Chapter 4

4.4K 101 4
                                    

A/N: Sorry medyo natagalan yung update ko :)

----------

Tonette's POV

Kasama ko si John ngayon, nag-aya kasi syang magdota kami. Well broken hearted kasi sya. Nakipagbreak sa kanya yung girlfriend nya, ako pa yung nanghihinayang kasi 3 years sila tapos ganun lang kadaling itapon yung relationship para sa girl? Kawawa naman ng bestfriend ko.

3-0 kami sa dota. Tatlong panalo walang talo. Pagkatapos naming maglaro dumiretso na kami sa classroom dahil may class na kami. Dahil late naman si Ma'am palagi nagkukwentuhan lang kami.

Dumating yung kaklase kong hindi ko alam ang pangalan. May dala syang gitara. Ako naman dahil friendly whatsoever kinausap ko sya.

" Ui marunong ka palang maggitara? " sabi ko sa kaklase kong lalaki.

" ay hindi haha " sabi naman nya. Nagtawanan lang kami. Tas nagkwentuhan about sa paggigitara.

Nang dumating na yung Prof namin ay may pinasagutan sya sa amin. Dalawang meetings kasi sya absent kaya nagbabawi sya. Puro quizzes at activities ang pinapagawa.

Habang nagsasagot kami kinausap ako nang kaklase kong marunong maggitara.

" Nagalit sa akin girlfriend ko " sabi nya sakin.

" Oh bakit naman sya nagalit? " sagot ko naman sa kanya habang nagsusulat.

" Eh pano sinabihan ko sya ng pabebe ayun nagalit. " sagot naman nya.

" Hahaha baliw ka pala. Bakit naman kasi sinabihan mo ng pabebe? Magagalit talaga yun " sagot ko naman habang natatawa.

" Basahin mo yung text nya galit talaga " sabi sakin ng kaklase ko.

Ako naman binasa ko yung text ng girlfriend nya.

Nagaalala ka? Di ba nga pabebe ako.

Yun ang sabi ng girlfriend nya sa text naiiling na lang ako habang tumatawa. Nakisali naman yung isang kaklase ko sa usapan namin.

" woohh walang forever " sabi nya habang natatawa.

" bitter mo baliw. Ano sinagot ka na ba ng crush mo? " tanong ko naman sa kanya.

Lagi nya kasing nakukwento sakin yung crush nya na may kakambal pero yung kakambal ng crush nya yung kaclose nya.

" Hindi pa naman ako nanliligaw " sagot nya sakin habang nakangiti.

Hindi ko naman namalayan na tapos na pala yung klase namin. Si Ma'am na palaging maagang magdismiss ng klase. Late papasok tapos aalis ng room habang may pinapasagutan samin tas babalik 15 minutes before time. Tapos ipapapasa na yung ipagawa sa amin tapos aalis na agad kahit di pa kami tapos. Laging nagmamadaling umuwi. Ewan ko ba sa kanya.

Si John naman ang lagi kong kasabay umuwi. Pero hindi pa kami uuwi dahil pupuntahan pa namin si Nel dahil naglalaro pa ng Elsword sa computer shop.

Okay kami nang gamers. Pero quit dota na daw kami kasi nakakasira sa kinabukasan namin. Pero di pa rin namin matigilan ang pagdodota haha.

Pagkatapos ni Nel maglaro kumain na kaming tatlo dahil gutom na rin kami. Tapos umuwi na kami ng apartment.

Time check 12:00 am na. Hindi pa rin ako makatulog. Kaya naman lumabas ako ng apartment at bumili ng ice cream sa 7eleven. Kapag bored, badtrip, tired lagi akong kumakain ng ice cream. Wala lang nasanay na siguro akong ganito ako.

---------

Ang aga kong pumasok akala ko late na ko, wala naman pala yung Prof ko kainis. Mag-aantay pa ko ng next class ko. Kasama ko si John ngayon nasa library kaming dalawa. Mas gusto pa naming tumambay dito dahil naka air-condition hindi mainit. Okay lang naman kahit nakatambay ka dito. Yung iba nga natutulog pa.

Kaklase ko pala si Megan sungit sa next class ko. Hay nako naisip ko na naman yung babae na yun. Parang ewan yun wala naman akong ginagawa sinusungitan ako. Parang laging may red alert.

Time na kaya naman pumunta na kami sa next class namin. As usual katabi ko si Megan. Si Megan na walang magawa sa buhay nya kundi sungitan ako.

