"Good morning Zach! Ready na ako."
Hinihintay ko si Zach para sabay kami pumasok. Pero 30 minutes na syang late sa ussual na dating nya kaya naman tinawagan ko na sya.
"Babe sorry di muna kita masusundo. Di rin ako makakapasok ngayon. Masama talaga pakiramdam ko."
Mukhang ang tamlay-tamlay nga nya. Paos ang boses nya at parang hirap na hirap magsalita. Narinig ko pa ang mahinang pag-ubo nya.
"Ok ka lang? Gusto mo punta ako dyan?"
"No baby. Pumasok ka. Parating na rin yung doctor namin. Don't worry na. Gusto mo ipahatid kita sa school?"
"No na Zach. Magpahinga ka na. After class pupunta ako dyan ok?"
"Thanks babe. I love you."
"I love you too." At ibinababa ko na yung phone ko.
"Ma! Alis na ako ha?" Paalam ko kay Mama n kasalukuyang nagdidilig sa garden nya.
"O asan si Zach?"
"May sakit Ma. Di makakapasok saka Ma diretso na ako sa kanila mamaya ha? Wala mag-aalaga dun e."
"O sige basta pag-uwi mo may apo na ako!" Sigaw ni Mama sa akin.
"Ewan ko sayo Ma! Alis na ako."
"Hi Jeanna mag-isa ka lang ata ngayon? Asan si Zach?"
Si Zeke. Pinsan sya ni Zach pero hindi sila close kasi naknakan ng yabang ang isang to. Ni hindi nga pormal na ipinakilala sa akin ni Zach to e. Kabilin-bilinan pa nya na wag na wag kong lalapitan ang isang to.
Bukod sa pagiging mayabang, natural rin ang pagiging babaero nito kaya pinapaiwasan sya sa akin ni Zach.
"May sakit."
Sabi ko at tuloy-tuloy lang ako sa paglakad pero nakabuntot lang sa akin ang loko.
"Pwede bang ako muna ang sumama sayo? Pareho lang din naman kami ng pinsan ko e. O baka nga mas magaling pa ako sakanya."
"Anong sabi mo?!"
"Why Jeanna? Don't tell me hindi ka pa naikama ni Zach? Mahina! Haha."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sinampal ko na sya. May iilang mga estudyante na nakakita sa ginawa ko pero wala na ako pakialam. Ang bastos na nya e!
"Wag na wag mo igagaya si Zach sayo!" Sigaw ko sa kanya.
Nang mabawi na nya yung gulat nya sa ginawa dun lang sya nakapag-react.
"Bakit totoo naman ha? Ilang babae ba naikama nya dito sa campus na to? Sa bar? Sa US?"
Medyo nilakasan pa nya ang boses nya para marinig ng ibang tao.
"Marami Jeanna, MARAMI. At hindi ako magugulat kung pati ikaw ikakama nya."
Sinampal ko ulit sya. Anong karapatan nya. First, pinsan nya si Zach tapos ganyan sya kung makapagsalita dito! Akmang sasaktan na rin nya ako ng may pamilyar na boses ang narinig ko.
"Hurt her and I kill you."
"Rain pare don't tell me kilala mo to?"
"She's my girl."
"Impossible. Binakuran na yan ni Zach. Kaya nga walang nangangahas lumapit sa kanya dahil kay Zach."
"I can." Sabay yakap sa akin.