THREE

14 0 0
                                    

"Manong bayad ko! Keep the change na po para po sa paghahatid nyo sa akin ng matiwasay!" Ako.

"Haha! Maloko ka talagang bata ka. Sakto lang ang binigay mo sa akin. Ano ang i-ke-keep ko dito?"

"Huh?! Manong, tignan nyo yang inabot ko sa inyo. May kasama kaya yang pagmamahal. Minsan lang ako magbigay nyan, sa piling tao pa. Dapat nga magpasalamat kayo at nabigyan ko kayo e!"

"Ikaw talagang bata ka, o sya sige salamat sa bayad mo at sa pagmamahal!"

"Walang anuman Manong!"

Sabi nila, don't talk to strangers. Pwes, ibahin nyo ako. Lahat na ata kinakausap ko. Haha! Bakit ba? E masaya makipagdaldalan e. Try nyo.

Makapasok na nga!





Pagpasok ko ng school namin, "GOOD MORNING MISS JEANNA!" "MAGANDANG UMAGA MISS JEANNA!". Syempre imahinasyon ko lang yan! Haha. Ano ako, katulad ng mga kwento sa Wattpad na pinagkakaguluhan sa campus? Papicture? Pa-autograph? Di yun uso dito pare! Haha.

Lakad. Lakad. Lakad.

Yan nasa classroom na ako! Yey! Haha. Pagpasok ko, as ussual, ganun pa rin. Classmate ko pa rin nadatnan ko. Ano pa nga ba? Haha! Anyways, nasa first year highschool pa lang ako at nasa kalagitnaan palang kami ng school year.

So far, ok naman ang high school. Mas naging seryoso lang ng kunti pero enjoy pa rin.

Dahil madaldal ako marami akong kaibigan. Pero guess what, halos lahat boys. Hindi ako malandi ah?! Pero isa lang kasi ang napansin ko sa school na to, napaka-aarte ng mga babae dito. Akala mo mga artistang may shooting o guesting na pupuntahan sa kapal ng make-up. Oo, nasa highschool palang kami nyan ah. Di naman yun pinagbabawal basta naka-uniform pa rin na papasok. Pero yun nga, mas gusto ko kasama ang lalaki kasi di naman ako mahilig sa make-up make-up na yan. Pulbos lang ok na ako e.

"Hi Jeanna!" Bati ni Joanne, isa sa mga classmate ko na may kaartehan sa katawan pero di naman yung sobrang arte kaya ok sya sa akin.

"Hi Joanne, ganda mo ah!" Bati ko kahit mukha na syang espasol sa kapal ng foundation sa mukha nya.

"Naku, di naman! Ikaw kaya. Naka-face powder ka lang, pero ang ganda mo. Natural na natural!"

"Maliit na bagay!" Tinaas ko pa ang kamay ko sabay talikod sa kanya. Ok na nagsinungaling ako once, two is too much! Magkakabolahan lang kami iniwanan ko na at umupo na ako sa likuran.

"Napakasama talaga ng ugali mo!" Bati ni Jade, bestfriend ko. Buntot kasi sya ng buntot sa akin e kawawa naman kaya binesfriend ko na! Lol.

"Goodmorning din naman sa napaka-gwapo kong bestfriend!"

"Haha! Maliit na bagay lang yan!" Sagot naman ng loko. "Ikaw, wag ka nga masyado nagdidikit sa akin at nahahawaan na kita ng kayabangan ko!" Sagot ko sa kanya with matching tampal pa yan sa balikat nya. "Haha! Kung iiwanan kita, kawawa ka naman wala kang kaibigan!" E siraulo pala ito e!! "Anong wala? Ang dami kaya!" Humarap sya sa akin. "Marami nga, halos puro lalaki naman! Sigurado ka bang kaibigan ang tingin nila sayo ha?" Medyo lumalakas na rin yung boses nya. Ganyan yan kapag galit. At ganyan yan kapag concern lang din.

"Gago ka ba? Ano naman akala mo sa bestfriend mo? Dyosa? Ha? Hahaha!!!" Halos sumakit ang tyan ko kakatawa sa kanya! Ang OA naman kasi ng imaginations nya! Grabe. "Hindi natin alam ang tinatakbo ng mga utak ng mga nilalapitan mo Jeanna!" Halos panlakihan pa nya ako ng mata. "Ulol. Manahimik ka nalang dyan at parating na si Sir!" Sabay tinalikuran ko na sya. Pero sundot pa rin sya ng sundot sa tagiliran ko kaya nadidistract ako sa ginagawa ko kaya naman hinarap ko na ulit sya sabay sabing... "ITITIGIL MO YAN O FRIENDSHIP OVER NA TAYO?!" halos kumurap-kurap pa sya at mautal-utal pang nagsabi na ititigil na nya. Haha! Yan ang bestfriend ko— under ko, este takot lang ng kunti sa akin. Sapok kasi abot nya sa akin kapag kinokontra ako kaya di rin nya ako nacocontrol sa mga pinipili kong maging friends. Actually naman kasi, di ako namimili. Kung gusto mo akong kaibiganin e di friends tayo. Ganun lang dapat kasimple ang buhay!

Sa haba ng sinabi ko, di ko namalayan na tapos na pala ang klase. Kaya heto kami ni Jade, papuntang canteen para kumain.

Habang naglalakad kami lumitaw nanaman ang pagka-tsismoso nitong bestfriend ko. Pero di to bading ha!

"Alam mo ba kung bakit palaging mukhang espasol ang mukha ni Joanne?"

"O kaninang sinabihan kong mukhang espasol si Joanne sabi mo masamang tao ako, so masamang tao ka rin?" Tanong ko sa kanya. Medyo napangiti ako ng medyo natigilan sya. Guilty!

"De joke lang, so bakit nga ba?" Tanong ko sakanya. "Kasi may nanliligaw sakanya sa second section, e may gusto rin ata sya dun kaya ayun araw-araw nagpapaganda" ahhh kaya naman pala. "Sino naman yung nanliligaw sa kanya?" Tanong ko. Ewan ko bigla lang ako na-curious. "Rain daw e. Kilala rin sya sa school. Kilala mo ba?" Parang hindi sya pamilyar sa akin.

"Hindi e. Baka di ko pa nakakasalubong." Sabi ko. "Sabagay, ang luwang naman talaga ng school na to!" Sobrang luwang talaga! Kaya di ako tumataba e! Haha. "Sige na, order ka na. Hanap na ko table natin. Bilisan mo at gutom na ako!" Utos ko sa kawawa kong bestfriend. "Opo kamahalan, masusunod Miss Jeanna Vii na napakatakaw pero di naman tumataba!" May pag-bow paang loko.

Habang hinihintay ko si Jade at ang pagkain ko, nilapitan ako nila Angie at ang tropa nyang Pabebe! De joke lang. Mga dancers sila sa school at si Angie ang Team Leader nila.

"Hi Jeanna!" Bati ni Angie with the sweetest smile na kaya nyang ioffer sa universe. Patay! Alam ko na to.

"Hi Angie, kung nandito kayo para pilitin nanaman ako na sumali sa group nyo, sorry pero no pa rin. Hindi talaga para sa akin ang pagsasayaw na yan. Mas gusto ko pa magbasa sa library kesa umuwi ng late sa bahay with matching masakit ang katawan sa araw-araw na practice." Pigil-hingang sabi ko sa kanila. "Haha! Ok. May isang salita ka talaga, may paninindgan! Iba ka talaga Jeanna. Pero just in case, just in case lang na magbago isip mo. Alam mo kung saan ako hahanapin ok? Mauna na kami. Bye!"

"Pinipilit ka nanaman?" Si Jade kasama ang pagkain namin. "Kain na tayo, gutom na gutom na rin ako e!"... "Hindi mo sinagot ang tanong ko?" Nakayukong tanong nya. "Naman kasi e! Alam na alam mo naman kasi ang sagot dyan e! Bestfriend ba kita?" Saglit syang natigilan.

"Ayaw mo sa mga all-girls team kasi ayaw mo sa mga pabebe at maaarte. Ayaw mo ng exposure. Ayaw mo ng abala sa pag-aaral mo. Ayaw mo mapagod. Ayaw mo ng tinuturuan ka. Ayaw mong bumarkada sa mga babae kasi mas prone yung sa mga kaplastikan kumpara sa mga lalaki."
Dire-diretso nyang sabi.

"Alam mo naman pala e."

"Syempre bestfriend tayo e."

Pagkasabi nyang yun tumahimik na sya at kumain. Ganun na rin ginawa ko. Habang kumakain kami, dumating yung ibang tropa namin.

"Hey yow!" Josh, pinakamakulit.
"Oorder na ko a!" Zach, seryoso.
"Grabe nakakatuyo ng utak ang stats!" Sabi naman ni Rod, pinakatamad sa lahat ng bagay yan ah!

"Hindi naman ah?!" Sabi naman ng genious ng barkada, si Kevin. "Oo nga!" Halos sabay na sabi ni Mara at Yen na kararating lang.

Magkakaklase kami pero sa bandang harapan sila at kami lang ni Jade ang nasa likod. Ewan ko kung ano ang trip ng gumawa ng seating arrangement namin di tuloy ako makakopya kay Kevin! Haha!

"San kayo galing?" Tanong ko sa dalawang babae. Di sila maaarte gaya ng iba. "Library humiram ng books." Sabi ni Mara. I see. "O bakit tahimik ni Jade?" Tanong ni Yen, yan din tanong ko actually nagkibit-balikat nalang ako.

Sabay-sabay kami bumalik sa room.

Hindi umiimik itong katabi ko.

"Pssst!" Papansin ko.

Di pa rin tumitingin. Tapakan ko nga panga nya, one two.... three!

"Aray Jeanna! Ano ba!!!" Ayun.

"Bat ang tahimik mo?" Tanong ko.

"Masakit ngipin ko!" Bulyaw nya.

"Bulok na ba?" Tanong ko ulit.

Hahaha! Ang epic ng itsura nya! Magiging ok rin kami nyan maya-maya. Pag di na masakit bulok nyang ngipin! Hahahahaha!!!!

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon