Walang permanente sa mundo.
Minsan yung mga tao na nagpapasaya sa atin, yun pa yung madalas na mawala.
It's either tanggapin mo o hindi..
PEOPLE COME AND GO.
Question is, handa ba tayo harapin ang panibagong araw na wala sila sa piling natin?
Handa ba ako na araw-araw ko syang makikita pero hindi-hindi ko malalapitan at makakausap?
Hindi ako galit sa kanya.
Pero yung tiwalang binigay ko, sinira nya at alam ko hinding-hindi na yun mabubuo pa.
Sana lang mabilis dumating yung panahon para matanggap nya na hanggang dito nalang.
Sana maging ok din sya.
Sana maging ok na ang lahat.
"Paupo, thanks."
Nagulat pa ako ng may humatak sa bakanteng upuan sa tabi ko. Walang pasok ngayon, kaya napagpasyahan ko muna na lumabas. Ayokong nasa bahay lang ako. Ang dami-dami ko naiisip dun. Saka parang natatakam ako ng steak ngayon kaya pumunta ako sa resto na to.
Walang sabi-sabing kinuha nya ang tinidor ko sabay tusok sa steak ko!
"Hoy! Umorder ka ng sayo. Mang-aagaw ka!" Nag-cra-crave nga ako tapos aagawan lang ako.
Nag-slice pa sya ulit at isinubo. Uminom pa sa juice ko!
"Zach naman e! Abusado ka. Ikaw magbayad nyan!! Kunti pa lang nakain ko e!!!" Maktol ko. Totoo naman kasi, halos kararating ko lang din dito kaya kunti palang nakain ko.
"Ang damot mo. Oorder na nga lang ako." Saka nya tinawag yung waiter. Halos nakahalati na nya yung akin gutom pa rin sya? "Gutom ka pa? Halos inubos mo na nga pagkain ko e!" Inis na sabi ko sa kanya. Nakatingin lang sa amin yung waiter. "Make it two, nagmamaktol nanaman tong amazona kong girlfriend." Sabi nya sa waiter, bahagya naman ngumiti yung waiter sabay alis para iprepare ung order nya. "Girlfriend mo mukha mo!" Nakakaloka naman kasi ang isang to. Ang tagal din namin di nagkita tapos mangbu-bwisit pa. "Pagod ako ok? Kaya gutom ako." At kinain na nya ng tuluyan yung nasa plate ko. Patay gutom! "Pagod? Saan? Sa ibabaw ng babae?" Malamang sa babae galing to. Iba ang amoy ng pabango nya ngayon e. "Excuse me? Nasa ilalim ako kanina." Parang wala lang sa kanya. "Pervert!" Sabi ko sabay irap. Bastos talaga to kahit kailan. "I know and i'm proud ------ aray Jeanna! Ano ba! Ang sakit naman ng kurot mo!! Aray! Tama na!!" Oo, pinagkukurot ko sya. Ang landi na nga, ang harot pa!
"Ok, I'm sorry na. Alam mo naman na kasi yan. Paulit-ulit tayo Jeanna."
"I want you to change."
"But I don't want to change. Eto ako Jeanna, masaya ako dito. Wala naman sapilitan sa lahat ng nangyayari sa akin at sa mga babae ko. Alam nila kung ano lang ang kaya ko ibigay. Pang-kama lang ang habol ko."
"Paano kung yung babaeng nakatakda sayo isa pala sa mga naging babae mo?"
"Imposible yan." Sabi nya.
"Posible bang mahalin mo rin ako?" Biglang tanong ko. Ano to?! Anong katangahan yang tinanong mo Jeanna!
"Aist! Wag na. Wag mo na sagutin!"
Nakatingin lang sya sa akin.
"Oo na nga! Sige... Ano... Hmmm.."
Nauutal ako! Ano ba, umayoska nga!"Ano yun Jeanna?" Parang aso kung makangiti naman to!
"Imposible bang mahalin mo rin ako?" Bahala na nga.
