TWENTY

12 0 0
                                    

"Hi love, kamusta ang byahe?"

"Ok naman love, medyo nakakapagod lang pero ok naman. Safe kami nakarating ni kuya dito. How are you?"

"Eto namimiss ka. Uwi ka na kaya love?"

"Haha! Sira. Hindi mo man lang ako pinaabot ng kalahating-araw dito? Mamaya mo na ako ayain umuwi ah!"

"Ang kulit mo love! Mas lalo kita namiss."

"Tiis ka muna ha, one month to love."

"Bakit kasi ang tagal?"

"One month kasi kailangan si kuya dito. Di naman yun papayag na mag-isa ako uuwi kaya talagang sabay kami. Saka love, minsan lang mag-yaya si kuya. Minsan lang yan magka-time sa amin kaya pumayag na rin ako."

"Kung bakit ba naman kasi di ako ok sa kuya mo e."

"In time love, pagpasensyahan mo muna ha?"

"Lahat basta para sayo. Ops! Wag kiligin!"

"Loko ka tala—"

"Jeanna, let's eat." Napansin ni Kuya na may kausap ako sa phone. "I'm sorry. Lumabas ka na after that phone call ok?" Sumenyas naman ako ng oo kay kuya.

"Love, maya nalang ulit ha? Kain muna ako. Medyo nagutom rin kasi ko e."

"Sige. I love you."

"I love you too.."





Habang kumakain kami binibilinan ako ni kuya. Alam ko naman na hindi kami laging magkakasama sa maghapon pero hinayaan nya lang ako sa gusto kong gawin. Ok lang din daw kay kuya kung sumama ako sa mga meetings nya wala naman daw magiging problema dun.

Actually itong resort na to ang tinatapos ni kuya. Dito rin kami mag-stay for one month. Maganda sa resort na to. Na kahit fully built na sya ng mga modernong mga gamit, di pa rin nawawala ang sariwang hangin sa paligid nito.

Kung gusto mo magrelax ok na ok ang lugar na to.

Dahil nga sa dalaga na ako. Hinahayaan na rin naman ako ni kuya na magsuot ng mga bikini o twopiece for as long as hindi sya ganun ka-revealing.

"You can do what you want here basta inform mo ako ha?"

"Bakit mo ako sinama dito kuya?"

"What do you mean?"

"Hindi ikaw to kuya e. Hindi mo ugaling dalhin ang kung sino pagdating sa trabaho mo. Napaka-professional mo. Bakit kuya?"

"Na-miss kita."

"Hindi mabenta kuya."

Bumuntong-hininga si kuya bago nagsalita ulit.

"I want you to enjoy summer... again."

"Kuya..."

"Hindi ako nagtanong Jeanna. Pero it doesnt mean na wala akong pakialam. Na wala akong napapansin."

Hindi ko na malunok yung kinakain ko dahil kay kuya.

"Nung umuwi kang umiiyak, alam kong si Zach ang dahilan nun. Tumawag sya sa akin. Humihingi ng sorry."

Hindi ko alam yun.

"Hindi sya nagsabi kung ano ang nangyari basta ang sabi nya, alalayan kita kasi pansamantala syang mawawala. Akala ko saglit lang, pero lumipas ang mga buwan hindi ka pa rin ok hanggang sa isang araw umuwi ka at pinakilala si Rain na boyfriend mo. Dun na ako nagtaka. Ganun ba kalalim yung away ninyong dalawa ni Zach?"

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon