"Sigurado ka na ba talaga anak?"
Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga dadalhin kong gamit habang si mama nakabantay lang sa gilid ko pati na rin si ate na nakamasid lang sa akin.
"Yes Ma. Nakapag-decision na ako."
"Paano ang trabaho mo?"
Tumingin ako kay ate at ngumiti. "Si Ash, ate. She'll take over everything. Mapagkakatiwalaan naman natin si Ash ate e. Kaya nya yan. Kakausapin ko nalang sya mamaya."
"Anak—"
"Ma." Di ko na pinatapos si Mama. Magdra-drama lang yan e.
"Ginusto ko to at gagawin ko to. Matagal ko pinag-isipan to Ma at ito talaga ang kailangan ko."
"Mag-iingat ka dun Jeanna."
"Oo naman ate. Saka isang taon lang ako mawawala sa inyo. Pagkatapos nun ipapaalam ko rin sainyo kung saan ako nakalugar. Kailangan ko lang talaga mapag-isa ate. Ma kailangan ko to. Ibigay mo muna sa akin to?"
Nakapag-decision ako na lumayo muna. Hindi ko sinabi sa kanila ang pagbubuntis ko. Gusto ko muna ilihim sa kanila. Hindi dahil nahihiya ako or what pero gusto ko kapag nalaman nila maayos na ako. May maibibigay na akong matinong sagot sa lahat ng tanong nila.
"Natatakot ako para sayo anak."
"Huwag Ma. Kaya ko na po. Pangako ko na iingatan ko sarili ko. Hindi ko naman kayo bibigyan ng sama ng loob. Ma magiging ok rin ako."
Bumuntong-hininga si Mama bago magsalita. "Hindi ko maintindihan hanggang ngayon ang paglayo mo pero alam ko naman na alam mo na ang ginagawa mo. Pero anak, kapag di mo na kaya, uwi ka na ha? Alam mo naman na kahit anong mangyari pamilya mo kami. Sasaluhin ka namin."
Lumapit ako kay mama. "Halika nga kayo dito!" Aya ko sa kanilang dalawa at niyakap ako.
"Ang bait lang talaga ng Dyos sa akin kasi ibinigay kayo sa akin bilang pamilya ko. Syempre alam ko na andyan kayo parati para sa akin. Pero hayaan nyo muna ako mag-grow Ma."
"Basta umuwi ka kapag ok ka na."
"Oo ate. Salamat."
Hinalikan ko sa pisngi si Mama.
"I love you Mama."
Pasimple naman na pinunasan ni Mama ang luha nya kaya natawa naman kami ni ate. Haha!
"Late na ata ako ah?"
Si kuya. Kagabi lang namin sya tinawag at sinabi ang pag-alis ko. Nung una ayaw nya. Ang labo raw ng trip ko. Di nga raw sya uuwi dahil baka pinagtritripan ko lang sya. Pero nung sinabi ko na bahala sya at aalis ako ng kahit di nagpapaalam sa kanya ay agad naman sya nagpa-book ng flight pauwi. Mahal talaga nila ako.
"Hi kuya! I miss you." Sabay lapit sa kanya. Inakbayan naman nya ako.
"Miss your face." Siniko ko nga!
"Aray! Come. Usap muna tayo."
Heto nanaman po tayo. Tinignan ko sya ng masama.
"Susunod ka o ikakadena kita ng di matuloy yang great escapade mo?"
Waaaah! "Eto na o! Kuya naman e."
Natatawa naman sya habang inakbayan ako ulit at sabay pumunta sa library.
Pagkasara ng pinto agad sya nagsalita.
"Spill."
"Spill what?" Balik tanong ko.