THIRTY TWO

12 0 0
                                    

"Jeanna! Gising na! Andito na mga organizers ng event!"

Ang aga-aga sigaw ng sigaw si Mama.

Andito kami ngayon sa Palawan.

Yes, ngayon ang opening ng Te Amo at ang walang-hiyang kuya ko isinabay sa birthday ko!

Though ngayon ang event bukas ang birthday ko, nakakainis pa rin kasi hindi ko makakasama ang mga kaibigan ko sa birthday ko. Usapan kasi namin nila Jade na magkakasama kami mag-celebrate ng mag-cancel ako kasi si kuya kahapon lang itinawag na ngayon pala ang opening ng resort!

Sabi kasi nya para daw makatipid kami. Siraulo rin ano?! Haha. Pero ayoko naman talaga ng magarbong handaan ang kinaiinisan ko lang, nakakahiya sa barkada! Kahit sabihin nilang ok lang, still nakakahiya pa rin!

"Jeanna naghihintay kami!"

Ay peste! Anong oras ba ang event at naamadali si Mama!

"Oo na, wait lang!" Sigaw ko habang palapit sa pinto para pagbuksan ng pinto si Mama na mukhang may mga kasama.

"Finally!"

"Ano ba meron Ma? Ala-una palang at 6pm pa ang event ni Kuya bat ang aga mag-ayos?!" Naiirita talaga ako.

"Marami kasi aayusan anak!"

"Isa pa yan Ma! Bat kailangan pa ng ganyan?! Yang ayos-ayos na yan! Pwedeng hindi na di ba?!"

Totoo naman e!

"O sige Jeanna, sirain mo gabi ng kuya mo. Ok lang. Sige lang, Jeanna."

"Oo na Ma! Simulan nyo na..."

Ang tagal na hinintay to ni kuya tapos sisirain ko lang? Tama nga si Mama. Bukas ko nalang sesermunan si kuya!

"Hi Miss Jeanna, start na po tayo?"

"Yeah." Walang ganang sabi ko.





Pikit dito, pikit doon. Taas kilay, nganga bibig. Ang hirap!

Kung anu-ano pinapagawa sa akin ng bakla na to. Kung anu-ano rin ang inilalagay!

Gods and goddesses daw ang theme ng event ni kuya. Well halos ganun rin naman talaga ang theme ng resort kaya nga gandang-ganda ako e!

Gustong-gusto ko naman tong OOTD ko! Ang galing lang ng pumili. Parang ako lang, parang kilalang-kilala akong namili.

"Ang sexy nyo naman Miss!" Sabi ng bakla na tila hangang-hanga sa hubog ng katawan ko. Ang ganda kasi ng suot ko nakadagdag pa ang lowered back nito. Puti at may gold na lining.

Simple lang ang make-up ko kasi yun ang gusto ko. Ayoko naman na makaagaw ng pansin kasi di ko naman to gabi. Messy bun ulit since yun ang favorite ko gawin sa buhok ko.

"Thank you, go na. Ayusan mo na yung iba pa." Pagtataboy ko sa kanya. Medyo naiirita na ako sa kakapuri nya e.

"No Miss, exclusive ako for you."

Huh?

"Sino nagsabi?"

"Me." Lumingon ako para tignan ang taong kakapasok lang sa kwarto.

"Kuya? Why?"

"Because I want to." Plain nyang sabi.

"Why nga?" Pangungulit ko.

"Ok, ok. Kasi sinira ko ang plan mo para sa birthday mo bukas. So this is my way of saying sorry I guess?"

"Buti alam mong nasira mo."

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon