Chapter 18

2.4K 72 6
                                    

Tonette's POV

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing ngumingiti si Megan pati ako napapangiti rin. Ayos lang sa akin na masungit sya huwag ko lang makitang malungot sya. Hindi ko rin maipaliwag kung bakit, pero kapag hindi ko sya kasama ang bilis ko syang mamiss.

"At tinamaan na ang puso mo kaya boom, baliw na baliw ka sa kanya." Komento ni John na nasa tabi ko habang nagla-laptop. Napatingin naman ako sa kanya, nakangiti ito sa akin.

"Anong pinagsasasabi mo dyan?" Patay malisya kong sabi sa kanya.

"Tulala, check! Hawak lagi ang cellphone, check! Nakatitig sa picture ng babaeng kinahuhumalingan nya, check! At higit sa lahat, nakangiti ng walang dahilan. Isang malaking check!" Sabi nito sa akin at nagpatuloy sa pagla-laptop nya.

"Okay...so anong ibig sabihin noon?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"In love ka!" Sabay na sabi ni John at Nel sa akin.
"Ako in love? Kanino?" Patanong ko pang sagot.

"Dyan sa babaeng nginingitian mo sa cellphone mo." Sabi naman ni Nel sa akin.

"Kay Megan?" Sagot ko kay Nel.

Napatahimik na lamang ako at nang napatingin ako sa babaeng nasa screen ng phone ko. Si Rachel McAdams ang babaeng tinutukoy nila?

"Hay naku, Tonette. Ewan namin sayo." Sabi naman sa akin ni John habang naiiling.

"Guys alis lang ako." Paalam ko sa kanila.

"Sure, go get your girl." Ngiting sagot ni Nel sa akin ang weird talaga nila ngayon. Habang ako naman ay walang magawa at hindi ko alam kung saan ako dadalin ng aking mga paa na patuloy sa paglalakad.

Pero ang totoo alam ko kung saan ako papunta kaya lang hindi ko alam kung tutuloy ba ako sa unit ni Megan o hindi. Namimiss ko na kasi sya, isa pa gusto ko syang makasama. Kaya naman kumatok ako sa pintuan ng unit nya.

Ilang minuto bago buksan ni Megan ang pinto sa unit nya. Nakangiti akong bumungad sa kanya pero nawala iyon nang may nakita akong lalaki sa unit nya. Sino naman kaya 'tong lalaking nasa unit ni Megan? Manliligaw kaya nya.

"Oh anong ginagawa mo dito, Tonette?" Masayang bati sa akin ni Megan. I think they are having a good time. Wrong timing ata ako nang pagpunta dito sa unit nya.

"Ah eh wala, akala ko kasi mag-isa ka. Sige mauuna na ko." Paalam ko sa kanya tapos ay umalis na ako. Pero bago ako tuluyang umalis ay nakita ko yung lalaking nasa loob ng unit ni Megan na ngumiti sa akin, kaya naman bahagya ko rin itong nginitian.

Nang makaalis ako ay bumalik ako sa unit namin nila John tapos ay nahiga ako sa kama.

"Anong nangyari sayo?" Tanong sa akin ni Nel pero hindi ko sya pinansin dahil wala ako sa mood na kumausap ng kahit na sino ngayon.

Hindi naman na rin ako kinulit ni Nel, alam kasi nila kung kelan ako wala sa mood. Hinayaan lang nila akong mahiga dito sa higaan habang sila abala sa pagla-laptop.

Sino kaya yung lalaking nakita ko na yun? Manliligaw kaya yun ni Megan o kapatid? Pero hindi naman sila magkamukha para maging magkapatid sila. Tsaka ang laki ng katawan ng lalaking yun, wala akong binatbat. Ako, payatot lang ako na akala mo hindi kumakain. Baka isang sapak lang nung lalaki na yun sa akin, bumulagta ako. Ganoon kayang lalaki yung tipo ni Megan. Teka bakit ko ba kinukumpara yung sarili ko sa lalaking yun.

"Hay!!!!" Inis kong sigaw habang ginugulo ko ang aking buhok. Nakakainis naman, akala ko pa naman kapag pumunta ako kay Megan makukumpleto ang araw ko pero ano eto ako ngayon, wala sa mood. Ano bang nangyayari sa akin?

Ang Suplada kong Classmate (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon