Where do broken hearts go?

3 0 0
                                    

Ako si Jeanna.

Simpleng buhay lang ang pinangarap ko. Yun lang ginusto ko sa buhay ko.

Pero naging kumplikado ang lahat.

Bakit?

Simple lang. Nagmahal kasi ako.

Nagmahal. Nasaktan. Natuto.

Ilang beses akong nasaktan, hindi ko alam pero parang nag-enjoy ang sistema ko sa sakit na nararamdaman ko.

Na para bang hinayaan ko na paulit-ulit kong masaktan ang sarili ko dahil sa pag-ibig.

Kaya nga dumating ako sa point na to.

Umalis at lumayo.

Umalis para mahanap ang sarili.

Lumayo para subukang buuin ang nasirang pagkatao.

Sa pag-alis ko ba nahanap ko iyon?

Hindi.

Hindi ko alam.

Isang buwan nalang at matatapos na ang binigay kong panahon para sa sarili ko.

Nahanap ko ba ang hinahanap ko?

Nabuo ko ba ang gusto kong mabuo?

Hindi ko pa rin alam.

Hindi rin naman kasi yun ganun kadali. Na kapag sinabi mong gusto mong makalimot, gusto mong maka-move on magagawa mo agad-agad. Hindi. May proseso yan. At yang proseso na yan hindi masasabi kung hanggang kelan. Hindi mo masusukat yan.

Ang hirap.

Lalo at nag-iisa ako.

Hindi naging madali ang lahat sa akin.

Ang hirap na malayo ka sa mga taong mahal mo.

Nung panahong unti-unti ng lumalaki ang tyan ko dun ko narealized yung hirap ng pagiging isang ina.

Na sa bawat araw na lumilipas walang araw na hindi ko naisip kung paano ako kapag manganganak na ako. Ni wala akong pera. Hindi ko alam kung paano ko mairaraos ng matiwasay ang anak ko.

Naalala ko si Papa.

Kaya ganun nalang din siguro ang sipag nya sa pagta-trabaho para maibigay kay Mama yung assurance na magiging ok ang mga magiging anak nila.

Dun ko naintindihan ang lahat.






Nagpursigi ako.

Pinilit bumangon mag-isa.

Kaya wala ng sasaya pa sa akin ng masilayan ko sa unang pagkakataon ang anak ko.

Ang pag-iyak nya.

Ang unang hawak ko sa mga kamay nya.

Totoo pala talaga yung sinasabi nila na kapag nakita mo na ang anak mo, lahat ng worries mo mawawala.

Hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko.

"Ate tulala ka nanaman dyan?"

Hindi ko napansin na nakapasok na pala sa kwarto ko si Anika.

"Tulala agad? Nag-iisip lang ako ng masarap na hapunan natin." Sabi ko.

"Ate! Ako gagawa nun. Halos kapapanganak mo palang ang kulit mo naman e."

Anika just turned 18 last month pero kung manermon parang nanay na nanay.

"Four months na Anika. Ang OA mo na ah. Kaya ko na. Saka normal delivery ako kaya no need na tipirin ko ang kilos ko." Natatawang sabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon