"Let's go malalate na tayo!"
Si mama mas excited pa kesa sa akin.
Graduation day. Ngayong araw matatapos lahat ng pahirap namin sa buhay.
Kidding aside, masaya ako na natapos ko to. Alam ko panibagong mundo nanaman ang papasukan ko pero excited ako for new opportunities.
Gustong-gusto ko na magtrabaho!
"Love on the way na kami sa school. Kayo ba?" Tinawagan ko si Rain. Hindi nya kasi ako masusundo dahil kasama rin nya ang mga magulang nya ngayon. Ganun din naman ako.
"Yes love. I miss you..."
Napaka-clingy. E magkasama naman kami kahapon to finalize kung saan namin icecelebrate ang graduation kasabay ng third anniversary namin.
Ang bilis pala talaga ng panahon.
Akalain mong natagalan ko tong kumag na to?
"You're driving? Sige mamaya na. Kita nalang tayo dun sa school."
"No, i'm not driving. Pero sige mamaya nalang. Love you."
"I love you too." Alam nyang mahilig ako sa dagat kaya naman napagkasunduan namin na sa Subic nalang ang punta namin.
Buti pumayag sila mama na umalis na sya lang ang kasama ko. Yun kasi ang gusto nya this anniversary namin. Gusto nya sa kanya lang ang atensyon ko. Pumayag naman ako since pinagbigyan nya ako sa ibang gusto ko.
Kay kuya ako nahirapan magpaalam pero pumayag din naman sya after ten hours of arguments. Haha!
"I'm so proud of you anak.." Si mama na tila naiiyak pa. Haha! Mahal na mahal ko talaga tong si mama. Kung makaiyak akala mo ngayon lang may makakapagtapos na anak nya e nakapagtapos rin naman sina kuya.
"Thanks ma! Thank you rin. Hinayaan nyo ako pumili ng course na kukunin ko." Niyakap ko naman ng napakahigpit si mama ng tumigil na kaiiyak. Nakangiti lang naman na nakatingin sa amin sina ate at kuya.
Pumasok na kami sa loob. Sinalubong naman kami ng napakagwapo kong boyfriend. Walang kupas talaga ang isang to.
"Hi love!" Lumapit sya sa akin at niyakap ako. Bumati rin sya kina mama. "Good morning tita." Ngumiti naman si mama. "Congratulations iho.." Tumango at nagpasalamat naman ito. "Hi Ate Lia." Ngumiti rin ito and she mouthed congrats sa kanya. May kausap kasi ito sa phone. "Good morning Kuya Dan." Tipid na pagtango lang ang natanggap nito. Hanggang ngayon napaka-cold pa rin nya kay Rain. Hindi ko alam kung bakit.
"Love, tara na? The program will start anytime soon."
"Ma, dun na po muna kayo sa seats nyo ha?"
"Sige na anak just go. Kami na ang bahala sa sarili namin."
Apat na taon ang lumipas. Kung iisipin mo parang ang hirap i-survive ang mga araw na yun. Kala mo walang katapusan ang lahat ng paghihirap na yun. Pero heto maya-maya lang makukuha ko na ang bunga ng apat na taong paghihirap.
Gaya sa buhay. Minsan akala mo kapag sinubok ka na, at kapag feeling mo hindi mo kaya, gusto mo nalang sumuko. Na mas gusto mo pa i-give up kesa subukan kung hanggang saan ang kakayahan mo.
May mga bagay na nagsisimula at may mga bagay na nagtatapos.
Ang maganda lang sa bawat pagtatapos ay ang paniguradong pagbubukas ng mga bagong simula.
Ganun naman lagi e, na sa bawat pagtatapos may bubuksang bago.
Na sa kahit anong yugto ang magbubukas dala pa rin natin ang mga natutunan natin mula sa nakaraan.