TWO

21 0 0
                                    

"Hoy bunso gumising ka na dyan! Tanghali na may pasok ka pa! Ang sarap-sarap pa ng hilata mo dyan! Bumangon ka na dyan at kumain ka na! Napakabagal mo pa naman kumilos sa banyo!

Nasa gitna ng pag-iintroduce sa sarili ko ng feeling ko may nag-iingay sa harapan ko.

Maituloy na nga ang pagpapakilala ko, gaya ng sinabi ko masipag ako mag-aral kaya naman palagi—

"HOY! BABANGON KA BA O DYAN NA KITA SA KAMA MO PALILIGUAN HA?!"

Ayan na naman yung istorbong---

"ISA!" ano ba naman yan!

"AHHHHHHHHH MAMA ANO BA?! BAKIT MO KO BINASA?!"

"E ayaw mo tumayo e! Hala, bumangon ka na at kumain kung ayaw mong isunod kong ibato sayo yung sabon at shampoo!"

"Oo na po, oo na po!"

Hindi ko pa naman tapos ipakilala ang sarili ko. Ipagmamayabang ko pa sana mga awards ko e! Mama talaga. And speaking of my very very sweet Mama, ayan ganyan sya every morning! Wala na syang ibang ginawa kundi talakan ako ng talakan na halos tumakbo na yung kapitbahay namin kasi akala nila nasusunugan na kami!

"JEANNA VII!!!!!!!!!!"

"Oo, ayan na po Mama!"

Juskopo! Pero mahal ko yan kahit ganyan yan.

Pagbaba ko ng kwarto, nakahanda na ang pagkain ko. Naabutan ko ng kumakain ang kuya at ate ko.

"Goodmorning Ate Lia! Kuya Dan!"

"Hi bunso... Maaga ka ata natapos maligo ngayon, may sakit ka ba?" Bati ni ate Lia na may halong pang-aasar, pero sobrang sweet ng kapatid ko na yan - at napaka-banal. Kaya kapag nasa harap nya ako, biglang lumalabas yung pakpak ko at natutunaw ng kusa ang mga sungay ko. Haha!

"Morning bunso" bati naman ni Kuya Dan. Tahimik sya palagi, pero alam ko love na love kami nyan.

Kami lang ang nasa bahay dahil si Papa stay-in sya sa work nya.

"Si mama kasi ate Lia pinaliguan ako sa kama!" Sumbong ko.

"Paano tanghali na ang sarap-sarap pa ng hilata mo dun, mukhang nanaginip pa!" Sabat naman ni mama.

"Ma naman e, kahit na! Mas maganda pang binatukan nyo ako e. Nabasa tuloy unan at kumot ko."

"Sus! Kung magreklamo akala mo sya naglalaba! Kumain ka na nga dyan ng makapasok ka na."

"Oo na po. Kuya Dan, sabay na ba kayo ni Ate Lia aalis papuntang work nyo?" Tanong ko.

"Yes." Tipid na sagot ng kuya ko. "Hindi po ba matraffic yung way nyo sa work?" Tanong ko ulit sa kuya ko. "No." Sabi sa inyo tahimik lang ito. Isa pa, "Hindi ka ba napapagod ihatid si Ate e out of way sya sa work mo?"..

"No." Sabi sa inyo e! Haha.

"Sige na bunso, alis na kami. Mag-ingat ka sa school. Txt mo kami kapag may kailangan ka ha? Wag masyado pasaway sa school. Mag-aral ng mabuti bunso, para rin yan sa future mo. Ok?" Speech ng ate ko bago lumabas ng pinto.

"Kuya! Ikaw wala ka bang speech?"

"Keep safe." OMG! Two words yun guys! MAGBUNYI!! HAHAHA!!!!

"OY bunso! Ano nanaman yang nasa isip mo?! Umayos ka nga! Sige na pumasok ka na. Ikaw ha—"

"Oooops! Ma nag-speech na si Ate. Madodoble-dead na yang sasabihin mo. Alis na po ako! Love you Ma!!!"

Bago pa man makasingit si Mama. Tumakbo na ako palabas ng bahay at dali-daling sumakay ng tricycle papuntang school. Mahirap na, baka mahabol pa ako ni Mama!

Hay! Panibagong linggo nanaman Jeanna!!!

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon