Megan's POV
Nahihirapan man ako sa sitwasyon namin ni Tonette wala akong magagawa, kesa naman magka-ilangan kaming dalawa. Hindi ko rin sya masisi kung mas pinili nya yung pagiging magkaibigan namin kesa maging magkarelasyon kami.
Siguro nga doon kami mas tatagal, siguro nga talagang hanggang doon na lang yung kaya nyang ibigay sa akin. Kahit na mas higit pa sa pagkakaibigan yung kaya kong ibigay sa kanya.
"Megan?" tawag sa akin ni Tonette. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin.
"Tonette, ganito ba talaga?" tanong ko sa kanya. Napakunot noo naman sya.
"Anong ganito ba talaga, Megan?" tanong nya sa akin.
"Ganito ba talaga tayo, na magkaibigan lang? Sapat na ba sayo yung maging magkaibigan lang. Hindi mo ba kayang i-risk yung pagiging magkaibigan natin para sa isang relationship? Duwag ka ba o ano? Kasi ako hindi ako duwag, Tonette." naiiyak kong sabi kay Tonette.
Yumakap sya sa akin pero tinutulak ko sya palayo sa akin. Pero yumakap pa rin sya sa akin, kaya naman napasubsob ako sa kanya, habang umiiyak.
"A..no magsalita ka!" inis kong sabi kay Tonette habang hinahampas ko sya. Nakakainis sya. Nasasaktan ako, oo. Nasasaktan ako na hanggang magkaibigan lang kami.
Bakit kasi binibigyan nya ako ng special treatment, tapos kapag nafall ako, hindi naman pala nya ako sasaluhin. Nakakainis sya. Nakakainis sya kasi mahal na mahal ko sya.
Naramdaman ko yung pagdampi ng labi nya sa noo ko. Hinalikan nya ako. Parang napawi tuloy yung sakit at inis ko sa kanya.
"Kung sa tingin mo mawawala yung inis ko sayo nang dahil sa halik mo, hindi ano." inis kong sabi sa kanya. Hindi naman sya sumagot sa akin.
Naramdaman ko na lang yung pagyakap nya sa akin ng mahigpit at yung muling paghalik nya sa akin. I felt safe in her arms.
Hindi ko alam pero lumalambot yung puso ko kapag ganito sya sa akin.
"Megan, I know I'm giving you a hard time. And I'm so sorry for that." malungkot yung boses ni Tonette.
"Hindi ko gustong umiyak ka, hindi ko gustong malungkot ka. Oo alam ko, iba yung way ng pagtrato ko sayo kesa sa mga kaibigan ko. Alam ko rin sa sarili ko na you're really special to my heart. Look.. I.. I don't know what to say or what to do. But I just want to stay things that way. And I'm sorry, Megan." paliwanag ni Tonette sa akin habang nakayakap sya sa akin.
"Hindi sa duwag ako, hindi sa pinapaasa kita. Its just that, you're my special someone, okay. May...maybe you're not my girlfriend but you're very special to my heart. Siguro kaibigan lang kita pero tinuturing kita ng higit pa dun. I know hindi mo maintindihan, ang hirap din i-explain ng nararamdaman ko. Ako nga rin hindi ko maintindihan sarili ko." dagdag pang paliwanag ni Tonette sa akin.
"So basically we're more friends but less than lovers?" tanong ko sa kanya.
"I don't know exactly if that's the right word for that. You are my special someone." seryosong sabi ni Tonette sa akin.
Hindi ko naman alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi nya sa akin. I'm her special someone? Lahat ba ng tao may special someone? I'm not exactly sure, though. But I'm happy to hear that. Masaya ako dahil espesyal ako sa buhay ni Tonette.
Hindi man naging kami, alam kong bahagi ako ng malaking parte sa puso at buhay nya. Siguro mas dapat akong matuwa na ako yung taong espesyal sa buhay nya. Kasi kahit na magkaibigan lang kami, ako pa rin yung nasa puso nya. Siguro ganun yung ibig sabihin ng espesyal ka sa isang tao. Hindi kayo, pero ikaw yung nilalaman ng puso nya. Magkaibigan lang kayo, pero minamahal ka nya ng higit pa sa pagkakaibigan.
Siguro may ibat-ibang kahulugan sa tao ang salitang espesyal, pero para sa akin, at kay Tonette. Alam namin na ang ibig sabihin ng espesyal ay, ang laman ng puso namin ay ang isat-isa.
***
Tonette's POV
Si Megan, hindi man naging kami. Alam ko sa puso ko na sya lang ang laman nito. She's really special to me in a way na mas uunahin ko sya sa lahat ng bagay. Sya kasi yung babaeng hindi ko inakala na magiging malaking parte ng buhay ko. Hindi ko kasi inisip ni minsan na magiging parte sya ng buhay ko o magiging magkaibigan kami. Akala ko simpleng magkaklase lang kami, na kakilala ko lang sya sa loob ng klase. Hindi ko naman inakala na mas makikilala ko pa pala sya. Hindi ko akalain na habang mas nakikilala ko sya, mas nagiging special din sya sa puso ko. Na mas lumalaki yung parte nya sa puso ko. Na nagiging parte na pala sya ng buhay ko.
Ang taong pinaka-special sa buhay ko na, nakapagpabago ng takbo ng mundo ko. Na minsan sa buhay, kailangan ko pala ng taong special sa buhay ko, na makakapagbigay ng ngiti sa labi ko, na makakabuo ng araw ko, na makakapagpasaya sa akin sa mga oras o araw na malungkot ako. Taong laging nandyan para sa akin, para alalayan ako. At sya yun, si Megan. Ang suplada kong classmate.
***
The End. Hahaha
A/N: thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Ang Suplada kong Classmate (gxg)
RomantikSuplada ka man sa akin magiging akin ka rin.