Megan's POV
Nagpunta ako sa mall ngayon dahil na rin sa init ng panahon, gusto kong magpalamig. Hindi naman ako yung tipong mahilig magshopping, gusto ko lang talagang magpalamig. Isa pa wala rin naman akong magawa sa bahay kaya nandito ako sa mall mag-isa. I don't mind being alone, okay lang naman sa akin kung pag-isipan ako ng ibang tao na forever alone ako. Okay cut the crap out nagdadrama na ako. Nagring naman ang cellphone ko kaya naman agad ko itong sinagot. Hindi ko na nakita kung sino yung tumatawag sa akin, basta ko na lang kasi sinagot.
"Hello Megan" boses pa lang nya kabisado ko na kung sino 'to. Walang iba kung hindi ang makulit na si Tonette.
"Oh ano na namang problema mo?" masungit kong sagot sa kanya.
"May tanong kasi ako." sabi ni Tonette sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero ako lang ba yung may mini heart attack kapag may nagsabi ng ganun.
"Ano?" cold kong sagot sa kanya.
"Megan, kapag ba naging manok ako, kakainin mo ba yung itlog ko?" napakunot noo naman yung noo sa sinabi nya. Nababaliw na ata 'tong si Tonette, ano bang pinagsasasabi nito sa akin.
"Sira ulo! Bakit ko naman ko naman kakainin itlog mo? Baliw!" sabi ko kay Tonette medyo napalakas pa yung boses ko. Sabay baba ng tawag, pagtingin ko naman sa paligid ay may iilang tao na nakatingin sa akin. Shit napalakas ba ng sobra yung sinabi ko? Nakakahiya, kaya naman dali-dali na akong naglakad palayo.
Kasalanan 'to ni Tonette dahil pinagtitripan nya ako. Bumili na lang tuloy ako ng sundae sa Mcdo at doon tumambay habang nakatingin sa malayo. Iniisip ko kung anong pwede kong gawin pampalipas ng oras. Habang nakatingin ako sa malayo ay may napansin akong naupo sa harapan ko.
"Pwede maki-upo?" tanong ko naman nya sa akin. Hindi ko naman kilala yung taong nakikiupo sa table ko dahil hindi ko naman aya nakikita pero parang pamilyar yung boses nya. Nang lingunin ko sya ay nagulat ako na si Tonette ang nasa harapan ko. Nakangiti ito sa akin ng todo.
"Bakit ka nandito?" tanong ko naman sa kanya.
"Pumunta ko sa unit mo, wala ka naman. Hinahanap kita." sabi nito sa akin habang nakangiti pa rin. Hindi ko alam kung anong meron sa ngiti ng isa 'to. Kahit kasi wala ako sa mood kapag ngumiti sya sa akin pakiramdam ko nawawala yung mood swings ko.
"Bakit mo naman ako hinahanap?" cold kong sabi sa kanya.
"Bakit ba hinahanap ang isang tao?" seryosong sabi sa akin ni Tonette. Kumuha naman ako ng fries na binili nya.
"Hoy tigilan ko ako sa kalandian mo Tonette, hindi ka si John Lloyd." sabi ko naman sa kanya at isinawsaw ko yung fries sa sundae ko.
"Ay sayang akala ko pa naman gagana yung pagpapacute ko." sabi nito sa akin at sumubo rin ng fries. Inabot nya sa akin yung ketchup pero umiling ako.
"Hindi ako nagke-ketchup." sabi ko sa kanya. Bahagya naman itong natawa sa sinabi ko.
"Ay sayang." saad nito.
"I told you, hindi effective yang kalandian mo sa akin." irap ko sa kanya.
"Talaga? So effective 'to kapag sa iba ako lumandi, ganon ba?" tanong naman ni Tonette sa akin habang nakangiti sa akin ng nakakaloko. Inaasar na naman ako ng isang 'to.
"Hay nako lumandi ka sige as if naman may papatol sayo." irap ko sa kanya.
"Sus ang sungit mo naman, patay na patay ka nga sa akin eh." sabi nito sa akin habang pachill na kumakain ng fries. Ang hangin talaga nito kahit kailan.
"Tigilan mo nga ako Tonette, assumera ka no." sagot ko naman sa kanya.
"Ah ganun? Gusto mo patahimikin kita ngayon din? Para malaman mong natatameme ka kapag ako ang kasama mo?" hamon naman ni Tonette sa akin. Nagkibit-balikat lamang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Suplada kong Classmate (gxg)
RomanceSuplada ka man sa akin magiging akin ka rin.