Habang nagkaklase kami lumilipad na naman yung utak ko. In short nagdeday dreaming na naman ako.Kung ano ano na ang isinusulat ko sa notebook ko.

Roses are red.
Violets are blue.
Sugar is sweet, but nothing compared to you.

" Hoy! ano na naman yang ginagawa mo?! " Sabi ni John sa akin, tsaka nya ako tiningnan ng nakaloko. Sinungitan ko lang sya. Di na nya ako pinansin okay lang naman sa kanya yun sanay na syang lagi ko syang sinusungitan.

Next class kaklase ko na si Megan, hay bakit ba sya nasa isip ko. Yung babaeng walang alam sa buhay kundi sungitan ako. Maaga akong pumunta sa next subject ko dahil kokopya pa ako ng assignment, okay alam nyo ng lahat na tamad akong gumawa ng assignment.

3, 4, ......5.............30 minutes wala pa rin si Megan ano na kayang nangyari sa baliw na yun? Hanggang sa natapos yung klase wala pa rin si Megan hindi tlaga sya pumasok.

Si John at Nel naman ay andun na naman sa computer shop at nagdodota. Ako naman dahil tinatamad akong maglaro ay umuwi na lang ako sa apartment. Pagdating ako sa apartment ay tinanong ko yung guard namin kung nasa loob ba ng apartment si Megan. Oo daw, hindi naman daw nya nakitang umalis si Megan.

Pumunta ako sa labas ng room ni Megan, nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ako o hindi. Bakit ba ako nandito? Ano bang gagawin ko dito? Gusto ko lang naman malaman kung okay lang sya o hindi. Oo tama kakamustahin ko lang sya kung okay ba sya o hindi.

Palakad lakad ako dito sa labas ng room nya di alam ang gagawin kung kakatok ba ako o hindi. At dahil di ko alam gagawin ko aali na lang ako. Paalis na ako ng may narinig akong parang nabasag sa loob ng room ni Megan kaya naman dali dali akong nagmdali pabalik kumatok.Ang tagal nyang buksan yung pinto kaya kinatok ko ng kinatok.

"Ano bang nangyari sayo?! Okay ka lang ba? Bakit di ka pumasok? May sakit ka ba hah? " sunod sunod kong tanong sa kanya.

Di naman maipinta yung mukha nya, parang naiiyak na naiinis na naguguluhan sa nangyayari. Tapos bigla syang sumimangot at ang sama ng tingin nya sa akin, parang mananaksak na ewan.

Lumalapit sya sa akin habang ako naman paatras nang paatras, napalunok na lang ako ng laway ko. Hindi ko alam bakit pinagpapawisan ako, siguro mainit lang dito sa room ni Megan kaya ganito. Hinawakan nya ko sa mg braso ko habang nakatitig pa rin sya ng masama sa akin. Tapos bigla na lang sya nahimatay. 

Buti na lang nasalo ko sya bago pa sya tuluyang bumagsak sa sahig. Inalalayan ko sya papunta sa kama nya. Inaapoy pala sya ng lagnat. Tinext ko si John sabi ko bumili sya ng lugaw o noodles pagkatapos nilang magdota at dalin dito sa room ni  Megan para makakakain sya, para kasing wala pa syang kinakain buong araw. 

Pinunasan ko muna ng basang towel ang braso at binti nya para maginhawahan pakiramdam nya. Tapos nun ay nilagyan ko din ng towel ulo nya para mawala sakit ng ulo nya. Nanghihina sya, wala pa itong kinakain sabi ko sa isip ko.

Nang dumating na sila John dala ang pagkain ni Megan ay inalalayan ko si sya para makaupo dahil susubuan ko sya para makakakain na sya. Umalis na rin agad sila John halata naman kasi sa istura ni Megan na hindi talaga maayos ang pakiramdam nya. 

Matapos ko syang pakainin at painumin ng gamot ay nagstay muna ako dito sa tabi nya. Ayoko syang iwan hanggat hindi sya okay. Inaalagan ko sya magdamag, pinalitan ko din damit nya dahil nagsuka sya. Mukha na syang lantang gulay pero ang ganda pa din nya. Hay naku! Ano na naman ba itong iniisip ko? 

-----------------------------------------------------------------

A/N: Sorry na guys matagalan ud ko hahah nabh ako ei XD anyways comment and vote na lang po kung nagustuhan nyo. Salamat :)

Ang Suplada kong Classmate (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon