TWENTY SEVEN

1 0 0
                                    

"I need to go to the office early. May mga meetings ako. Sa office na ako kakain pero naihanda ko na ang almusal mo. I'll call you during my breaks." Dire-diretsong sabi ni Rain.

Andito ako ngayon sa kwarto at kasalukuyang inililigpit ang mga kalat sa kwarto. Napahinto ako ng lumapit sa akin si Rain.

"I love you." Humalik sya sa noo ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto at umalis papuntang office.

I chose him.

Pagkatapos sabihin ni Rain yung mga bagay na yun, tuluyan na syang pumasok ng kwarto at iniwan ako na magulo ang isip. Hindi ko maintindihan kung kailangan ko talaga mamili sa kanilang dalawa.

Dati sigurado ako na hindi ko ipagpapalit si Zach sa kahit na sino pero this time naguluhan ako. Nakaramdam ako ng takot at na-gi-guilty ako.

Si Rain ang pinili ko. Why?

Sya kasi yung boyfriend ko di ba? So dapat sya ang piliin ko kasi kapag tinanong nila ako kung bakit sya ang pinili ko, ang dali lang sabihin na kasi sya ang boyfriend ko.

Pero kapag si Zach ang pinili ko at tatanungin ako kung bakit, ang hirap naman ata paniwalaan na kasi bestfriend ko sya at mas pinipili ko sya kesa sa boyfriend ko.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kagabi pa tawag ng tawag sa akin si Zach, hindi ko sinasagot. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi na ako pwede makipagkita sa kanya. Na hindi na kami dapat mag-bestfriend kasi pinamili ako ng boyfriend ko at hindi ko sya pinili. Ang hirap naman irason yan sa isang Zach Montenegro!





Maghapon lang ako nasa unit ni Rain. Di ako lumalabas ng kwarto. Magulo ang isip ko. Ang sakit para sa akin na iwan si Zach ng ganun lang. Gusto ko umalis at habulin si Zach sa airport atleast makapagpaalam man lang ako sa kanya sa huling pagkakataon kaso natatakot ako sa magiging reaksyon nya. Natatakot ako sa isusumbat nya sa akin. Hindi ko alam! Naguguluhan talaga ako.

Maya-maya tumunog ang phone ko.

Fly in a bit. Hope you're ok baby. Call me please. I'm worried.

Ayoko naman na umalis sya na nag-alala sa akin dahil alam din nya na may tensyon between sa amin ni Rain, tinxt ko sya.

I'm ok. Be safe.

Wala pang isang minuto ay tumatawag na sa akin si Zach. Nag-aalangan ako kung sasagutin ko ba o hindi. Ngayon na nakikita ko palang yung pangalan nya sa screen ng phone ko naiiyak na ako. Paano pa kaya kapag narinig ko na talaga ang boses nya?

"Hel—lo?" Peste! Nautal pa ako.

"Sinaktan ka nya?" Tanong nya

Physically no, emotionally yes. Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero alam ko naman na kahit anong sakit ang maramdaman ko agad yan pupunta once na malaman nya at yan ang kailangan ko iwasan simula ngayon. "No, Zach. I'm ok. Totoo."

"Good. Alis muna ako. Babalik ako after ng intern ko sa Palawan para sunduin ka. Sabay tayo aalis papuntang Europe."

Shit! Paano ko sasabihin sa kanya na hindi na ako sasama sa kanya? Paano ko sasabihin na hindi na ako sasama sa kanya kahit kelan?

"Zach, i'm sorry.." Sana patawarin mo ako. Sana maintindihan mo ako.

"I'll be back Jeanna. I love you."

Hindi ko alam ang isasagot ko. Mahal kita Zach pero kailangan muna kitang layuan. Nagugulo ko kasi yung relasyon namin ni Rain.

"Jeanna andyan ka pa?"

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon