Megan's POV
"Tungkol saan ba yung pag-uusapan natin Tonette?" sabi ko kay Tonette habang umiinom ako ng juice na tinimpla ko. Nandito kami ngayon sa apartment ko. Gaano ba kami katagal na hindi nagkita ni Tonette, bakit pakiramdam ko sobra ko syang namiss. Gusto ko man syang yakapin, nagtitimpi na lang ako.
"Megan, gusto ko lang sana sabihin sayo lahat-lahat." sumeryoso naman ng tingin sa akin si Tonette. Parang bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Parang natatakot akong malaman na bumalik yung tao sa nakaraan nya. At hindi sapat yung pagmamahal ko sa kanya para mahalin nya ako.
"Aray!" angal ko kay Tonette dahil pinitik nya yung noo ko. Anong bang problema nya?
"Kung ano-anong iniisip mo, makinig ka muna sa akin pwede ba?" sabi nya sa akin kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang makinig at tumango sa kanya.
"Megan, alam mo bang galit ako sa mga magulang ko. Kasi ewan ko ba, siguro dahil sa nangyari noon. Gusto ko sanang malaman mo lahat ng tungkol sa akin. Gusto kong malaman mo kung anong klase akong tao. Kung ano yung mga flaws ko. Hindi ako perpekto tulad ng iniisip mo. Hindi ko rin alam kung ano ba yung magandang katangian ko." medyo malungkot na sabi ni Tonette. Ramdam ko naman na gustong-gusto na nyang ilabas yung mga hinanakit na matagal ng nakatago sa puso nya.
Tumabi ako sa kanya. Hinawakan ko yung magkabilang pisngi nya para tumingin sya sa akin dahil nakayuko sya. Hindi nya siguro alam kung paano nya sasabihin sa akin ang lahat. Pero handa akong makinig. Handa akong makinig sa kung anong sasabihin nya.
"Megan, nakausap ko sya." naging garalgal yung boses ni Tonette, kahit gusto kong magsalita ay nanatili na lamang akong tahimik.
"Nakausap ko si papa... Na..nakausap ko sya.." bigla akong nanlamig nang marinig ko ang salitang sya. Sya na taong nasa nakaraan ni Tonette. Sya na una nyang minahal sya na nag-iwan ng sakit at sugat sa puso ni Tonette kaya hanggang ngayon hindi pa rin kayang mahalin ni Tonette ang kanyang sarili pati na ang mga taong nakapaligid sa kanya.
"Maayos na ang lahat sa amin, Megan. Okay na ulit kami. Natutuwa ako kasi...--- hindi na naituloy pa ni Tonette yung sasabihin nya dahil umalis ako sa harapan nya. Hindi. Hindi ko kayang marinig yung mga sinasabi nya. Hindi ko kayang tanggapin na nagkaayos na sila at ako? Ako, oo ako na hindi ko alam kung anong parte ko sa buhay ni Tonette. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit? Akala ko ba okay lang sa akin ang lahat basta maging okay lang si Tonette pero bakit ganito? Bakit ako nasasaktan?
"Megan." tawag sa akin ni Tonette habang hinahabol nya ako. Tumigil ako sa aking pagtakbo. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Pilit kong pinipigilan yung luha ko na kanina pa gustong bumagsak.
Dahan-dahang lumakad palapit sa akin si Tonette. Nakangiti sya. Pero nilampasan nya ako, kaya naman sinundan ko sya ng tingin. May babaeng papalapit sa amin. Nakatingin ito kay Tonette habang napangiti sya. Sya kaya? Sya kaya yung babae sa nakaraan ni Tonette?
Hinawakan ako sa kamay ni Tonette at hinila ako habang naglalakad sya papalapit dun sa babae. Kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Nakatingin ako sa kamay nya na nakahawak sa kamay ko.
"Megan." tawag pansin sa akin ni Tonette pero hindi ako tumitingin sa kanya dahil ayaw kong umiyak. Ayokong makilala yung babae sa nakaraan nya na ngayon ay okay na ulit sila. Na ano? Nagkabalikan na sila.
"Megan, may problema ba?" hawak ni Tonette ang magkabilang pisngi ko. Naiiyak na ako pero kailangang pigilan ko. Pero hindi ko na kaya. Hindi na.
Kaya naman tumulo na yung luhang kanina ko pa pinipigilan. Yumakap ako kay Tonette ng mahigpit. Yumakap din naman sya sa akin.
"Akin ka lang, Tonette. Akin ka lang. Ayaw kong sumama ka sa babaeng yan. Ayaw kong iwan mo ako. Mahal na mahal kita, Tonette." sabi ko sa kanya. Wala na akong pakialam kahit sino pang makarinig noon, wala akong pakialam kahit na andyan yung babaeng nasa nakaraan nya. Hindi ko papakawalan si Tonette. Hinding-hindi.
Tonette's POV
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang sinabi ni Megan ang mga salitang yun. Lalo pa't nasa harapan namin ang mga magulang ko at mga kaibigan ko. Hindi nya siguro napansin sila Raquel at Terrence dahil naiiyak sya. Gusto ko kasi sanang sabihin sa kanya na maayos na kami ng mga magulang ko, yun ay dahil sa kanya.
Natuto akong magpatawad dahil sa kanya. Natuto akong mas lalong magmahal at mag-alis nang sama ng loob sa mga taong nakasakit sa akin.
"Wala namang aagaw sayo kay Tonette, Megan." singit ni Raquel kaya naman biglang natigil yung pag-iyak ni Megan. Napatingin sya kila Raquel. Halatang gulat na gulat sya.
Tumingin sya sa akin tapos ay tumingin sya sa kanila. Halatang naguguluhan sya. Hinampas naman nya ako sa braso ko.
"Aray! Bakit mo ako hinampas?" takang tanong ko sa kanya. Marahang nagpahid sya ng luha nya.
"Bakit kasi hindi mo sinabing nandito sila?" naiinis na sabi sa akin ni Megan. Paano ko sasabihin sa kanya, bigla na lang nya akong iniwan tapos umiyak pa sya.
"Hay nako, Megan ang o.a mo talaga, hindi ko talaga alam bakit nagustuhan ka nitong si Tonette eh wala namang maganda sa pagkatao mo." sabi ni Terrence kay Megan kaya naman inirapan sya ni Megan. Napakabully talaga ni Terrence sa pinsan nya.
"Eh bakit naman andito rin yung babaeng yan?" nguso ni Megan sa kaibigan ko.
"Malamang magkaibigan sila, Megan." sabat naman ni Terrence kay Megan.
"Magkaibigan o magkaibigan?" may halong malisya nyang tanong. Kahit kelan ang sungit talaga ng babaeng 'to.
"Magkaibigan lang kami." sagot ko sa kanya.
"Eh kayo ba ano ba status nyong dalawa?" singit naman sa usapan ni Terrence. Kaya naman pareho kaming napatingin sa kanya. Tapos napatingin din ako kay Megan na nakatingin na pala sa akin.
Hinila nya ako palayo sa kanila. Sumunod naman ako sa kanya habang nakatingin kila Terrence, tinanguan naman ako ni Terrence nagets na nya siguro yung ibig sabihin ng tingin ko sa kanya, na kailangan naming mag-usap ni Megan.
Nang makalayo kami sa kanila ay nagsalita na si Megan.
"Tonette, ano ba tayo? Ano bang meron sa atin?" takang tanong nito sa akin habang sa malayo ito nakatingin.
Napabuntong-hininga naman ako.
"Hindi ko rin alam Megan, hindi ko rin alam kung anong meron tayo." sabi ko sa kanya.
"Ako kasi mahal kita, sigurado ako sa nararamdaman ko sayo. Eh ikaw?" sabi nito habang hindi pa rin ako tinitingnan.
"Mahal din kita, Megan. Pero kasi.." hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin sa kanya.
Napatingin na sya sa akin. Naguguluhan sya base sa ekspresyon ng mukha nya.
"Pero kasi ano?" sabi nito sa akin.
"Kasi hindi ko alam kung handa na ba akong pumasok sa isang relasyon, hindi ko alam kung kaya ko na ba. Hindi pa ako handa. I'm sorry, Megan." malungkot kong sabi sa kanya.
Bahagya naman syang napatango sa sinabi ko. Nararamdaman kong nasaktan ko sya sa mga sinabi ko. Alam ko rin na gusto na nyang umiyak sa harapan ko pero pinipigilan nya lang.
"Alam mo Tonette.." sabi nya at umiwas sya ng tingin sa akin. "Alam mo, sa buhay natin hindi natin alam kung kailan tayo magiging handa, o handa na nga ba tayo. Malalaman lang natin na handa na tayo kapag sinubukan mo ng papasukin ako dyan sa puso mo. Kung sya pa rin, sige handa akong maghintay. Pero sana tandaan mo na laging may handang magmahal sayo kahit na ikaw mismo sa sarili mo hindi ko alam kung kailan ka magiging handa o handa ka na ba, at ako iyon Tonette. Ako yung taong handa kang mahalin." sabi ni Megan habang nagpupunas sya ng kanyang luha. Hindi na ako nakasagot sa mga sinabi nya.
Hindi na rin nya ako inintay na magsalita dahil umalis na sya. Iniwan na nya akong mag-isa. Alam kong nasaktan ko sya. Hindi ko kayang maging kami dahil alam ko na mas tatagal kami sa pagiging magkaibigan lang. I'm sorry Megan, alam kong selfish ako kasi nagdesisyon na ako kahit mahal kita. Pero eto lang yung alam kong paraan para hindi ka mawala sa buhay ko. Ang manatiling kaibigan mo.
***
A/N: thanks for reading. :)
BINABASA MO ANG
Ang Suplada kong Classmate (gxg)
RomanceSuplada ka man sa akin magiging akin ka rin.