"Possible."
Huh? Ibig sabihin....
"Pero ayokong mangyari yun."
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto.
"Bakit?" Curious ako.
"You're my angel. I'm your protector. I'll protect you sa lahat ng possible pains na darating sayo, if that's include me? Yes. I'll protect you from me."
"At kung bakit di ako pwede mainlove sayo? Kasi you are too precious to be hurt by someone like me."
"Someone like you na?"
"Masaya sa ibabaw ng babaeng inuungol ng pangalan ko. Ayaw mo naman yun di ba?"
"Hahaha! Siraulo. Pervert forever."
Sabay kaming natawa sa kalokohan naming dalawa.
Sa lahat, si Zach ang laging may effort para pasayahin ako. Protector indeed!
After namin kumain, napagpasyahan namin na mag-ikot ikot muna. Andito kami sa pinaka-malapit na park. Sakto kasi ang ganda ng view ng sunset dito. Kitang-kita! Ang ganda lang panoorin.
"Seriously Jeanna, ok ka lang?"
Ngayon lang nya yan tinanong. Akala ko nga wala na tong pakialam sa akin e. Haha!
"To be honest? I don't know. Nasaktan ako kasi nawalan ako ng kaibigan. Pero ewan ko, hindi ako naguguilty sa ginawa ko. Masama ba akong kaibigan?"
"No. Pero ang tapang tapang mo. Kaya mong panindigan ang mga salita mo."
"Kasi....."
"Kasi what?" Tanong nya.
"Ayoko pag-usapan."
"It's about your father."
"Please, Zach no...."
"Ok. I'll respect your decision. Basta kapag ready ka na magsabi, nandito lang ako. One------" hindi na nya natuloy ang sinasabi nya.
"One call away. Alam ko, thank you."
"Halika ka na, hatid na kita." Medyo madilim na rin. Di na rin ako tumutol na ihatid nya ako hanggang sa loob ng bahay. Ganun sya ka-protective sa akin.
"Ma, andito na ako. Si Zach hinatid ako." Pagkapasok namin sa bahay.
"Alam ko. Nakikita ko naman anak! Ginawa mo pa akong bulag. Hindi mo ba idedescribe yang mga suot nyo para sagad na sagad na!"
May topak nanaman si Mama. Eto naman katabi, tatawa-tawa lang!
"Good evening Tita. Sorry po kung medyo late ko na nahatid si Jeanna."
"Ok lang 'nak! Kayong dalawa lang ba? Asan ang ibang tropa? Asan si Jade? Matagal ko ng di nakikita ang batang yun ah?"
"Wala Tita, actually accidentally ko lang sya nakita na kumakain mag-isa sa resto kanina, e naawa ako kaya sinamahan ko na."
"Ay salamat naman 'nak! Naku napaka-damot ng bata na to kakain mag-isa di man lang magsama. Wala pang take out!"
"Maaaaa! Ano ba?! Isa ka pa Zach e. Pinagkaisahan nyo pa ako!"
"Joke lang naman anak! Eto naman oh.. Sorrrry poooo!" Ginaya pa si Chichay!
"I have to go Tita, late na rin. Goodnight Jeanna Vii." Sabay yakap at halik sa noo ko. Nasa harap pa namin si Mama nyan ah!
"Goodnight din."
Hinatid ko pa sya sa labas. Pagkapasok ko sa bahay nasa sala pa rin pala si Mama.
Nakatingin si Mama sa akin.
Nakangiti na parang aso.
Ano nanaman to?
"Ma. Hindi kami at hindi nya ako nililigawan at hinding-hindi kami magiging kami kasi magkaibigan lang ang turingan namin."
Inunahan ko na si Mama.
"Ok." Ang lapad ng ngiti. Parang sira talaga! Hahahaha.
"Ewan ko sayo Ma!"
Bukas paggising ko panibagong buhay na to.
Walang Jade, walang bestfriend.
Kakayanin ko to.