Tonette's POV
" Hoy Tonette tara na kasi dun anong oras na oh, 9 na dadaan na si Crush " sabi sa akin ni Allison kaya naman andito kami nakaupo sa rest area ng school. Dahil dito lagi dumadaan yung crush nya.
Kapag nakita na nya yung crush nya hahampasin pa ko dahil kilig na kilig sya. Hay kapag ba kinikilig kailangan nanghahampas pa?
" Sige pagdumaan na si crush mo kakantahan kita ng Sa isang sulyap mo ay nabihag ako haha para feel na feel mo " sabi ko sa kanya habang natatawa. Tapos hinampas na naman nya ako. Dahil kinikilig na naman daw sya.
Maya maya dumaan na yung crush nya, paglagpas sa amin bigla na nya akong pinaghahampas dahil kilig na kilig sya. Hay nako kung kundi ko lang to kaibigan kanina ko pa to sinabunutan. Ang sakit sakit kaya nyang manghampas bigwasan ko kaya sya haha.
Dahil 5th floor pa ang room namin umakyat na kami dahil baka malate pa kami sa next class namin.
" Alam mo ba hindi naman sya gwapo pero matalino sya, alam mo pinapakopya pa nga nya ako sa math, magaling kasi sya sa math " sabi naman nya habang masayang nagkkwento. Talaga at ngiti lang naman ang sagot ko sa kanya.
Nang makarating kami sa classroom sakto lang dahil wala pa yung Prof. namin. Nag music muna ako sa cellphone ko kasi for sure late naman Prof. namin.
Maya maya dumating na sya. At may kasunod syang magandang babae. Sino naman kaya yun? Baka naman transferee sya.
At tama nga ang hinala ko dahil transferee sya. Nagpakilala naman sya at Megan pala ang name nya. Mukha naman syang mabait pero hindi ko sya feel dahil mukhang maarte at suplada sya.
Sa tabi ko sya naupo dahil yun na lang ang bakanteng upuan. Kaya no choice na haha.
Sa buhay laging may choice, nasayo na lang kung alin ang pipiliin mo at kung saan ka mas magiging masaya.
Pero dahil wala ng bakanteng silya no choice na sya haha. Medyo bad ba ko? haha
Discuss, kopya ng notes at seatwork. Yan lang ginawa namin buong umaga kaya naman ako nabobored na. Dahil wala naman akong maintindihan sa itinuturo ng mga Prof. ko.
Hindi nyo pa pala ako kilala no? Ako nga pala si Antoinette Aguillon. Pusong lalaki po ako pero ayokong sinasabihan akong lesbian o bi. Kasi para sa akin kahit pusong lalaki ako babae pa rin naman ako. Maikli ang buhok ko pero hindi gupit panglalaki parang buhok ni Mika Reyes lang. Tapos medyo matangkad ako 5'6 ata ako hindi ko matandaan. Basketball player din ako.
-------
Megan's POV
Hello ako nga pala si Megan Alvares, nagtransfer ako sa ibang school dahil sawa na ako sa dati kong school. Wala lang para naman may new circle of friends ulit ako.
As usual ang daming nakikipagkilala sa akin, bakit daw ba ako lumipat ng school. Yung iba naman nagpapacute, hay nako style nila bulok. Wala naman akong pinapansin sa kanila.
Kaya naman hindi na nila ako kinausap, yung iba naririnig ko pang pinag uusapan ako. Ang suplada ko daw, feeling maganda pa daw ako. Hay whatever alam ko namang naiinsecure lang sila sa akin. Dahil mukha silang hipon, oo hipon alam mo yun, tapon ulo kain katawan haha. Ansama ko di ba?
Gusto ko kasi ako ang pumipili sa mga kaibigan ko at ako ang kikilatis hindi kasi ako mabilis magtiwala kung kani kanino.
Nagpaseatwork yung Prof. namin sa Retorika. Dahil transferee ako hindi muna ako pinagseatwork, oh di ba ang swerte ko haha. Kaso pinagpapapasa nya ako ng index card isulat ko daw dun name ko at contact number ng parents or guardian ko.
Hay ano ba yan, wala pa naman akong index card. Gusto ko sanang manghingi sa kaklase ko na nasa harap ko kaso naalala ko nasungitan ko nga pala sila kanina dahil hindi ko sila pinansin.
Pero yung katabi kong babae inabutan ako ng papel tska ako ngitian. Dahil wala naman akong choice tinanggap ko na pero inirapan ko sya.
Yung reaksyon naman nya halatang napikon haha. Kasi naman hindi naman ako nanghingi sa kanya tapos binigyan nya ako. Bahala nga sya kung anong gusto nyang isipin.
------
Thanks for reading! :)
BINABASA MO ANG
Ang Suplada kong Classmate (gxg)
RomanceSuplada ka man sa akin magiging akin ka rin.