THIRTY THREE

12 0 0
                                    

"Stay with me Zach."

Yun ang huli kong sinabi sa kanya at heto kami ngayon naglalakad papunta sa room ko.

Sasabihin ko ba sa kanya ang nararamdaman ko?

Hindi na muna siguro. Baka magulat to at iwan nanaman ako ulit. AYOKO.

"Ano iniiling-iling mo dyan?"

Napatingin ako sa katabi ko na nakatingin din pala.

"Anong sinasabi mo?" Patay malisya kong tanong sa kanya.

"Wala. Ang weird mo sabi ko!"





Nasa labas na kami ng pinto ng biglang magsalita si Zach.

"Ok lang sa akin to pero are you sure dito mo ako patutulugin?"

"Yeah." Yumakap ako sa kanya ng mahigpit. "Namiss kita ng sobra e. Please stay with me.."

"Matatanggihan ko ba ang reyna ko?"

Umiling ako at natawa naman sya.. "I love you baby.." Humarap ako sa kanya at hinalikan ang pisngi nya.

"I love you too."

"Lets go inside then, baka magkasakit ka. Kailangan mo ng mag-shower at magbihis."

Kinuha nya ang susi at sya na nagbukas ng pinto para sa amin. At pagkatapos ay agad din nya isinara ang pinto at naupo sya sa couch.

"I'll take shower lang, sunod ka sa akin after ko ok?" Sabi ko.

"Baby?" Hindi ko na sya nilingon dahil busy ako naglalabas ng isusuot ko sa maleta ko. "Baby?" Tawag nya ulit.

Nang hindi ko pa sya nilingon lumapit na sya sa akin at niyakap at mula sa likod. "Hmmm?" Kagat ko kasi yung toothbrush ko.

Naramdaman ko naman ang mumunti nyang halik sa balikat ko at pati sa leeg. Halos mangilabot ako sa ginagawa nya. Saglit ko bintawan ang toothbrush ko.

"Zach.. What are you do—ing hey stop!" Bigla ba naman nya kinagat yung balikat ko!

"Hmmm! Sarap baby..." Inamoy-amoy nanaman nya ang leeg ko. Mas isiniksik pa nya lalo sa leeg ko yung mukha nya!

"Stop na.. nakikiliti ako."

"Shower na ako. Wait for me here."

Tinatanggal ko ang pagkakayakap nya sa akin pero mas hinigpitan nya. "Sabay na tayo? Nilalamig na ako."

Kinurot ko nga sya! "Araaa—y! Baby naman e! Ang sakit nun ahhh!" Himas nya sa braso nya. Buti nga sayo.

"Manyak ka kasi!" Natatawang sabi ko. "Gwapo ako." Sagot naman nya.

"Ewan ko sayo! Dyan ka na maliligo lang ako saglit. Bitaw na?!"

Ayaw pa rin nya talaga bumitaw sa pagkakayakap sa akin. "Small baby?"

Halos mamula ang buong katawan ko sa sinabi nya. Nakatingin sya sa hawak kong bra! HOLY POTATOES!

"Flat chested kasi."

"Anong sabi mo?!" Humarap ako sakanya at nakita ko kung paano sya tumawa ng malakas. Binato ko sa kanya yung bra ko at sapul naman sa mukha nya!

"Hmmm.. smells good baby!"

Hinablot ko sa kanya ang bra ko na inaamoy-amoy nya! "PERVERT!" Sigaw ko at pumasok na ako sa banyo. "Joke lang baby!" Sigaw nya. Bahala sya sa buhay nya!





Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon