"Wait! I'll upload it na!"
"Sinave ko na. Let's go?"
"Wait, one more!" Hirit ko.
Nasa beach pa rin kami at nakakababad habang tirik na tirik yung araw.
Actually kami nalang ni Zach yung nandito kasi umahon na yung iba masyado na raw mataas ang araw.
Pero ako? Wala ineenjoy ko lang talaga ang araw at tubig. Ang hyper ko lang talaga siguro ngayon.
"Tara na baby. Ang init na oh?"
Lumapit ako sa kanya. "Look ang daming pictures!" Sabay pakita sa kanya yung phone ko. Ngumiti naman sya at ipinatong ang kamay sa ulo ko.
"Later baby, tara muna sa lilim at namumula na balat mo oh."
Tinignan ko at tama nga sya! Hindi ko na napansin siguro dahil sobrang nag-enjoy ako sa pag-take ng pictures.
Papunta na kami sa may cottage namin ng hindi ko pa rin talaga mapigilan kumuha ng pictures.
"Zach! One last. Come!" Lumapit naman sya at ngumiti kasama ko sa harap ng camera.
"Ayan! Perfect!" Iuupload ko to.
"Snapping?" Tumango ako. "Ano caption mo?" Ano nga kaya? Hmmm.
"BEST PROTECTOR EVER!"
"Let's go na, gutom ka na nga." Natawa naman ako sa sinabi nya. Hinalikan ko sya sa pisngi. "That's true." Sabi ko.
"Ano gusto mo kainin?"
Busy ako sa kakatingin ng mga pictures ko kaya wala ako pakialam sa mga tao sa paligid ko.
"Jeanna? I'm asking you."
Nang hindi ko pa rin sya pinapansin hinablot nya yung phone mula sa pagkakahawak ko.
"Zach! Give me back my phone!"
"Not until you eat." Matigas na sabi nya. May magagawa pa ba ako?
Kinain ko nalang yung inihanda nya sa akin habang nasa tabi ko sya at binabantayan ang bawat subo ko. Napaka talaga neto! Hindi ko sya pinapansin.
Inopen nya phone ko. Hindi ko pa rin sya pinapansin kaya nung kumuha sya ng picture namin hindi ako nakatingin. Bahala sya sa buhay nya!
"Ano kaya magandang caption dito?"
Wala ako naririnig! Bahala sya.
"Spoiled brat."
ANONG SABI NYA?!
"Sinong spoiled brat?!" Asik ko sa kanya.
"Finally! Pinansin din ako."
"Ewan ko sayo. Pangit ka!"
"Mahal mo naman. Di ba baby?"
Muntik ko ng maibuga yung kinakain ko!
"Wait! Dahan-dahan kasi Jeanna! Ano ba ginagawa mo?!" Tumayo sya at saglit na kumuha ng tubig.
"Inom ka muna dali."
"T—thank you." Halos maubo kong sabi. Grabe! Parang mamamatay na ako kanina ah!
"Dahan-dahan kasi baby."
"Oo na, oo na."
Kasalanan mo rin kaya! Kung anu-ano sinasabi mo! Ewan ko sayo.