"Good morning Ma!"
Maaga ako nagising ngayon. Ewan ko ba kung bakit pero parang excited na excited na ako pumasok ngayon. Parang may magandang mangyayari ngayon. Kung anuman yun, sana mapapasaya at matutuwa ako. Sayang naman ang maaga kong paggising at pag-aayos kung mababadtrip ako.
Pero wait lang, tinawag ko si Mama di ba? Himala di ata sumagot? Matawag nga ulit.
"Ma!"
Wala pa rin sumasagot. Asan kaya yun?
"Ma, asan ka ba? Wag mo ko iwan!"
Pagkarating ko ng sala, wala tahimik pa rin. Baka nasa kusina, mapuntahan nga.
"Uy Jeanna, good morning. Aga mo ah? Lika na dito sumabay ka na sa pagkain sa akin." Si ate. Kasalukuyan syang nag-pe-prepare ng breakfast. Umupo na ako sa may hapag-kainan. Magkaharap kami ni Ate Lia. "Nasaan si Mama ate? Iniwan na ba nya tayo? Hindi na ba tayo mahal ni Mama? Bago ba sya umalis nag-iwan ba sya ng allowance ko? Pang load ate?" Hahahaha! Natatawa na ako sa itsura ng ate ko. Nagtataka sya. Napaka-inosente rin kasi nya kung minsan e. "Jeanna, nag-grocery lang si Mama. Ang OA mo ata?" Hahaha. Mas OA yung reaction mo ate e. "Ay! Kala ko iniwan na tayo ni Mama e. Akala ko akin na tong bahay. Haha!" Tinuloy ko na yung kinakain ko. Infairness naman sa kanya, masarap magluto ang ate ko. "Ate, mauna na po ako, dadaan pa kasi ako ng library. Ingat sa pagpasok ate ha?" Tulad ng dati, panay ang paalala sa akin ni Ate. Madre ata to e. Haha! Sorry ate pero may kunting landi ako sa katawan ngayon e. Haha!
Maaga talaga ako today. Kukunti pa lang ang mga estudyanteng nakakasalubong ko. Mukha pa ngang nagulat si Manong Guard na nakita ako sa harap ng gate kanina. Parang ayaw pa ako pagbuksan ng gate kasi daw baka multo ko lang yun kasi ang alam nya, ganitong oras tulog-mantika raw ako. Haha! Kita nyo, kahit guard kilala ako. Di nga kasi ako naniniwala sa "Don't talk to strangers" e!
Medyo nakakatakot pala kapag maaga ka. Halos walang naglalakad sa corridor. Feeling ko anytime may lalabas na zombie sa ilalim ng sahig e.
Ok, second floor na. Isang liko nalang nasa library na ako. May hihiramin naman talaga ako dun.
"Wala naman siguro zombie kasi may sinag na ng araw di ba?"
Para akong tanga na kinakausap yung sarili ko.
"Good morning, Jeanna. San punta mo?" Tanong ni Kyle. Classmate ko sa isang subject. "Library." Tipid na sagot ko at tinuloy ko na ang pagliko ko papuntang library.
Medyo maaga pa at nahanap ko naman agad ang kailangan kong libro so I decided na mag-stay muna dito sa library. One hour pa bago mag-start ang klase e. Pumili ako ng libro na pwedeng basahin. Sa may bandang gilid ako umupo para di masyadong madadaanan ng estudyante kung may mapadpad mamaya.
"Pwede maki-share ng table?"
Huh? Ako lang nandito kanina wag mo sabihing napuno agad ang library in three seconds? Bahala sya. Di ko sya pinansin, ni halos hindi ko rin sya tinapunan ng tingin. Istorbo ka!
"Please? Gusto ko kasi dito. Tahimik at di daanan ng students." Ayan na naman, nagsalita nanaman sya. Istorbo talaga! Mabulyawan nga! Pag-angat ko ng ulo ko....
"Pwede ba Miss?"
.........
"Miss? Promise di ako mag-iingay."
..........
"Miss? Ok ka lang?"
"Miss?"
"ARAY BAKIT MO KO BINATO NG BALLPEN?! ANG SAKIT AH!"
"Quiet!" Yung librarian.
Bigla ako tumingin sa paligid ko at may pa-ilan-ilang mga estudyante at nakatingin sila sa akin. Oo na, sorry na! Paano ba naman kasi e!