Pagkabalik ng Manila ang daming trabaho! Since dalawa kami ni Ash ang nawala for three days ang dami namin tuloy hahabuling mga reports pero ok lang kasi nag-enjoy naman kami sa Palawan.
"Kaya mo pa ba Miss? Ituloy nalang natin to bukas?" Tanong ni Ash. Tumingin ako sa orasan at 8pm na pala.
"Oh my! Sorry Ash di ko namalayan ang oras. Gusto mo ng umuwi? Mauna ka na. Tatapusin ko nalang to at uuwi na rin after."
Umiling si Ash. "8pm na rin naman na so sabay na ako sayo Miss."
Tinignan ko si Ash na nakangiti lang sa akin. "Bakit di ka pa mag-boyfriend para makita naman kita nagmamadali umuwi kasi naghihintay sa baba ang boyfriend mo or yung naiinis ka na sa akin kasi pinag-overtime kita kaya hindi natuloy date nyo ng boyfriend mo?"
Natawa naman sya. Tumayo sya at lumabas ng office saglit. Pagbalik nya may dala na syang dalawang tasa ng kape.
"Kape ka nalang Miss. Kung anu-ano na pumapasok sa isip nyo e."
"No. Seryoso ako Ash. Mag-boyfriend ka na!" Paggigiit ko.
"Drop it Miss! Hindi ko pa kailangan yan ngayon. I don't need any destructions right now."
Kumunot naman ang noo ko. "Destruction agad? Di ba pwedeng inspiration naman?"
Umiling sya. "Dun din punta nun Miss." Binato ko sya ng lapis nakaiwas naman sya. "Ewan ko sayo. Ang bitter mo!" At nagtawanan kami.
Simula nung naging open ako kay Ash mas naging close pa kami. Hindi ko naman talaga tinuring na empleyado lang si Ash e, kaibigan sya sa akin. At sya ang mas nakakakilala sa akin ngayon at masaya ako na alam ko na may nakakaintindi sa akin kahit paano.
"You know what Miss, never rin naman kita nakita na nagmadali sa hapon para umuwi ng maaga para kay Rain."
"Ussually naman kasi kahit late na ako umuwi, mas late pa syang umuwi sa akin."
Tumango-tango naman sya. "Ang hirap kapag ang fiancee mo CEO no?"
Binalewala ko nalang ang sinabi ni Ash at tinuloy ko na ng pagbabasa ng mga reports.
"How is he?" Biglang tanong ni Ash.
"Rain ba?" Tanong ko at tumango naman sya. "Tumawag sya kanina at it seems like malapit na ang pag-uwi nya."
"So malapit na rin ba ang kasalan?"
"Oo at kukunin kitang flower girl!" Nagtawanan naman kami.
Seriously, hindi ko alam ang mararamdaman ko sa pag-uwi ni Rain. Natatakot kasi ako sa pwedeng maging consequences ng mga pipiliin kong decisions.
Natatakot ako na mali naman pala ang alam kong tama.
Pero nakapagdecision na ako. Si Rain ang dapat pinapahalagahan ko. Mahal ko si Rain in the first place so wala naman magiging problema.
"What are you thinking Miss?"
"Marami Ash. Ang dami-dami."
"What if's and but's?"
Napatanga ako sa sinabi nya.
"Kung saan ka masaya Miss."
"No Ash. Kung saan maaayos ang lahat, dun ako." Sabi ko.
"Maayos nga, di ka naman masaya. Worth it ba lahat ng pagsa-sacrifice mo?" Huminga ako ng malalim.
"Soon kapag nagmahal ka, maiintindihan mo rin Ash."
"Yun na nga Miss e, sa nakikita ko sayo, parang ayoko mainlove na!"