THIRTY SEVEN

4 0 0
                                    

Halos katatapos lang ng misa.

Buti nalang pala isinama ni Areeyah si Kiros kung hindi para siguro akong tanga ngayon.

Sobrang sweet pala ni Areeyah kay Zach.

Halos hindi na nga nya bitawan ng kamay si Zach e. Lagi pa syang nakahawak sa bewang nito. Akala mo naman ay aagawan ko sya.

Si Zach naman parang wala lang sa kanya. Nakahawak lang din talaga sya kay Areeyah. May time rin na nahuhuli ko syang nakatingin lang sa girlfriend nya. Yung tingin na inlove na inlove.

Samantalang ako lagi lang nasa likuran nila at si Kiros sa likod ko.

Sino ba kasi nakaisip ng lakad na to!

"Ok ka lang?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Zach pala. Nasa labas kami at hinihintay namin si Areeyah dahil naiwan pa sya sa loob. Mukhang may ipinagdadasal ata.

"Yeah." Tipid kong sabi. Nakasandal ako sa may kotse nya.

"Mukhang di ka masaya e."

"Mainit lang Zach kaya medyo tamad ako pero ok lang ako." Pagsisinungaling ko. Actually kanina ko pa talaga gusto umuwi. Nauumay na ako sa ka-sweetan nilang dalawa. Hindi na kinakaya ng mga mata ko.

At ng puso ko.

Lumapit sya sa akin at ipinulupot nya ang mga kamay sa bewang ko.

"What are you doing?"

Hindi sya nagsalita. Nakatingin lang sya sa akin. Iniwas ko ang mga mata ko at pilit na itinutulak sya.

"Alis. Makita tayo ni Areeyah."

"Sabi na e."

Anong pinagsasabi nanaman nito?

"Naiilang ka kay Areeyah. Sana talaga hindi ko na sya isinama sa lakad natin. Sorry na baby?"

Kumalas ako sa pagkakayakap nya. "Stop na nga! Andyan na si Areeyah. Wag mo nga ako tawaging baby."

"Huh? Bakit nanaman? May kasalanan nanaman ba ako sayo?"

"Anong nanyayari dito?" Si Areeyah. Nasa likuran naman nya si Kiros.

"Wala." Simpleng sagot ni Zach. Hindi na rin ako sumagot diretsong pumasok na ako sa kotse. Sa likuran kami ni Kiros nakaupo.

"Ok ka lang?" Tanong sa akin ni Kiros. Nakapasok na pala sya sa kotse habang yung dalawa naiwan sa labas at parang may pinag-uusapan.

"Yeah. Ang init lang kasi kaya medyo nagmamaldita ako." Nakangiting sabi ko.

"Ok lang yan. Mas ok nga sa akin yung nagmamaldita ka e."

Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Mas hot ka kapag ganun."

"Oh please! Kahit nakaupo at nakatunganga lang ako dito hot pa rin ako!" Na-miss ko ang ganitong conversation namin ni Kiros.

"Haha! I know. Kaya nga patay na patay ako sayo e. Kung wala ka nga lang boyfriend naku!"

Kung alam mo lang.

"Kamusta na pala yung tarantado mong boyfriend?" Tanong nya.

"Haha! Hindi na sya tarantado ngayon so wag mo na syang tatawagin ganun."

"Uy! Mukhang bati na nga kayo?! Sayang! Hahaha."

Tinampal ko naman sya sa braso.

"Baliw ka talaga e no?"

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon