Chapter 24

1.6K 50 4
                                    

Tonette's POV

"So ano ng nangyari sayo bakit nakabusangot ka dyan?" tanong sa akin ni John. Paano ba naman kasing hindi ako mababadtrip. Si Megan, galit na galit sa akin dahil kila Raquel ako natulog. Akala ko naman okay na tapos nang pagpunta ko sa kanya nang umaga. Para akong kumakausap ng hangin. Ano bang problema nang babaeng iyon. Pabago-bago ng mood.

"Bakit kasi hindi mo pumuntahan si Megan at kausapin ng maayos." sabi ni John sa akin. Bakit pa? Ni hindi nga ako magawang tingnan, kausapin pa kaya.

"Alam mo Tonette, masyado kang mapride. Ikaw naman talaga may kasalanan bakit sya nagseselos tapos di mo man lang sya suyuin." dagdag naman ni Nel.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Okay okay, kasalanan ko na. Pupuntahan ko na si Megan kahit na hindi nya ako pansinin.

Nasa tapat na ako ng unit ni Megan, hindi na ako kumatok dahil alam ko namang hindi nakalock yung pintuan dahil ako yung huling lumabas. Pagpasok ko biglang akong nagulat sa nakita ko. Si Megan.. nakapanty lang at bra. Kakatapos nya lang sigurong maligo. What the hell. Agad kong isinara yung pinto. Dahil baka may ibang tao na makakita sa kanya.

"Aray!" sabi ko nang may bagay na tumama sa ulo ko. Binato nya ako ng suklay nya.

"Bastos ka talaga! Ano sa tingin mong ginagawa mo?! Hindi ka ba marunong kumatok?" inis na inis na sabi ni Megan habang nagtakip ulit ng twalya.

Hindi naman ako makasagot sa kanya.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan? Tumalikod ka kaya para makapagbihis na ako."

Pero imbis na tumalikod, lumapit ako papunta sa kanya. Napaatras naman sya.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Megan sa akin.

Naglakad pa rin ako palapit sa kanya, kaya naman binabato na nya lahat ng madampot nyang bagay na malapit sa kanya. Iniiwasan ko naman iyon o kaya ay sinasangga. Nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko sya. Alam kong nagulat sya sa ginawa ko.

Hinahampas nya yung likod ko para makawala sya sa yakap ko. Pero mas lalo ko lang hinigpitan yung yakap ko sa kanya.

"Manyak! Ano sa tingin mong ginagawa mo sa akin. Lumayo ka nga sa akin." angal ni Megan.

"No, hanggat hindi tayo nagkakaayos. Hindi kita papakawalan." sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga naman ito.

"Okay. What do you want?" tila no choice na sya. Kaya nagtanong na sya sa akin.

"You." sagot ko sa kanya.

"What do you mean me?! You freaking pervert. Stay away from me!" sabi na naman nya sa akin. Hindi ko alam kung naririnig ba ng mga kapitbahay yung salita nya dahil halos mabingi na ako. Baka akalain ng ibang tao, nirerape ko sya. Wag naman sana.

"Tumahimik ka muna pwede?" sabi ko sa kanya. Kaya naman tumahimik sya.

"Ang ibig kong sabihin sa salitang you ay ikaw mismo. I want you Megan to be my girlfriend. I know I'm giving you a hard time because I can't express my own feelings for you. Hindi ko masabi sayo kasi natatakot ako. Megan will you be my girlfriend?"

Sandaling katahimikan ang bumalot sa buong paligid.

"No Tonette." sabi ni Megan.

***

Isang linggo nang nakalipas simula noong nireject ako ni Megan. Isang linggo ko na rin syang hindi nakakausap at nakikita. Simula kasi nang nireject ako ni Megan, hindi na ako pumasok. Grabe naman, hindi naman ako masyadong affected no?

Ang Suplada kong Classmate (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon