Chapter 13

3.1K 83 3
                                    

Tonette's POV

Nakatambay ako sa gymnasium ngayon kasama ko sila Nel. Samantalang si John naman ay nasa stage ng gym dahil nagpapractice sya. May battle of the bands kasi na event sa school namin kasali si John kaya iniintay namin sya na matapos sa practice para sabay sabay na kaming umuwi.

"Tonette tara dun malapit kay John kainip dito" aya sa akin ni Nel, tumayo naman na ako at sumunod kay Nel papunta sa stage kung nasaan si John.

Naupo kami sa may upuan sa tabi nila John, nagdadrums sya ngayon. Nandito rin pala si Mico na president ng student council, kaibigan din namin sya.

"Tonette maggitara ka nga muna dito" aya ni John sa akin. "Wala yung guitarist nila John ewan ko ba tinatamad na naman atang magpractice" medyo inis na sabi ni Mico sa akin.

"Hala bakit ako? Hindi naman ako marunong maggitara" sagot ko kay Mico, nahihiya kasi ako sa ibang kasama ni John sa banda baka mamaya anong isipin nila.

"Lul! Marunong kang maggitara, kami pa lolokohin mo" sabi ni John sa akin "Oo nga, oo nga!" pagsang-ayon naman ni Nel sa kanya.

"Konti lang alam ko, ano bang tutugtugin ko?" tanong ko sa kanila. "Sus kunwari ka pa eh, papayag ka din naman pala dami pang arte" sabi naman ni Mico na may halong pang-aasar.

"Oh nasaan yung vocalist nyo wala rin?" tanong ko sa kanila. "Chill Tonette paparating na yun..., ay ayan na pala sya" nguso ni Mico sa babaeng naglalakad papunta sa amin.

Napatingin naman ako sa babaeng tinuro ni Mico. Mahaba ang kanyang buhok, matangos yung ilong nya tapos maputi sya, katamtaman lang ang tangkad nya pero.. "Hoy sino ka naman bakit hawak mo yang gitara sayo ba yan?!" ....pero masama ang ugali nya..Sabi nang masungit na babae sa akin. "Sungit" mahina kong sabi "Anong sabi mo?!" inis na tanong nya sa akin. "Ah wala, wala" sabi ko tsaka ko sya nginitian. Inirapan nya lang ako, yung totoo lahat ba ng babae dito sa school namin masungit.

"Sya muna yung guitarist natin Jean wala kasi yung guitarist natin. Ngayon lang naman 'to okay lang naman sayo di ba?" sabi ni John sa kanya habang yung ibang kasama nya sa banda ay nakikinig at tumatango lang.

"Iyan ang magiging guitarist natin? Hindi, ayoko. Hindi na lang ako kakanta kung yan lang din naman ang magiging guitarist sa banda natin" matigas na sabi ni Jean.

"John okay lang wag mo ng pilitin yung tao kung ayaw" sabi ko na lang kay John para wala ng maraming sinasabi yung babaeng masungit.

"Antayin ka na lang namin ni Nel na matapos yung practice nyo" sabi ko pa sa kaibigan ko sabay ngiti, pilit na ngiti lang ang sagot nya sa akin tapos ay nagpeace sign sya. Alam ko na ang ibig sabihin nun, nagsosorry sya sa akin.

Naupo na kami ni Nel sa upuan habang nagsimula naman ng magpractice sila John. Pero itong si Jean naman parang hindi makapagconcentrate sa pagkanta nya hindi ko alam kung bakit.

"Guys ano ba yan out of tune kayo. Tapos ikaw Jean ano bang problema mo bakit parang wala ka sa sarili, may sakit ka ba?" tanong ni Mico sa kanya.

"Sya kasi!" turo sa akin ni Jean, bumuntong hininga muna sya bago nya itinuloy ang sasabihin nya. "Ano?!" medyo inis na sabi ni Mico. "Bakit ba kasi nandito yan? Hindi naman yan kailangan dito pampagulo lang sya hindi ako makapagconcentrate sa pagkanta ko" inis na sabi ni Jean habang nakatingin ng masama sa akin.

"Jean ano bang problema mo?!" inis na sabi rin ni Mico sa kanya.

Tumayo na ako tapos ay kinuha ko ang gamit ko na nakalapag lang sa upuan tapos ay umalis na ako ng walang sinasabi sa kanila.

"Tonette!" tawag sa akin ni Nel pero hindi ko sya pinansin, dire-diretso lang ako sa aking paglalakad.

Isinuot ko sa tenga ko ang aking earphone tapos ay nagpatugtog na lang ako. Pamparelax, ayokong istress ang sarili ko sa masungit na babae na yun. Sayang lang yung energy ko kung makikipagtalo pa ako sa kanya.

Ang Suplada kong Classmate (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon