihan sa tinuturo ng prof ko.
" ano? " sabi naman nya.
" may mongoloid na nagtour sa zoo tapos sabi ng teacher ano to yung umaakyat sa puno? Ma'am ma'am ma..ma..monkey.. very good mongoloid sabi nung teacher , tapos naglakad pa sila may nakita ulit silang gumagapang na mabilis... ano to sabi nung teacher. Ma'am ma'am s....s.....snake... very good mongoloid sabi ulit ng teacher. Tapos nung papalabas na sila ng zoo may nakita silang hayop na mahaba yung leeg.. yung ano nga yun.. yung " sabi ko kay Allison.
" giraffe " sabi ni Allison.
" very good mongoloid " sabi ko sa kanya sabay tawa.
Kaya ayun pinaghahampas nya ko at inirapan. Ang brutal lang.
" heh magtigil ka! Korni mo " sabi ni Allison.
Tinawanan ko lang naman sya. Buti na lang at hindi sya pikon. Nasasakyan nya mga trip ko.
Matapos yung sunod sunod na klase namin sa wakas lunch break na. Makakakain na rin yung mga alaga ko sa tyan haha. Si John yung kasabay kong kumain ngayon kasi pagkatapos naming kumain deretso sa computer shop at gagawa pa kami ng thesis sa english.
-------
Megan's POV
Naiinis talaga ko kapag makikita ko si Tonette. Ewan ko ba wala naman syang ginagawa sakin pero naiinis talaga ko kapag nakikita ko sya.
Oo nga pala itatanong ko pa pala kung ano nya yung ex ko. Kaya naman nung makasalubong ko sya hinila ko sya agad palayo kay John para makapag-usap kami ng masinsinan.
" hoy babae ano bang kailangan mo at bigla bigla ka na lang nanghihila, alam mo bang gagawa pa kami ng thesis ni John istorbo ka naman " pagtataray nya sa akin. Arrgghh nakakaasar talaga tong babaeng to.
" may itatanong lang ako " sabi ko naman sa kanya. Tumango lang sya.
Hindi ko naman alam kung paano ko itatanong sa kanya kung anong koneksyon nya sa ex ko. Ayoko namang isipin nya na chismosa ako at nakikialam sa buhay nya.
" kung wala kang sasabihin aalis na ko " sabi ni Tonette
" teka sandali ano mo si Kenneth? Boyfriend mo ba sya? " tanong ko sa kanya.
" ahh hahaha...." natatawa nyang sabi " si Kenneth ba? " biglang naging seryoso yung mukha nya. " hindi ko sya boyfriend so kung wala kang matinong itatanong sa akin aalis na ako at kailangan ko pang gumawa ng thesis " sabi nya sabay alis.
Ang weird nya, parang bigla bigla na lang nagbago yung mood nya nung nabanggit ko si Kenneth. Ano ba kasi talaga ang koneksyon nila sa isa't isa?
Nasa ganung pag-iisip ako ng biglang may nagsalita.
" woohh ang lalim ng iniisip mo ah? " sabi ni Allison sabay tapik sakin. Nginitian ko naman sya.
Sabay naman kaming pumunta ng classroom ni Allison dahil tapos na kaming maglunch.
Nakakaantok kaya pagdating sa room. Naupo ako sabay dukdok sa mesa. Idlip muna ako. Mahaba pa naman vacant...
" aahhhhhhh " hikab ko sabay kusot ng mata. Teka nga bakit wala ng tao sa room? Luminga linga ako sa paligid at ayon may isang nakakabwisit na babae akong nasulyapan. Bakit kaming dalawa na lang dito sa classroom? Asan na yung mga classmate namin?
" umuwi na sila, wala kasi tayong prof " sabi ni Tonette.
Ah kaya pala kaming dalawa na lang ang nandito sa room. At teka nga bakit hindi nya ako ginising?
" tinatanong ko ba? " pagsusungit ko sa kanya.
" tsk " sabi naman nya.
" at tska bakit hindi mo ko ginising? At bakit nandito ka pa rin? May ginawa kang hindi kanais nais sakin no? " sabi ko sa kanya at sinamaan ko sya ng tingin.
" hay... paano kita gigisingin eh naghihilik ka pa ngang matulog, baka kapag ginising kita sampalin mo pa ko ng isa't kalahating beses. At wala akong ginawa sayo, kung wala ka ng itatanong uuwi na ako " sabi nya sabay ligpit ng gamit nya. At tumayo na para umalis.
Hmp. Wala na akong nagawa, nag ayos na ako ng sarili ko at sumunod sa kanya dahil pareho lang naman kami ng apartment na inuuwian.
Tahimik lang kaming naglalakad nung bigla syang nagsalita.
" may joke ako " sabi nya sabay ngiti.
" ano ? " sabi ko ng walang kabuhay buhay.
" may batang nanunungkit ng mangga habang kumakanta. Sabi nung bata mahal kita, mahal kita hindi to bola. Sumagot yung kapre, itlog ko yan itlog ko yan hindi yan bunga " sabi nya sabay tawa.
" haha gaga " sabi ko sa kanya. Sabay hampas sa braso nya " korni mo "
Hinihimas himas naman nya yung braso nya sabay sabing " wooh korni daw natawa ka nga eh "
" oo na, sige dito na ako " sabi ko sa kanya sabay ngiti.
Pagdating ko sa room ko, nagpalit na ako ng damit.
Bakit kaya nandun pa si Tonette kanina? Hindi kaya binantayan nya ako simula kanina hanggang maghapon dahil natutulog ako? Eh bakit naman nya ako babantayan? Baka naman gumagawa lang sya ng thesis nya.
Hay nako... bakit ba sya ang iniisip ko?!
----
A/N: thanks for reading :)
BINABASA MO ANG
Ang Suplada kong Classmate (gxg)
RomanceSuplada ka man sa akin magiging akin ka rin.